Chapter 11

7.7K 175 1
                                    

Gabby's

Hindi ko mapigilan ngumiti pero pinipigilan ko talaga! Kinikilig ako. Shiz. This is not me. Hindi naman ako kiligin na tao. Pero bakit kapag kay Alexis bumibigay ako. Iniisip ko yung kanina naghahabulan kami. Pagkita ko sa kanya, ang ganda ganda niya! Tapos may wind effect pa, hinahangin yung buhok niya. At lumabas ang ganda niya lalo. Tapos biglang nag slow-mo yung paligid. At may mga angel na kumanta. Arghh ang corny pero totoo yung nakita ko. Is she the one?

"Gabby."

"..."

Bigla akong nagising sa pagkatulala. Tawag niya pala ako. Lumingon ako sa kanya, ayan nanaman yung parang slow mo. Shiz.

*Boooooooooooooooom!

"Waaaaaaaah!" Bigla akong napayakap kay Alexis! Nagulat ako sa putok. Grabe! Ang lakas nun!

Kumalas naman ako agad dahil namula ako. Argh!

"Hahahahahahahahahahah!" Tawa siya ng tawa! Ayt!

"Hey it's not funny" binigyan ko siya ng galit na tingin.

"You should have seen your face!"

"Shut up!"

"Bleh!" Dinilaan naman niya ako! Ang cute niya para siyang bata. Haaaay. Akin ka na lang. Sana nga. Pero baka hindi naman niya ko kayang mahalin. Dahil babae rin ako. Nakakalungkot naman isipin ang katotohanan.

Andito na kami ngayon sa bahay. One hour na lang New Year na!

Pagdating namin sa backyard ay nagulat ako dahil andoon na mga pinsan ko! Wow dito sila magnew year! Ang saya naman! At may naka set-up na stage at may banda!

"Pareng Gaaaabbyyy!" May tumawag sa akin. Si Kuya Daniel.

"Kuya D!" Yumakap naman ako sa kanya.

"May kasama ka pla Gabby eh pakilala mo naman!" Si Ate Janice.

"Si Alexis, kaibigan ko! Alexis si Kuya Daniel, Ate Janice, Kiko, Paul, Shane, at Erin." Isa isa ko silang tinuro, ang dami ko pa lang pinsan! Si Ate Janice siya ang pinakamatanda sa aming magpipinsan, kiko mag ka age lang kami, at shane mas matanda ng one year sa amin, silang tatlo ay magkakapatid. Si kuya daniel ang sumunod kay ate Janice at si Paul ang pinaka bata sa amin, sila naman ang magkapatid.

"Hello po! Happy New year!" Bati naman ni Alexis sa kanya.

"Ganda naman ng chix mo Gabby!" Pang asar ni Ate janice!

"We're just friends po" sagot naman ni Alexis.

"Oh ano naman nangyari sa kamay mo?" Tanong ni Kiko.

"Ahm. Si Gabby po kasi may kasalanan!" Aba ako pa sinisi!

"Hindi naman eh! It was an accident!" Pagtanggol ko sa sarili ko!

"Sus! Ikaw pala ang may kasalanan eh! Dapat alagaan mo muna siya!" Sabay naman ni Paul!

Tinignan ko lang siya ng masama at dumila!

"Kung ayaw mo ako na lang mag aalaga! Okay lang ba Ms. Pretty?" Aba si kuya Daniel nagpapacute kay Alexis. Nakita ko naman na nagblush si Alexis. No! Ako lang dapat mag alaga sa kanya! Bakit parang nagseselos ako?

Nakita kong nginitian lang siya ni Alexis.

"Alexis pagpasensyahan mo yang si Daniel ah, feeling Daniel Padilla lang yan!" Biro ni ate Janice.

"Hahah okay lang po Ate!"

"Tara na nga! Mag twelve na!" Aya ko sa kanila dun sa may gilid dahil andun yung mga paputok na dala nila.

"10...9...8...7...6...5...4...3...2...1!"
Sabay sabay kaming nagbilang!

"Happy New Year!"

Kanya kanya na kaming sindi ng mga firecrackers. Pagtapos ay sabay sabay kaming kumain.

"Alexis!" Tawag ko sa kanya dahil nakita ko na parang malalalim ang iniisip niya. At mukhang malungkot siya.

"New year na new year parang naputukan yang mukha mo!" Pang aasar ko.

Hindi pa rin siya nasagot.

"Sorry. Bakit ka ba malungkot?"

"Nothing" nakatingin pa rin siya sa kawalan.

"Pwede mo naman akong pagsabihan"

"Its just that I miss my Family. Namimiss ko sila. Ilang years na rin akong mag isa pag ganitong panahon. I miss my mom." Tumutulo ang luha niya habang nagsasalita. I want to make her happy. I want to be the person that will change her sad eyes to happy eyes.

Niyakap ko siya. Para alam niyang may isang tao na magiging nasa tabi niya palagi at hindi siya iiwan.

"Hey don't be sad! Hindi ka na maganda oh!"

Sinamaan naman niya ako ng tingin. Hahah cute talaga!

"Knock knock!"

"What?" Nagtatakang tanong niya.

"I have a knock knock joke!"

"Who's there?"

"She's dating the gangster!"

"She's dating the gangster who? Be sure it's funny or else..." Nako patay ako!

"Or else what?!"

"Just go on! She's dating the gangster who?!"

"Ehem ehem. Madlang people, please welcome, Rihanna. She's dating the gangster that's under my bed. Get along with the voices inside of my head.
Thank very much!" Sabay bow ko sa kanya at pakaway kaway sa mga fans ko.

Nagulat ako dahil bigla siyang tumawa ng malakas. Halos naiiyak na siya. At pinagmamasdan ko siya habang tumatawa. Ang sarap sa feeling na kahit alam kong corny ang joke ko eh napasaya ko naman siya. Sana lagi na lang siyang masaya. Gusto ko siya pasayahin lagi.
At ayun nagpalitan na kami ng mga knock knock. Ang saya naman ng gabing to. Mukhang maganda ang pasok ng new year ko dahil may magandang pumasok sa buhay ko.

"Hey tama na naman!" Pigil ko sa kanya dahil kanina pa siya natawa with matching hampas sa balikat ko.

"Thank you Gabby." Biglang sumersyoso na siya.

"For what?"

"For this night. For inviting me here and for making me happy." Tumalon talon naman ang puso ko. Napapasaya ko siya! Edi wow!

"No problemo!" Binigyan ko siya ng matamis na ngiti.

At tinawag na kami ng mga pinsan ko. Nagjamming kami magdamag dahil minsan lang kami magsama sama. Napakasaya naman talaga. I feel so complete! May kumumpleto kasi eh. Hehe! At pagtapos ay natulog na kami. Dito ko na rin pinatulog si Alexis. At ngayon magkatabi kami sa isang kama. Dahil nasa guest room ang mga pinsan ko. No choice eh. Pabor naman. Haha joke! Bago ako matulog ay nagdasal muna ako at unti unting bumagsak ang mata ko.

You and Me? Seryoso?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon