Chapter 38

4.5K 102 23
                                    

Gabby's POV

Naging sobrang busy ako ngayong week. Hindi tuloy ako makadalaw kanila love. Bukod sa hindi matapos tapos na meeting ay medyo naging busy din ako sa pag asikaso ng birthday ni tatay dahil 60th na niya. Gusto kasi ni ate at mama na bongga ang celebration dahil minsanan na lang din kami mabuo.

Alam na rin nila na kami na nga ulit ni Alexis. Sobrang thankful ako sa family ko. Lagi sila naka supporta sakin. Napansin rin nila na parang bumalik daw yung saya ko. Yung ngiti ko. Pati sa office, yun ang napapansin sakin. Kaya mas inspired ako ngayon magtrabaho at natutuwa naman sakin si Tito Andrew. Lagi ko kinekwento si Eunice kanila tatay, excited na nga sila makasama yung bata. Parang nadagdagan daw yung apo nila. At kapag umalis naman na sila ate grace ay meron pa rin silang apo dito. Alam kong sobrang matutuwa sila kasi mabait si Eunice at matalinong bata.

Sinasabihan rin ako nila mama na alagaan ko mabuti si Eunice. Lalo na at lumaki siyang isa lang ang magulang. It's fine naman. But I want  her to have a complete family. Gusto rin maging cool grand parents sila tatay kay Eunice.

"Ate ano pa kulang?" super busy ng mga tao sa bahay. Sa garden kasi gaganapin ang birthday ni tatay. Umaga pa lang ay naghahanda na kami. Dumating na rin yung iba naming kamag anak. Yung mga pinsan ko ay inaayos na yung mga instruments, syempre hindi mawawala ang banda.

"Feeling ko kulang yung balloons Gabby." nakatungtong siya sa upuan at kinakabitan ng balloon yung pader. "What do you think?"

"Hmm. Sige ate bibili na lang ako pagkasundo ko kela Alexis. Paalis na rin ako maya maya. Anything else?"

"Tanong mo sila sa loob baka may kulang pa."

Ayun nga may konting gamit pa na kulang. Umalis na ko sa bahay at papunta na kila Alexis. Excited na ko makita sila. Grabe sobrang namiss ko sila. Tinext ko siya na papunta na ko buti naman ay tapos na sila mag ayos. Susunduin ko sila ng maaga kasi para makilala ni Eunice yung ibang bata sa bahay, para makapaglaro sila. Mamayang gabi pa naman yung party. Pagkadating ko sa unit nila ay agad akong nag doorbell. Pagkabukas ng pinto ay biglang may yumakap saking maliit na bata.

"I missed you Tita Gabby!" binuhay ko naman siya agad at kiniss.

"I missed you more little girl!" I kissed her again sa forehead niya. "Where's mommy?"

"There!" turo niya sa kwarto. Pinuntahan naman namin siya. Buhat ko pa rim si Eunice.

"Hi love!" bati ko sakanya at kiniss ko siya sa lips ng matagal. "Sobrang namiss kita." Niyakap niya naman ako agad. Pati rin si Eunice dahil karga ko siya.

"Let's go mommy!" excited naman tong batang to. Nakwento ko kasi sakanya na makikilala na niya grand parents niya.

Dumaan kaming mall para mabili yung bilin sakin at bibili rin daw ng gift si Alexis para kay tatay.

"Love you don't have to." Pigil ko sakanya. Kasi okay lang naman talaga.

"Lovelove I want to, Gusto rin siya bigyan ng gift ni Eunice." Hindi na ko sumagot pa.

"Mommy, can we buy this?" Hawak hawak niya ang isang maliit na figurine na isang lalaking nagpipiano. Andito kasi kami ngayon sa isang Music store dahil kilala naman ni Alexis si Tatay bilang isang musician. At habang nasa biyahe kami kanina ay kinekwentuhan ko si Eunice ng about sa music at kay tatay.

"I think tita Gabby's dad will like this mommy."

"Baby you can call her Lolo. She's your grandfather now." binuhat ko siya at kiniss sa forehead. Sinuklian niya ko ng kanyang matamis na ngiti. Nakita naman kami ni Alexis at ngumiti din siya sakin.

You and Me? Seryoso?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon