Chapter 41

3.8K 79 0
                                    

Gabby

Ayoko naman maging rude sakanya kaya niyaya ko siyang maupo muna.

"What can I do for you Mr. Villanueva?" yung kaba ko ngayon shit. Nakatingin lang siya sakin poker face. Baka mamaya hadlangan nanaman niya kami ni Alexis. Ipaglalaban ko siya kahit anong mangyari. 

"It's about Alexis." Sabi ko na eh. Nakatingin lang ako sakanya dahil hindi ko rin alam kung anong dapat kong sabihin. Walang salita ang gusto kumawala sa bibig ko. Hindi ko na hahayaan mawala sakin ang pamilya ko.

"What about her po?" may respeto pa rin naman ako sa mas matanda sakin.

"I want to be a part of her life again. I want to be part of my grand daughter's life. I know na nagkamali ako noon and I want to fix it." He sighs.

"Gusto ko humingi ng tawad sayo Gabby. Sa pag hadlang ko sainyo ni Alexis noon. Simula ng umalis siya, hindi ko na ulit siya nakausap at nakita. I tried reaching out for her, pero kahit ang kuya niya hindi binigay sakin yung address or phone number niya. Sasabihin lang niya sakin na okay si Alexis at wag na ko mangamba." dagdag niya pa.

"Masakit po para samin yung nangyari dati. I was destroyed when she left me. But now, we're okay. Masaya kami ngayon. I can see in her eyes na may lungkot pa rin. I didn't bother asking her what's wrong, inaantay ko lang na maging ready siya sabihin yun. I know it has something to do with you." tumingin lang ako sakanya. Nawala na yung ma authoridad niyang aura. Ramdam ko na gusto niya na magkaayos na sila.

"I want to fix our relationship. Gusto kong bumawi sakanya at sa apo ko. Can you help me?" gusto ko mabuo ang family ni Alexis. Isa na lang ang magulang niya kaya gagawin ko ang lahat para mabuo ulit siya, at sila.

"All I want is for Alexis to be happy again." I smiled at him. "I forgive you Sir. Susubukan ko po na kausapin muna siya." pagtingin ko sakanya ay parang may namumuong luha sa mga mata niya.

"Thank you Gabby. Thank you."

*****

Hindi ko alam kung paano sasabihin kay Alexis yung nangyari kanina sa office, kung paano ioopen up yung about dun. Simula kasi nung nagkaayos kami ay hindi pa namin ito napag usapan at hindi ko siya natatanong about dito. Pauwi na ko galing office. Traffic kaya nakakapag muni muni ako. Hindi ko kayang hindi sabihin sakanya. Kasi ayokong may tinatago sa mahal ko. Kaso paano ko sisimulan? Hindi ko alam kung sensitive topic ba ito or what. What to do? Nakarating na ko ng condo at yun pa rin ang iniisip ko. 

*Lovelove Calling...

"Heyyy."

"Love!!" sabi naman sa kabilang linya.

"Kakarating ko lang ng condo. Kamusta? Kumain na ba kayo ni Eunice?"

"Yes love we did. Kanina ka pa nga niya hinihintay ayun nakatulog na."

"Sorry lovelove. Tumagal kasi yung meeting kanina." Hayy. Hindi ko masabi na nagkausap kami ng Daddy niya.

"Kumain ka na ba Gabby?" shit. Nakalimutan ko pla mag take-out.

"Naghahanap pa lang ng maluluto" Hinahalungkat ko yung ref. Walang kalaman laman. Nakalimutan ko mag grocery.

"Soon my love, pagkauwi mo may pagkain ng nakahanda sayo at sabay tayong kakain." awww. Ang sweet ng girlfriend ko no?

"I love you, Alexis."

"I love you too, Gabby."

*****

Papunta na ko sa condo nila Alexis para sunduin sila. Hindi na ko makapag antay eh, gusto ko na sila makasama. Pinalinis ko na rin ung unit ko para pagdating nila ay maayos ito. Nilagyan ko rin ng mga foam yung mga edges ng mga gamit dahil baka mauntog si Eunice. Ayokong masaktan yun. Kausap ko naman si tatay kanina at pupunta daw sila para magluto ng pagkain para samin pagdating. Inimbita ko rin sila Telle at Sasha pero hindi ko alam kung pupunta sila. Gusto ko lang iwelcome sila Alexis sa bago nilang pag sstayan.

You and Me? Seryoso?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon