Chapter 16

6.7K 145 0
                                    

Gabby's

Natapos na ang klase ko. Excited na ko dahil maglulunch na kami ni Alexis! Nagmamadali akong lumabas ng room at may tumawag sakin.

"Hoy Gabs! Wait lang!" Hinabol ako ni Telle. Lalo ko naman binilisan ang lakad ko. Sarap pagtripan neto eh.

"Ano ba Gabby teka lang kasi!"

Lumingon ako at nakita kong ang lapit na niya sakin. Bigla ako nakaramdaman ng malakas na batok. Hay. Naabutan ako.

"Aray naman! Nakaka-ilan ka na ha!"

"Eh kasi naman ayaw mo kong hintayin eh! Nakakainis ka!" Aba nagtampo pa. Nilapitan ko siya at inangat ang nakayuko niyang mukha.

"Binibiro lang naman kita eh. Sorry na Telle." Yun na ata ang pinaka-malambing kong boses. Tumingin lang sakin siya ng masama. Maya maya ay niyakap niya ko. Walang malisya to! Bestfriend ko to!

Naramdaman ko na lang na may kinuha siya sa bulsa ko. Shit. Yung phone ko! Bigla siyang tumakbo at agad kong hinabol. Para kaming mga bata.

"Kristelleeee!!!!!!!!"

Bigla siyang nawala. Nako baka nagbasa yun ng mga messages. Hays. Hindi ko pa kasi nakwento sa kanya ang tungkol samin ni Alexis. Nako lagot na talaga. Saan kaya yun nagpunta. Andito na ko ngayon sa may carpark ng school.

"Telle asan ka ba?" Bulong ko sa sarili ko habang hinahanap siya.

Maya maya ay may bumatok nanaman sakin. Yung mukha ko ganito na :
-____-

"Kaya ka pla nags-smile ka mag isa! Inlove ka! Aba naka-move on ka na pla." Pang aasar niya sa akin.

"Akin na nga yan!"

"Halika nga dito! Let's talk!"

At ayun nga na-ikwento ko na lahat lahat ng nangyari sa amin kay telle. Simula nung gabi na una kaming nagkita hanggang sa moment namin. Sabi ni telle sakin na masaya siya para sa akin dahil daw nakamove on na ako at nakikita niya yung ngiti ko dati.

"Gusto ko siya makita Gabs! Can i go? Pleaseeeee!" Ano ba yan iistorbo pa sa oras namin.

"Next time na lang pwede? Moment namin to! Hahaha!"

"Ang daya mo naman! Gusto ko lang naman makilala yung nagpapasaya sa bestfriend ko bukod sa akin." Nagtampo nanaman siya. Nakilala na naman ni Alexis family ko so sige na nga.

"Sige na nga! Hindi kita matiis eh!" Hindi talaga ako makahindi sa kanya. Hay nako Telle.

"Yaaay! Thank you Gabs!" Sabay yakap niya naman sakin. Pagtapos niya kong batukan, yayakapin niya ko. This girl is crazy. And I love her for that. :)

"Susunduin ko pa siya Telle. Kita na lang tayo sa restaurant. Bye bye!"

"Alright Gabs!"

Nagpaalam na ako kay Telle. May kotse naman siya kaya magkita na lang kami. Papunta na ko ngayon sa office ni Alexis para sunduin siya. Kinakabahan ako na naeexcite. Hindi ko first time pero bakit ganito? Date lang to Gabby. Pero iba kasi si Alexis talaga.

"Ano ba naman to traffic!" Nakakainis naman! Sayang ang oras. Oo nga pla, kailangan ko ba magdala ng flowers or something? Tingin niyo? Hahah shit talaga parang nawala na sa sistema ko ang pakikipag date. Dumaan muna ako sa flower shop para bumili ng isang long stem na rose. Sana magustuhan niya. Maya maya ay nakarating na ko sa office niya.

