Chapter 6: He sings well

67 6 0
                                    

Nagising ako nang biglang tumunog ang cellphone ko.




"Hello?" inaantok ko pang sagot sa tumawag.



"So, mas gwapo pala ko kapag nakangiti huh?"



Agad akong napabangon nang marinig ko yon.



"Ha?" maang-maangan kong tanong.



"Hahaha. Narinig ko yung sinabi mo kanina."



Argh! Nakakahiya!



"Ahh.. baka nagkamali ka lang ng dinig. Saka, kanino mo nakuha ang number ko?"



"Secret, haha. Punta ka dito bukas, nakalimutan mo yung mga damit mo,"



"Ay oo nga pala! Okay sige pupunta ko,"



"Anong favorite song mo? Marunong ka bang kumanta?"



"Hindi eh. Wala akong favorite song," aniko.



"Weh? Di nga?"




"Oo nga. O sige, bukas na lang. Tulog na ko, ginising lang ako ng tawag mo eh. Good night," paalam ko at pinatay na yung call bago sinet sa silent mode ang cp ko para di ako nagagambala sa pagtulog.

--------------------------------------

Hawak nya ang gitara nya nung makita ko syang nakaupo sa malambot na sofa nila sa sala.



"Lakas maka-banda ng gitara mo ah, marunong ka ba nyan?" tukso ko at umupo sa upuan.



"Naman! Magrequest ka pa ng kanta eh,"



Bigla kong narinig ang intro ng 'It Might Be You?'



"Yon, kaya mo?" tanong ko habang nakikinig.



Pinakinggan nya saglit at ngumiti. "Oo naman," aniya at nag-strum.


~ Time I've been passing time,

watching trains go by, ~



Shaks! Ang ganda ng boses nya, at ang galing maggitara. Talented pala tong taong to.


~ All of my life.

Wonderin' how they've met

and what makes it last,

If I found a place,

would I recognize the face? ~


Shete! Ang gwapo ng boses nya! Magaling pala syang kumanta! Nagulat ako nung bigla nya kong tignan habang kinakanta ang mga kasunod na lines.


~ Something's telling me,
It might be you.
All of my life ~


"Ang galing ah." aniko. "Sige, iinom lang ako," palusot ko at pumunta na ng kusina. Doon lang ako tila nakahinga. Jusko! Nakakakilig ang boses nya! Kainis!



Uminom na rin muna ako bago bumalik sa sala nila, pero napaatras ng konti nang makitang pinapagalitan si Stephen ng daddy nya.




"E ano bang masama kung tumutugtog ako?"




"Dahil dyan kaya napapabayaan mo ang pag-aaral mo! Di ba sabi ko naman sayo walang mararating yang pagtugtog mo!"



"Wag mo na nga akong pakialaman dad!"



"Hindi ko hahayaang sirain mo ang buhay mo dyan sa pagtugtog mo! Akin na ang gitara mo!"

Way Back into LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon