Chapter 22

5.4K 122 0
                                    

Gabby

Tignan niyo tong girlfriend ko. Iinom ng marami tapos ayan, nag passed out. Haha. Natatawa na lang kami ni Ate Jen sa kanya. Buhat buhat ko siya yung parang sa bagong kasal.

"Gabby, iuwi mo na yan. Hay. Kaloka yang si bes laging ganyan pag nalalasing." Sabi sakin ni Ate Jen. "At tsaka pla, wag mo muna siya iuwi sa kanila, mapapagalitan yan ng Dad niya pag nakita siyang ganyan" dagdag pa niya. Strict ba talaga ang daddy ni Alexis? Hmm.

"Sige Ate Jen ako na bahala sa kanya. Ikaw ba okay ka lang? Kaya mo pa magdrive?" Nag aalala rin ako sa kanya eh.

"Don't worry Gabby. I can handle myself." At ngumiti siya sakin ng convincing smile. "Sige na. Bye. Take care okay? And take care of her."

Sinakay ko na si lovelove sa kotse ko at nagdrive na ako. Dalhin ko na lang siya sa condo ko. Hindi para masolo ah! Baka kasi pagalitan din ako ni tatay at mama eh.

Napatingin ako kay Alexis habang naka stoplight.

"You're so beautiful love. Ang swerte ko. Maganda na, masarap pa magmahal." At hinawi ko ang nakaharang na buhok sa mukha niya para kitang kita ko siya. Hindi ko namalayan na naka go na pla at nagising ako sa malakas na busina ng sasakyan sa likod ko. Nagmadali naman ako magdrive ulit. Grabe nakakahiya yun. Alexis kasi eh!

Dumating na kami sa condo ko. Ang bigat niya. But it's okay. I want to hold her in my arms forever. Ibinababa ko na siya sa kama at nagsimula ng mag ayos.

"Hala. Paano ko pla siya bibihisan?" Bulong ko sa sarili ko. Namumula ako ngayon. Buti tulog siya. Aasarin ako nyan eh.

Paano ba to? Okay lang kaya na bihisan ko siya? No choice naman eh. Bahala na nga! Kumuha ako ng tshirt at pajama sa cabinet para sa kanya.

"Lovelove. Bihis ka muna." Tinapik tapok ko siya para magising.

"Hmm." Yun lang narinig ko sa kanya.

"Lovelove bibihisan kita ah. Sasara ko naman mata ko eh." Para akong baliw. Nagpapaalam sa tulog.

Binihisan ko na siya. Ang tindi neto matulog, hindi nagising sa ginawa ko. Ang hirap pla magpalit ng damit ng ibang tao. After 10 mins ay natapos din.

"Hay salamat." Sigh.

Pinagmasdan ko siya ulit habang natutulog. And I can't help it to thank God for giving me Alexis. For now, I'm the luckiest human being here in on earth. I kept smiling every time na titignan ko siya. Minsan natatanong ko na lang sa sarili ko na anong kabutihan ba ang ginawa ko para mabiyayaan ng isang anghel.

"I love you so much Alexis. Goodnight." And I kissed her forehead. Nakita ko naman na nag smile siya bigla. Aba.

Anong oras na ba? Shit. 4am na pla. Kailangan ko pa pla iedit yung thesis ko. Kinuha ko ang laptop ko at binuksan ito. Sanay na naman ako ng walang tulog. Kaya eto ang eye bags ko, malusog.

Edit. Edit. Edit.

Time check: 6am.

May klase pa ko ng 9am. Sinilip ko si Alexis at mahimbing pa rin ang tulog nito. Maybe I'm skipping my first class today. Hindi ko siya pwedeng iwan. Bumalik na ako sa ginagawa ko.

Edit pa more. Sakit ng mata ko. Tinanggal ko muna yung eyeglass ko. Yeah nakasalamin ako, pero sa bahay lang. Sakit ng mata ko sa contacts kaya inalis ko muna. Napansin kaya ni lovelove na naka contacts ako?

Time check: 9:03am.

Pagluluto ko muna si Alexis ng almusal.

Pagkaluto ko ay nilagay ko na ito sa kwarto kasama ng gamot para sa hangover at naglagay ng note.

"For my princess. Good Morning sleepyhead! I love you. :* drink this after you eat. :)"

At tinuloy ko na ulit ang ginagawa ko. Unti unting bumigay yung mata ko at nakatulog na ako.

"Araaaaay kooooo!" Exit from dream land.

--------------//

Comment, Vote, Fan! :)

Salamat sa lahat ng nagbabasa ng first story ko. :)

You and Me? Seryoso?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon