Chapter 6

11K 216 4
                                    

Gabby's POV

Para akong namagnet sa katawan niya. Bigla ko siyang nayakap. Parang ayoko siyang makitang umiiyak. Medyo may kumirot sa puso ko nung nakita kong may luha siya.

Nakayakap pa rin ako sakanya. May parang kuryente ang dumaloy sa katawan ko. Ano ba to! Ngayon ko lang to naramdaman. Kahit sa mga ex ko hindi naman ganito pag niyakap ko sila.

Silence. Yun ang bumabalot sa amin ngayon.

All I hear is my heart beat. This can't be.

Bumitaw na ako sa pagkayakap dahil baka kung ano isipin niya.

"Okay lang yun Alexis. Wag ka ng umiyak diyan. Wala yun sa akin." Sabay ngiti ko sa kanya ng matamis.

"Sige alis na ako." Pahabol ko pa.

Pigilan mo ko Alexis! Please. Let me take care of you.

Naglakad na ako papunta sa pinto nila palabas.

"Gabby wait!" Ayun! Yun ang inaantay ko. Napangiti ako at parang nakaramdam ng kilig.

Humarap ako sa kanya pero plain na mukha lang. Baka mahalata eh. Hehe.

"Yes?" Sabi ko ng normal na boses.

"Ahm--" inaantay ko ang sasabihin niya.

"May sasabihin ka ba?" Tanong ko sa kanya.

"If it's okay with you, dito ka na lang muna. I will cook breakfast for you. Para naman makabawi ako" tuloy tuloy niyang sabi ng mabilis at parang nahihiya.

Ang cute niya. Nagblush siya. Eto ang weakness ko. Ang mga cute na maganda na katulad niya.

"Woah. Slow down. Haha!" Natawa ako sa kanya. Hahahah!

"Nakakainis ka! Hmp. Nevermind na nga lang! Go! Alis na!" Naiinis niyang sabi. Hahaha ang cute nya maasar.

"Okay. I'll go na. Bye Alexis!" Sabi ko sa kanya na nangaasar na tono.

Nagpatuloy na ako sa paglakad.

"Gaaaaabbyyyy!!!!!!" Woah. Sakit sa tenga ng sigaw ng babaeng to!

Napalingon ako sa direction niya at nakita ko siya na nakapameywang at nakataas ang isang kilay.

Nakakatakot naman tong sungit na to!

"Whaat?" Sagot ko sakanya habang nakakunot na ang noo ko. Kunwari naiinis na ako. Hahah!

"Sabi ko dito ka na lang muna!!! At ipagluluto kita ng breakfast!!!" Naka high pitched nanaman siya hala!

Lumapit siya sa akin. Hinila niya ako papasok ulit sa kanila.

Bigla niyang ni-lock ang pinto at humarang na para bang bata.

"Stay! Diyan ka lang!"

Tinulak niya ko sa may sofa nila at napaupo ako. Ibang klase siya. May iba sa kanya. She can control me. Argh! Hindi ako makatanggi sa kanya. Bakit ganun?

"Okay Boss!" Sagot ko sakanya ng nakangiti.

Pumunta siya sa kusina nila at naiwan akong nakaupo dito.

"Wala akong magawa! Argh!" Bulong ko sa sarili ko.

Kinuha ko ang phone ko at naglaro na lang ng Clash of Clans. Addict na ako dito sht.

Collect. Upgrade. Train. Ayun lang ang ginawa ko dahil may shield pa naman.

Ang tagal naman niya! In-open ko na lang ang facebook ko. Tingin tingin newsfeed. Like sa mga post.

You and Me? Seryoso?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon