Chapter 30

5.8K 109 10
                                    

Gabby

Miss na miss ko na siya. Ilang araw na kami hindi nagkikita at nagkakausap. Friday na at bukas na ang 1st month anniversary namin. Sabihin niyo ng corny ako pero gusto ko i-celebrate yun. 1st month of being together-ish. Kahit na madalang lang kami magkita ay araw araw pa ring lumalalim ang nararamdaman ko kay Alexis. Skype, viber, text. Yan lang ang communication namin. Pumayag siya na magkita kami bukas, hindi ko alam kung paano siya makakatakas sa Dad niya. Pero sana matuloy. Kasi pinaghandaan ko yung  bukas.

Papunta akong school ngayon. Mag aayos lang ng mga requirements na naiwan. One week to go. Matatanggap ko na ang diploma ko. Ang saya lang! After ilang years na pag aaral ay nakatapos din ako!

Bzzt**
Biglang tumunog ang phone ko. Si Telle nagtext.

From: Bes
Gabs! Where na you? Bilisan mo para matapos na to!

To: Bes
Nagpapark na chill ka lang diyan! Mwa

Papunta na ko sa department namin para ayusin ang naiwan ko. Gutom na ko. Mag tatanghalian na pla. Asan na kaya si Telle.

"Gabs!" Tawag mula sa likod ko. Sa wakas si Telle.

"Tara na tapusin na natin to gutom na ko!" At binitbit ko na siya. Hehe.

Matapos kong maayos lahat ay Grad Pic na. This is it na talaga! Masusuot ko na yung toga at malapit ko na mahawakan ang diploma ko.

"1..2..3.. Smile"

**click

"Bes ang chaps mo diyan!" Wow ako pa talaga yung panget ah. Etong babaeng to kahit kelan talaga pang asar.

"Wow hiya naman ako sayo. Ganda mo eh no?! Tara na nga baka hindi pa kita matancha diyan."

Pagtapos namin maglunch ay dumiretso na kami ni Telle sa bahay namin para kunin yung mga gamit at pagtapos ay diretso naman sa rest house namin sa Batangas. Dun ko kasi balak isurprise si Alexis eh. Papunta kami don para mag ayos siyempre at para makapag relax din after all this school shit. Isa isa kong chineck kung kumpleto na yung mga kailangan namin at isa isa na itong  nilagay sa kotse ko.

"Gabs iba ka na ngayon ah. May paganto ganto ka pa. Walang forever uy!" Binato ko nga siya ng fries sa mukha. Istorbo sa pagddrive.

"Ano naman?! Wag mo nga kong idamay sa kabitteran mo. Please." At inirapan ko siya. "Tulungan mo na lang ako okay ng matuwa naman ako sayo." Sabay ngiti sa kanya.

"Whatever!"

Dumating kami sa rest house namin ng 5pm. Iba sa feeling pag andito ako. Naaalala ko yung bata pa ko, madalas kami dito ng pamilya ko kasama sila lolo at lola. Masaya kaming naglalaro ng mga pinsan ko at kapatid ko sa buhangin dun sa may beach. Naalala ko pa nung nagmagaling akong lumangoy. Muntik na kong malunod nun buti na lang nahawakan ako agad ni Tatay. Simula nung nawala si lolo at lola ay hindi na kami nakabalik dito ulit. Nalulungkot ako dahil super close ko silang dalawa as in.

"Nakakamiss sila Lolo at Lola." Sigh.

"Okay lang yan Gabs. Tara na mag ayos na tayo gusto ko na magswimming eh!" Pagbaba namin ng kotse ay may sumalubong samin.

"Gabby ikaw na ba yan?" Si Manang Nita.

"Manang!" At yumakap ako sa kanya ng mahigpit na mahigpit. Si Manang Nita ang caretaker namin dito sa rest house. Simula pa lang nung bata siya ay andito na siya nakatira. Kasi yung parents niya ang naging katiwala ng grandparents ko dito sa bahay nato. At naging kalaro din siya ni Tatay. At yung anak naman ni Manang ay naging kalaro ko din at actually si Kevin ang naging best friend ko nung bata pa ako. Asan na kaya yon?

You and Me? Seryoso?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon