Gabby
Umaga na pala. Hindi ko namalayan yung oras sa pag-finalize ng thesis. Konting tiis na lang. Matatapos na to! Kaya ko to! Sunday na. Finally rest day! At big day tomorrow dahil defense na namin. Chineck ko yung phone ko kasi kagabi pa hindi nagtetext or natawag si Lovelove. Nag aalala na ko. Kagabi pa yung dinner nila dun sa business partner ng company nila pero hindi pa rin siya sumasagot sa akin. Siguro napagod yun at napasarap nanaman yung tulog. 6:24am na, ngayon lang ako natapos. Matutulog muna ako.
******
*Riiiiiing!
Ano ba yan! Istorbo naman sa tulog sino kaya to.
"What?" Sagot ko nang hindi inantay ang hello niya.
"GABS! NANONOOD KA BA NG TV NGAYON?!"
"Telle ang aga aga nakasigaw ka nanaman! Bakit ba?"
"Anong ang aga aga ka dyan! Alas tres na ng hapon!" Huh? Hala oo nga! Grabe pla ung tulog ko!
"Oo nga no. Kasi puyat ako eh. Teka bakit ba?"
"Manood ka ng tv! Channel 27! Bilis!" Agad kong binuksan ang tv at inilipat sa channel 27.
"Ano bang mer-" napatigil ako sa pagsasalita ng marinig ang balita.
"The family of the two powerful businessmen today were spotted last night having dinner together with their heirs, Alexis Villanueva and Philip Ramirez. According to an interview with Mr. Villanueva, the two started dating and maybe in a year or two they will be married. Pictures were scattered in social media! Many people say that they are perfect for each other. Hmm. Oh is this an arrangement or nah? Tune in for news in the business. I'm Jimmy Howard of The Business World! See you tomorrow!"
"Gabs" nagising ako sa katotohanan ng biglang nagsalita si Telle. "I'm on my way." At binaba na niya agad.
Totoo ba yun? Totoo kaya lahat ng yun? Hindi ko namalayan na umiiyak na ko. Fuck! Ang sakit naman! They even showed pictures of them. Ang saya pa nilang dalawa! Nasasaktan ako sobra. Dapat nagtitiwala ako kay Alexis di ba? Pero bakit ako nagagalit? I felt betrayed. Sabi niya sakin dinner lang. Nagd-date na pla sila. Tapos hindi pa rin tumatawag o magtxt man lang si Alexis. Ano ba to? Akala ko ba mahal niya ko.
"AAAAARGH!"
*Baaaaaaaaaaag!
Sinuntok ko yung pader. Sa sobrang galit, inis, lungkot, at kung ano pa tong nararamdaman ko. Kailangan ko lang ilabas. Telle asan ka na ba? Nakaupo lang ako sa baba ng kama ko sa gilid. Umiiyak. Mag isa.
"Alexis bakit ka ganyan?" Patuloy pa rin ang pagdaloy ng luha ko.
"GABS!" Finally! Someone! "Ano ba yang ginagawa mo sa sarili mo?!" Nakita niya na nagdudugo yung kamay ko. "Hindi naman natin alam kung totoo yun or hindi!" Sabi niya habang kinukuha yung med kit.
"P*****INA!"Angal ko kasi ang hapdi ng sugat ko. Nilagyan ba naman ng alcohol! "BAKIT MO NAMAN BINUHUSAN NG ALCOHOL?!!!" Bigla naman niya kong tinawanan!
"Hahaha kasi naman eh, ang drama drama mo diyan! Hindi mo naman sigurado yung balita na yun eh!" Ako na nga yung may problema, ako pa yung tinatawanan.
BINABASA MO ANG
You and Me? Seryoso?
RomanceHighest Rank: #4 - #LGBT #2 - #gxg #206- #Humor Nang dahil sa nasukahan ni Alexis si Gabby ay magbabago ang kanilang buhay. Handa kaya silang dalawa sa laro ng tadhana? Kung gaano kabilis sila nagkagusto sa isa't isa, ganun din kaya kabilis sila mag...