"Woah. Ang taas naman ng building nila" pumasok ako sa loob para sunduin siya. Syempre nagtanong tanong pa ako. Hehe. At ayun nasa 25th floor daw ang office niya. Sumakay na ako ng elevator. Nakakahilo to shit. Hindi ko pa pla siya natawagan na nandito na ako. Maya maya ay bumukas na ang pinto. Ang ganda ng office niya. Malinis, maaliwalas at ang ganda ng view. Nilapitan ko ang babae na secretary niya siguro.

"Excuse me, is Ms. Alexis' there?"

"Yes. Ma'am. Do you have any appointments with her or a meeting?"

"Not exactly. But can you tell her that I'm here."

"May I know your name Ms.?"

"Gabby :)"

"Okay Ms. Gabby for a while"

Ayun at kinuha niya yung phone at tumawag kay Alexis. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na pagmasdan ang buong lugar. Napaka peaceful. At kung titignan ang mga nagttrabaho ay lahat sila ay masaya at napaka approachable pa.

"Miss Gabby, You can go."

"Thank you :)"

Inhale..
Exhale.

Pagpasok ko ay nakita ko si Alexis. Agad naman tumigil ang oras. Slow motion ang peg. Ang ganda niya talaga. Parang nahihirapan siya magtrabaho dahil sa pilay niya. Kasalanan ko talaga.

"Ehem" kunwaring ubo ko.

"Gabby :)" ayun nakita ko din ang ngiti niyang pamatay. Nakakatunaw naman yun! Agad siyang lumapit sakin at...

Niyakap niya ako. Eto nanaman yung puso ko. Ang likot likot. Sana ganito na lang lagi.

"Namiss kita boss :)" agad kong sabi sa kanya.

"Shut up! Let's go?" Ayun namula siya. Ang cute cute niya.

"Tara na po" at lumabas na kami sa office niya. Dumiretso na kami sa parking lot at agad na pumunta sa restaurant. Habang nasa biyahe ay hindi ko mapigilan ang titigan siya at ngumiti.

"Why are you staring at me? Mag focus ka nga sa pag drive!" Sabay palo sa balikat ko.

"Sorry na. I can't help it. Ikaw kasi eh!"

"Hmp ewan ko sayo!" Ayan nanaman siya namumula.

"Boss kamusta pala yung kamay mo?Masakit ba?" Tanong ko sa kanya. Ilang weeks na rin pla yun.

"Not really. Last check up ko na sa saturday so tatanggalin na siya. Yay!"

"Good for you! Finally!" Bati ko sa kanya.

"Hmm Alexis,"

"Ano yun?" Hindi ko pa nasabi na papakilala ko siya kay telle.

"Ano kasi.. Uhm. Yung best friend ko kasi gusto ka makilala kaya pumayag ako na sumama siya sa lunch natin. Okay lang ba?"

"Okay lang Gabby! :)" ayun nakangiti nanaman siya.

"What?" Tanong niya sakin.

"Nothing!" At agad akong nagfocus sa pag drive.

Maya maya ay dumating na kami sa restaurant at may lumapit na waiter para i-guide kami sa table. Asan na kaya yun si Telle? Biglang nag ring yung phone ko at si telle tumatawag.

"Hey asan ka na?" Tanong sa kailang linya.

"Nagpapark na ko Gabs wait lang wag ka muna oorder!"

"Okay. Hurry up. Bye."

After 5 minutes ay nakita ko si Telle na pumasok sa pinto.

"Gabs!" Sabay yakap niya sakin. Kakakita lang namin kanina ah.

At nung nagkita sila ni Alexis ay nagulat ako ng biglang..

"Kristelle?"

"Ate Alexis!!" Sabay silang nagsalita.

What the heck? Magkakilala sila? At nagyakap pa na parang ngayon lang sila nagkita.

"Wait you know each other?" Naguguluhan ako.

------------------------------------------///

You and Me? Seryoso?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon