Patulog na sana ako nang makaramdam ako ng uhaw kaya naisipan kong bumaba muna. Nadaanan ko ang kwarto ni Stephen kaya sumilip muna ako, at tulad ng inaasahan ko ay nag-aaral sya. Seeing him na seryosong nag-aaral ay talagang nakakatuwa. Ang gwapo nya rin lalo sa salamin nya.
Nakita ko syang humikab at umiling-iling, malamang siguro ay inaantok na sya, pero dahil may pasok sya bukas, kailangan nyang mag-aral.
Dumiretso na ko sa kusina at tinimplahan sya ng hot choco.
Kumatok muna ako bago pumasok.
"O bakit gising ka pa?" tanong nya at tinanggal ang salamin nya. Lumapit ako at inilapag yung hot choco sa table nya. Pumunta ko sa likod nya minasahe sya.
"Di ba dapat mas ikaw ang tulog na? May pasok ka pa bukas ah."
"Nag-aaral lang ako, baka kasi magkaron kami ng special quiz eh."
"Naks, ang sipag ng boyfriend ko ah. Gwapo na, matalino pa at hmm.. Higit sa lahat... talented. Ang swerte ko talaga sayo," biro ko at niyakap sya.
"MOO, anong kailangan mo at ang sweet mo ngayon huh?" tanong nya.
"Wala, masaya lang ako. Tulog ka na baka di ka pa makapasok kapag nagkasakit ka kakapuyat."
"Saglit na lang naman to. Matutulog na din ako, ikaw tulog ka na din."
"Hihintayin na kita. Dito na muna ako. Makikibasa ako sa book mo." banggit ko at biglang natahimik.
"Lika nga dito," aniya at kinuha ang kamay ko at pinaupo ako sa lap nya.
"I know this is your ultimate dream, ginagawa ko rin naman to para sa promise ko sayo eh. If you wanted to become a doctor, you can use my books. You can read all of those." aniya pero hindi ko na magawang mag-react. "Hey, wag ka ng malungkot."
Pilit na lang akong ngumiti. My ultimate dream. Yeah, gusto kong maging doctor, pero hindi pa pwede. Hindi dahil sa nag-aaral pa kong maging Accountant pero dahil alam kong hindi pa namin kakayanin. Mahal ang course na yon, at kung sana naipasa ko ang scholarship ko noon para maging doctor, edi sana magkaklase kami ni Stephen sa course na pareho naming pinangarap. Oo, hindi ko naipasa ang scholarship exam noon sa Med school kaya nanlumo ako. Nakadagdag yon sa dahilan para ayawan ako lalo ng lola ni Stephen.
Napatingin ako sa kanya nang pindutin nya ang ilong ko.
"I love you," banggit nya dahilan para mapangiti talaga ko.
"Haaaay, mag-aral ka na nga. Matutulog na lang ako, baka naaabala kita." aniko at tatayo na sana pero hindi nya ko pinapakawalan.
"Dahil sayo kahit papano narerelax ako. Dito ka na muna. Samahan mo ko mag-aral." aniya.
"Makakapag-aral ka ba na nasa lap mo ko? Kukuha ako ng upuan, dun ako uupo para makapag-aral ka ng ayos." natatawa kong sabi at tatayo na sana pero ayaw pa rin nya kong pakawalan.
"Kiss muna," aniya at ngumuso pa.
"Tumigil ka nga, haha. Sige na, baka mangalay ka," aniko.
"Ayoko. Kiss muna," aniya na parang bata.
Para syang bumalik sa dating Stephen na boyfriend ko 5 years ago. Hinalikan ko sya sa pisngi pero sinamaan nya lang ako ng tingin.
"Hindi mo ko pamangkin." aniya.
Hinalikan ko sya sa noo.
"Niloloko mo ba ko?" inis nyang tanong. "Mukha ba kong matanda?"
BINABASA MO ANG
Way Back into Love
RomanceThis is a story of Love and Sacrifices. Shiela Marie Bergado is a consistent top student na nagkaroon ng problema financially nung magkasakit ang daddy nya dahil sa stroke. Isang trabaho ang in-offer sa kanya ng kanilang principal... yun ay ang magi...