Chapter 35

4.2K 99 4
                                    

Gabby

"Alexis."

"Gabby."

Wow. Ibang Alexis ang nasa harapan ko ngayon. Gumanda siya lalo at mas humaba ang buhok niya. Biglang lumikot ang puso ko parang gustong kumawala. Nagslow mo yung paligid at siya lang yung nakikita ko. Nagkatitigan lang kaming dalawa at walang sino man samin ang gustong pumikit.

"Why do you know each other?" bigla lang ako bumalik sa realidad ng marinig kong may nagsalita. "Mommy?"

"She's mommy's.. Old friend honey." nagdalawang isip siya kung ano ang isasagot niya sa anak niya. Ouch. Friend?

"Really mom?" nakatingin lang ako sakanilang dalawa. Parang maliit na Alexis si Eunice. Sobrang magkamukha silang dalawa. Kaya pla nung nakita ko siya ay parang may kamukha siya.

Gusto ko ng umalis. Pero hindi ako hinahayaan ng mga paa ko. Parang nakamagnet ako bigla sa floor na tila ay ayaw akong paalisin.

"Wow. This is great! Can you teach me now?" Nakatingin siya sakin at ang laki laki ng ngiti niya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Nakapag promise ako sa bata. At hindi nila yun makakalimutan.

Nakita kong humarap si Alexis kay Eunice at kinausap niya ito.

"Honey look, she might be busy." nakita ko naman na lumungkot agad yung mukha ni Eunice. Awwww. "Cheer up baby." parang natigilan si Alexis at napaisip."Mommy can teach you." nagtataka naman yung itsura ni Eunice ngayon.

"You know how to solve this cube?"

Biglang bumalik sa isip ko yung unang new year namin. Yung nag rubik's cube siya na ang tagal tagal at di niya pa rin nabuo. Natawa na lang ako bigla.

Umupo na rin ako at humarap kay Eunice. Hindi ko siya matiis na malungkot. Pati ba naman anak niya may ganitong epekto rin sakin. Whyyyyyy.

"Look little girl, I will teach you okay?" tumingin ako kay Alexis ng umiiling at nagsmirk na nang aasar. Alam kong alam niya yung ibig kong sabihin dahil kumunot ang noo niya.

"Yayyyyy! Really?" nabalot na ng excitement yung mukha niya.

"Of course! We pinky promised." tumingin ako ulit kay Alexis. "I don't break promises."

Awkward.

"Yayyyy! Thank you...." tumingin siya kay Alexis at nagtatanong kung ano ang itatawag niya sakin.

"Call me Tita Gabby." Sabi ko sakanya at bigla niya kong niyakap at nagpasalamat ulit siya.

Tanghali pa lang naman kaya pumayag na ko. Binilhan ko si Andrea ng cube at iba pang laruan. Gusto ko ispoiled ang mga pamangkin ko.

"Gabby." nagulat ako at napatigil maglakad. Oo nga pla kasama ko si Alexis. Tumingin lang ako sakanya. Ang ganda niya talaga. "Kain muna tayo?"

"Tara. San niyo gusto?" tumingin ako kay Eunice. "Where do you want to eat little girl?"

"Jollibeeeeee!"

"You're just like your mom." I patted her head. Napatingin ako kay Alexis at nagka ngitian kami.

Yung position namin habang naglalakad ay sa gitna si Eunice. Ako sa left at si Alexis sa right.

Habang kumakain ay paunti unti kong tinuturuan so Eunice. Syempre yung basic lang. Ang nakakagulat ay nakukuha niya ito agad. Matalinong bata to paglaki. Natapos kumain si Eunice at nagpaalam na maglalaro siya sa playground. Parang etong jollibee na lang yung may palaruan na ganto. Buti naman ay naisipan nila na maglagay para sa mga bata. Naiwan kami ni Alexis. Ang tahimik at walang gustong magsalita.

You and Me? Seryoso?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon