Pinatawag ako ng Head ng Office of Student Affairs pagpasok ko kinabukasan.
"Kamusta na daw si Stephen? Buti wala tayong inimbitahang media kundi lagot tayo. Big stars yung mga yun eh,"
"Oo nga po sir eh. Okay na naman daw po si Stephen, over fatigue lang daw po. Kailangan lang po nyang magpahinga,"
"Haaaaay, kelan kaya sila pwede uli?"
Nagulat ako sa sinabi nya. "Po?"
"Shiela, malaki ang naging bayad ng mga estudyante para sa ticket kagabi dahil sa Black Po-faced. E pati nga tiga ibang school inabangan sila kagabi eh kaya nung nahimatay si Stephen, ako na ang nagpaliwanag ng nangyari, pero hindi ko naman sinabing nahimatay sya. Nangako akong matutuloy ang pagtatanghal ng banda nila sa ibang araw kaya kailangan uli natin silang kumbinsihin."
"Pero sir,"
"This time, ikaw na mismo ang kakausap sa kanila. I've heard na naging kaibigan mo daw sila noon?"
"Kaso sir kasi.."
"Shiela please. It's part of your responsibility as the Student Council President, kailangan natin sila."
"Okay sir, I'll try my best."
"It's good to hear that Shiela,"
Napabuntong hininga ko ng makaupo sa tambayan ko. Ako talaga ang kakausap sa kanila? Huhuhuhu.
"Uy girl, anong problema? Agang-aga kung makahinga ka para kang naghuhukay ng libingan eh, hahaha." sambit ni Ashley, bestfriend ko mula 1st year college. Pareho kaming Accountancy ang kinukuha.
"Gusto ni sir Leo na kausapin ko ang Black Po-faced para ituloy yung naudlot nilang number kagabi." problemado kong sabi.
"OMG! Really?! KYAAAAH! Maganda yan! Gusto ko uli sila makita sa malapitan! Ang gu-gwapo pala talaga nila noh? Lalo na si papa Stephen mo. Ayyyiiiieeeehhhh," tukso nya.
"Ashley,"
"Ayy oo nga pala. Ayaw mo na nga palang pag-usapan yung nakaraan nyo. E teka, paano yon kung ikaw ang pinakakausap sa kanila eh."
"Ewan ko nga din eh. Argh! Bakit pa kasi sila yung nirequest ng mga tao dito eh!" inis kong sabi.
"E girl kasi magagaling naman talaga sila saka sikat na sikat sila." paliwanag nya.
"Bakit ngayon pa?! Pwede namang next year na eh pagka-graduate natin! Kainis!"
"Girl, baka tadhana na uli ang naglalapit sa inyo,"
"Tigilan mo nga ako sa tadhanang yan," pagsusungit ko.
"Pero malay mo rin di ba girl. Malay mo magka-second chance kayo,"
BINABASA MO ANG
Way Back into Love
RomanceThis is a story of Love and Sacrifices. Shiela Marie Bergado is a consistent top student na nagkaroon ng problema financially nung magkasakit ang daddy nya dahil sa stroke. Isang trabaho ang in-offer sa kanya ng kanilang principal... yun ay ang magi...