Gabby's POV
"Tigilan na natin tong kalokohan na to Gabby please. Gusto ko mamuhay ng normal! Gusto kong magkapamilya! At hindi mo kayang ibigay yun sa akin dahil.."
.
.
.
.
.
.
"Dahil ba babae rin ako? Oo alam kong hindi ko mabibigay yung ganung klaseng pamilya sayo. Pero mahal na mahal kita! Hindi naman ito issue sa atin noon di ba? Bakit bigla ka na lang naging ganyan?" Halos nakaluhod na akong nagmamakaawa sakanya. Patuloy ang pagdaloy ng luha sa aking mga mata."Sagutan mo nga ko, may iba ka ba? Ha?!" Patuloy kong sabi sa kanya habang hawak siya sa balikat at niyuyugyog.
"I'm sorry gabby. It's over." Sabi niya sabay patakbong umalis at sumakay sa kotse niya.
It's over.
It's over.
It's over.
It's over.Paulit-ulit kong naririnig ang mga salitang yan. Halos ilang buwan na ang nakakalipas. Hindi ko pa rin siya makalimutan. Hays. Bakit ganito? Ang hirap tanggapin. Pagtapos ng anim na taon. Akala ko may forever. -.- </3 Hindi ko pa rin makalimutan si Sophia.
Sobra na tong kadramahan ko. Hindi pa pala ako nakakapagpakilala sainyo. Ako nga pala si Eunice Gabrielle Dela Cruz. Gabby na lang. Graduating na ko at engineering ang course ko. Eto ako ngayon, nagmumukmok. Naglalasing mag-isa. Tatlong buwan na simula nung iniwan niya ko. Ang sakit pa rin. Parang kahapon lang nangyare ang lahat. Hay.
"One bottle pa please" sabi ko sa waiter at agad naman niyang binigay sa akin ang isang malamig na San Mig Light. Nang biglang..
"Akin hik na yan hik" sabay agaw ng isang babaeng mukhang lasing na lasing na.
"Excuse me miss, that's mine" urat na sabi ko sakanya. Sabay hila ng beer na hawak namin.
Nag-aagawan na kami at hawak ko ang kamay niya. Bigla naman akong parang nakuryente sa posisyon ng aming kamay.
"Nauna k-o ka-hik ya akin hik ito" lasing na lasing na sabi niya. Sabay hila nanaman papunta sa kanya.
Nag-agawan na kami hanggang sa natapon ang beer sa damit niya.
"Fuck! My dress!" Galit na sabi niya na para bang nawala ang pagkakalasing niya at nanlilisik ang kanyang mga mata.
"I'm sorry miss." Biglang nasambit ko ng makita ko ang mata niya na may namumuong luha.
Agad naman akong humingi ng tissue at pupunasan na sana ang dami niya ng bigla siyang nawala.
*******^
http://my.w.tt/UiNb/ZCjvFF0Vuz - short story. Please support! Read Your happiness is my happiness. Thank you!
BINABASA MO ANG
You and Me? Seryoso?
RomanceHighest Rank: #4 - #LGBT #2 - #gxg #206- #Humor Nang dahil sa nasukahan ni Alexis si Gabby ay magbabago ang kanilang buhay. Handa kaya silang dalawa sa laro ng tadhana? Kung gaano kabilis sila nagkagusto sa isa't isa, ganun din kaya kabilis sila mag...