Chapter 17

6.4K 141 0
                                    

Gabby's

"Explain." Sabi ko sa kanilang dalawa. Medyo nashocked ako. Napakaliit naman talaga ng mundo.

"Si Ate Alexis, siya yung best friend ni ate Jen! Hindi mo ba siya naaalala? I think you've met before?" Napaisip ako sa sinabi niya. Nagkakilala na nga ba kami ni Alexis?

"Hindi ko maalala" sabi ko.

"I can't remember" sabay kami ni alexis ng sabi.

"Kain na tayo Gabs, Ate, gutom na ko eh" at naupo na siya at umorder na ng pagkain namin.

Habang hinihintay ang order ay nagkwentuhan muna kaming tatlo. It's a small world talaga.

"Ate Alexis kamusta ka pla? It's been years since yung last time na nagkita tayo. I missed you Ate!"

"I'm fine. I missed you too! Super busy lang sa work and si Ate Jen mo left the country."

"Ang tagal rin nawala ni Ate. Good thing na she's here. Wait, nagkita na ba kayo?" Parang wala silang kasama. Grabe naman. Hello nandito ako!

"We're planning pa. Hindi magtama ang schedule namin. Join us pag nakapag set kami ng date."

"Ehem. May tao po dito!" Inis na sabi ko sakanila. Imbis na kausapin ako ay tinawanan lang talaga nila ko.

"Huwaaw tumawa lang talaga kayo. Kausapin niyo ko uuyy" ginawa ko ung boses ni lola Nidora. Tawa naman sila ng tawa.

Dumating na yung order namin at kumain na kami. Sinali na rin nila ko sa usapan nila kasi nagdadabog ako. Halata sa kanila na close sila at namiss nila ang isa't isa. Kaya hinayaan ko na lang nung bandang huli.

"Nagenjoy ako Gabs!" Sabi naman ni Telle nung palabas na kami. "Thank you sa lunch! At ate Alexis salamat! Alagaan mo si Gabby ah. Makulit yan sana kayanin mo yan."

"Siniraan mo pa talaga ako. Sige na bye na!" Tinulak ko na siya palayo at nagpaalam na rin si Alexis sa kanya.

"Wag ka maniwala dun boss mabait ako promise" natawa naman si Alexis sa sinabi ko. Sumakay na kami sa kotse ko.

"Alexis salamat pala kasi pumayag ka makipaglunch samin." At sabay abot nung binili kong flower.

"Thank you Gabby! Nag enjoy ako super! Small world eh?"

"Oo nga eh, hindi ako makapaniwala. Siguro nagkita na talaga tayo dati?"

"Maybe. Btw, tatanggalin na pla ang cast ko!" Masayang balita niya sa akin.

"Atlas! Hindi ka na mahihirapan! Kelan ang appointment mo?"

"Sa saturday afternoon. Why?"

"Samahan kita ah?" Pumayag ka!

At ngiti lang ang sagot niya sakin. Syempre oo ang ibig sabihin nun. Sa bawat araw na kasama ko siya, bawat oras ay masaya. Hindi ko naramdaman ito dati. Nakatitig lang ako sa kanya at iniisip na mahal na siguro kita Alexis. Hindi pa ganun kalalim pero araw araw ay lumalalim sa bawat ngiti at oras na binibigay niya sa akin. Maniniwala na ba ako sa forever?

"Kanina ka pa nakatingin sa akin!" Kurot niya sa pisngi ko.

"Masaya lang ako kasi dumating ka sa buhay ko." Nakita kong namula siya. Kinuha ko ang kamay niya at hinawakan.

"Thank you Alexis for coming to my life."

"Pasalamat ka sa dun sa beer na natapon!" Sabay tawa niya. Haha iba talaga tong babaeng to. Seryoso na ko tapos magbibiro.

"Ang cute cute mo talaga!" Sabay pisil sa cheeks niya ng madiin.

"Tara na hatid mo na ko! May gagawin pa ako remember?"

"Okay boss let's go!"

----------------------------------------///////

Thank you for reading!

Comment, Vote and Follow!

You and Me? Seryoso?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon