Habang nagpa-practice sila ay napatingin ako sa orasan. 9:30 am na pala. Baka nagugutom na yang mga yan. Ayoko namang abalahin baka pagalitan ako.
"Break muna!" sigaw nung director ata sa studio at lumabas na sila.
Agad ko syang nilapitan. "Nagugutom ka?"
"Yeah." sagot nya.
"Okay, wait lang." aniko at kinuha ang dinala kong pagkain para sa kanya.
Ininit ko lang saglit sa heater yung sopas na niluto ko kanina at isinalin sa bowl bago pumunta sa eating room nila. Ibinigay ko na sa kanya ang dala ko nung lumapit ako sa kanya. Sila Fred naman kumakain lang ng pizza.
"Wow, lutong bahay. Nakakatakam naman yan. Swerte mo naman sa PA mo pare," ani Fred.
"Paano ka ba nya naging PA?" tanong ni Justin.
"Mahabang kwento eh." sagot ko.
"Kung gusto nyo rin syang maging PA, ireject nyo yung pagtugtog ng banda sa school nila. Personal nya kayong kakausapin para lang ituloy yon at doon nyo sya bigyan ng kundisyon para maging PA nyo sya."
Nagulat ako sa sinabi nya. Gusto nyang magback out din sila Fred sa pagtugtog sa school namin? Napakasama nya!
"Ang sama mo naman," inis kong sabi at umalis na don. Nainis na talaga ko eh.
----------------------------------
STEPHEN'S POV
Pasimple kong naikuyom ang kamay kong nasa ilalim ng mesa nang umalis sya.
"Pare sobra naman ata yung sinabi mo," ani Justin.
"Ako pa ba ang sobra? Sya ang unang lumapit sakin, sinabi ko lang naman ang totoo." banggit ko. F*ck! Bakit ganito? "Diba sabi nyo swerte ako sa PA ko? Binigyan ko lang kayo ng suggestion kung paano nyo sya mapapasunod," D*mn! Mas naikuyom ko ang kamay ko dahil don.
"Langya pare, ganyan ka na ba talaga kalupit ngayon? Si Shiela yon oh. Yung babaeng mahal na mahal mo noon. Yung babaeng halos kabaliwan mo nung nawala sayo! Ano, hahayaan mo na lang bang mawala sya uli sayo?" inis na tanong ni Justin.
"Ayaw mo non? Edi may pag-asa na kayo. Di ba gusto mo rin sya noon?"
Bigla nya kong kinuwelyuhan at kita kong inis na inis na sya. "Oo, nagustuhan ko si Shiela noon pero nung naging kayo, pinilit kong patayin yung nararamdaman ko sa kanya! Hanggang ngayon ba may galit ka pa rin sakin dahil sa pagseselos mo noon?!"
FREDERICK'S POV
Ay mga lintik na to oh. Magsigawan ba daw dito? Mamaya biglang may pumasok eh, isumbong pa kami kay Clifford. Sabagay, wala din namang ma-say yon samin, lalo na kay Stephen pag galit na galit sya katulad kanina nung sinabihan nya ng masama si Shiela...pero syempre manager namin yun kaya minsan, mabait lang kami kahit napapagalitan.
Tinanggal ni Stephen ang kamay ni Justin sa kwelyo nya at kinuwelyuhan rin si Justin. "Oo! Sino ba naman ang makakalimot sa ginawa mong pagyakap sa kanya noon ha?!"
BINABASA MO ANG
Way Back into Love
RomanceThis is a story of Love and Sacrifices. Shiela Marie Bergado is a consistent top student na nagkaroon ng problema financially nung magkasakit ang daddy nya dahil sa stroke. Isang trabaho ang in-offer sa kanya ng kanilang principal... yun ay ang magi...