5 years ago...
"Shiela, pinapatawag ka daw ni Mrs. Eugenio sa guidance office."sabi ni Anne at pumasok na sa classroom.
Agad na akong tumayo at tinungo ang guidance office.
"Ma'am, pinatawag nyo daw po ako?"magalang kong pukaw sa atensyon ni Mrs. Eugenio.
"Oh yes Shiela, pinapatawag ka kasi ng Principal. Halika,"sabi nya at tumayo na. Sinundan ko sya nung pumunta sya sa Principal's Office.
"Dr. Alviar, narito na po si Shiela."pukaw ni Mrs. Eugenio pagkatapos nyang kumatok sa pinto ng Principal's Office.
"Come in,"banggit ng Principal bago kami pumasok sa loob.
"Good morning po,"magalang kong bati sa Principal namin. Ang makita sya ang mas lalong nagpapa-kaba sakin. Bakit kaya ako pinatawag?
"Come here iha, have a sit. Thank you Vangie, ako ng bahala sa kanya,"
"Sige po,"magalang na banggit ni Mrs. Eugenio at umalis na doon.
"Iha, I've heard about what happened to your father, kamusta na sya?"
Nang marinig ko yon ay naalala ko bigla ang kalagayan ni daddy.
"Hindi pa rin po sya okay. Paralyzed na po ang half body nya."naiiyak na ko pero pinigilan ko iyon. Kailangan kong magpakatatag.
"Iha, alam kong kailangan nyo ng tulong ngayon, may ire-refer sana akong trabaho sayo. I mean, trabaho na alam kong kaya mo namang gawin."
Para naman akong nabuhayan sa sinabi ni Dr. Alviar. Ngayon ko kailangan ng pagkakakitaan para matulungan ko si daddy.
"Sige po ma'am kahit ano pong trabaho, okay lang po sakin. Kailangang-kailangan po namin ng pera ngayon para sa gamutang gagawin kay daddy."
Ngumiti sya. "Matalino ka. Consistent top 1 mula nung pumasok ka dito. Kaya alam kong matutulungan mo ang anak ng kaibigan ko. Matutulungan mo kaming maiayos ang academic standing ni Stephen... Stephen James Murillo."
WHAT?? Ang basagulerong lalaking yon? Haaay.. E mukhang hindi na yun magbabago eh. Laging laman ng guidance office dahil sa paglabag nya sa mga rules ng Academy.
"Do you know him?" tanong nya.
"Y-yes ma'am,"sagot ko.Haist. I have no choice. Kailangan ko ng trabaho para gumaling si daddy.
"Okay lang ba sayo iha?"
"Okay lang po, pero... Bakit hindi na lang po teacher ang i-hire nyo? Di ba po mas okay kung teacher mismo ang tutor nya? Tanong ko lang po,"magalang kong sabi.
"Gusto kasi ng daddy nya na estudyante din ang magturo kay Stephen. Hindi kasi sya nagtitiwala sa matatanda. Saka makakapag-review ka din kapag tinuruan mo sya,"
Sabagay, may point don si ma'am.
"So what do you think huh?"
"Sige po, salamat po dito ma'am,"
"You're welcome. Tatawagan ko na ang daddy nya. Dadaan sya dito mamaya para makausap mo. Sige na, pwede ka ng bumalik sa klase,"nakangiti nyang sabi.
"Thank you po talaga ma'am,"banggit ko bago tumayo at lumabas na.
Napaisip ako nung naglalakad na ko pabalik sa classroom namin. Kaya ko nga bang maging tutor nung pasaway na taong yun? Magagawa ko nga ba talagang mapataas ang grades nya? Sabagay, katatapos pa lang ng naman ng 1st grading, ibig sabihin, may ilang buwan pa ko para maiayos ang academic standing nya. Haist, kaso sa tigas ng ulo non, malamang na hindi naman makinig sakin yun eh. Kung sa teacher nga di nakikinig, sakin pa kaya?
BINABASA MO ANG
Way Back into Love
Любовные романыThis is a story of Love and Sacrifices. Shiela Marie Bergado is a consistent top student na nagkaroon ng problema financially nung magkasakit ang daddy nya dahil sa stroke. Isang trabaho ang in-offer sa kanya ng kanilang principal... yun ay ang magi...