Isang linggo na kong tutor ni Stephen and so far, kahit papano ay okay naman ang tutorial namin. Nakukuha naman nya yung mga itinuturo ko. Nagkakaroon lang talaga kami ng problema kapag inatake na sya ng katamaran, kasi hihiga na lang sya basta, at ilang minuto pa bago sya umupo uli.
Pabalik na ko sa room mula sa canteen nang maabutan kong sobrang daming tao malapit sa room namin.
"Excuse me.. Excuse me," singit ko sa mga estudyante.
"What are you doing here huh? This is not a place for an idiot and war freak man like you," mayabang na banggit ni Miko kay.... Stephen na prenteng-prente sa pagkaka-upo sa upuan ko. "Ang lakas din naman ng loob mong pumasok sa loob ng classroom ng Pilot section, gayong kabil-"
"Stop that Miko," saway ko sa kanya at pumasok na sa loob. "You don't have the right to say that to him."
"Hey, I'm just stating a fact here. Makapal kasi ang mukha nyang pumasok sa loob-"
Nagulat ako nung kwelyuhan sya ni Stephen.
"Anong sabi mo? Makapal ang mukha ko?!"
"Stephen.. Stephen, teka lang.. Bitawan mo sya." pigil ko sa kanya at tinanggal ang pagkakahawak nya sa kwelyo ni Miko.
"Oy g*go! Umayos ka huh, humanap ka ng kakaharapin mo, baka paduguin ko yang nguso mo," inis nyang sabi.
"Yabang," bulong ni Miko.
"Ano?! Anong sabi mo?!" susugurin sana ni Stephen si Miko buti at napigilan ko sya.
"Stephen, baka ma-guidance ka kapag sinugod mo pa sya." awat ko.
"Ang yabang kasi nung g*gong yan eh!" aniya at susugurin sana uli si Miko kaya hinigit ko na sya palabas.
Dinala ko sya sa science garden.
"Napakayabang ng g*gong yon. Porke nasa pilot section akala mo kung sino na sya." inis nyang sabi.
"Hayaan mo na, hindi mo na dapat pinapatulan yung ganong tao."
"Ang yabang eh. Sabihin mo nga, masama yung sinabi nya sakin nung nag-eenglish sya noh? Sabihin mo ang totoo."
Tumango ako.
"Lagot sakin yung g*gong yon."
"Stephen, kapag ginalaw mo sya mapupunta ka na naman sa guidance office. Sa dami na ng kaso mo baka ma-suspend ka na,"
"Wala akong pakialam, dudurugin ko ang mukha nung taong yon mamaya," inis na inis nyang sabi.
"Tumigil ka nga Stephen. Kapag pinatulan mo yung sinabi nya kanina, ikaw din ang talo. Hindi ka dapat nagpapaapekto sa sinabi nya. Lalo mo lang pinapatunayang mahilig ka sa gulo."
"E anong gusto mong gawin ko? Tanggapin ang mga sinabi nya? Narinig mo naman yung sinabi nya di ba?"
"Alam ko masyadong masama yung sinabi nya sayo pero hindi na dapat pinapatulan pa yung ganon. Once na magalit ka sa sinabi ng isang tao sayo, ikaw ang talo dahil kapag pinatulan mo sya kayang-kaya nyang baligtarin ang istorya. Mapapahamak ka lang," seryoso kong sabi.
"Gusto mong balewalain ko lang ang panlalait ng iba sakin?"
"Hindi... pero patunayan mong hindi sya karapat-dapat pag-aksayahan ng oras mo,"
"Tsss.. Oo na, sige na.. tama ka naman palagi," aniya.
"Stephen naman.. ikaw na nga lang ang inaalala dyan ihh."
BINABASA MO ANG
Way Back into Love
RomanceThis is a story of Love and Sacrifices. Shiela Marie Bergado is a consistent top student na nagkaroon ng problema financially nung magkasakit ang daddy nya dahil sa stroke. Isang trabaho ang in-offer sa kanya ng kanilang principal... yun ay ang magi...
