SHIELA'S POV
3am pa lang ay gumising na ko para magprepare ng breakfast at mga gagamitin ni Stephen. Pupunta kami ng Baguio ngayon para sa Mall Tour nila kaya kailangan kong magprepare nang maaga, 6am ang call time nila sa network kaya maya-maya lang ay gigisingin ko na sya.
Bago ko magluto ay pumunta ko sa kwarto niya para i-ready ang mga susuutin niya. Ayoko naman kasing lumamig agad ang niluto ko kapag inuna kong gawin yun. Busy ako sa pagkuha ng damit nang may maramdaman akong brasong pumulupot sa bewang ko.
"Ang aga mo naman nagising," antok pa niyang banggit at idinikit ang pisngi nya sa ulo ko.
"Nagising ba kita? Pasensya na huh. Sige na tulog ka na uli.. Gigisingin na lang kita maya-maya," aniko at tinignan sya. Nakapikit pa sya at mukhang antok na antok pa talaga.
"Huwag na tayong sumabay sa kanila. Sumunod na lang tayo, tulog na muna tayo." aniya at inilagay ang ulo niya sa balikat ko.
"Hindi pwede baka magalit si Cliff," mahinahon kong sabi. "Sige na, tulog ka pa muna uli." aniko.
"Wala na kong lakas na umalis pa sa posisyon ko. Dito na muna ako." parang bata nyang sabi kaya natawa ako ng mahina.
Humarap ako sa kaniya. Namumungay talaga ang mata niya. Hinawakan ko ang pisngi niya.
"Aww... Kawawa naman ang baby." tukso ko at niyakap siya.
Yumakap din naman siya agad.
"Inaantok pa ko." mahina niyang sabi.
Kinuha ko ang kamay niya at pinahiga sya sa malabot nyang kama. Parang bata talaga hahaha.
"Sleep na uli huh." aniko at sinuklay ang buhok niya gamit ang mga daliri ko. Sobrang lambot ng buhok niya.
Nagulat ako nung ihiga niya ko at yakapin. Nakatalikod ako sa kaniya ngayon.
"Stephen.." bigla akong kinabahan.
"You need some rest too." mahina nyang sabi.
Hindi na ko gumalaw pa dahil alam kong inaantok pa sya at kapag nagmatigas pa ko ay hindi yan matatahimik at baka magising pa ang diwa niya.
Ilang minuto lang ay mukhang malalim na ang tulog niya kaya dahan-dahan kong inalis ang braso niya sa bewang ko at umalis sa kama para ipagpatuloy ang gagawin ko.
Tinignan ko siya. Napaka-gwapo talaga niya. Sobrang swerte ko dahil hanggang ngayon, pareho pa rin pala kami ng nararamdaman sa isa't-isa.
Jusko, para pa rin siyang bata parang noon lang. Naaalala ko pa kung paano niya ko nagagawang pakiligin kahit sa mga simpleng salita lang niya.
Flashback...
Hindi na ko nagtataka na matataas ang scores ni Steven sa lahat ng exams namin ngayong grading. Sa totoo lang, matalino siya. Sa isang buwan na tutok kong pagtuturo sa kaniya, napakita niya na marunong talaga sya. Infairness, ang galing nya magmemorize. Wala lang talaga syang interes sa pag-aaral noon kaya siguro hindi siya natututo.
"Makukuha ko na ang laptop ko." pagmamalaki niyang sabi sakin habang tinitignan ko lahat ng scores nya.
Natawa naman ako sa pagkakabanggit niyang yun. Ngayon, lahat na ng gadgets niya na pinakuha ko noon ay mababalik na sa kaniya.
"Good job." aniko at tinaas ang kamay ko para makipag-apir sa kaniya.
Nakipag-apir naman siya sakin.
"Salamat sa magaling kong tutor." aniya at inakbayan ako. "Malaki ang utang na loob ko sayo. Kung wala ka, hindi ko magagawa yun." nakangiti niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Way Back into Love
RomanceThis is a story of Love and Sacrifices. Shiela Marie Bergado is a consistent top student na nagkaroon ng problema financially nung magkasakit ang daddy nya dahil sa stroke. Isang trabaho ang in-offer sa kanya ng kanilang principal... yun ay ang magi...