Chapter 44

3.5K 84 6
                                    

Alexis

When I entered the restaurant nakita ko agad siya. May kirot akong naramdaman dahil nag iba yung itsura ni daddy. Pumayat siya at halata na ang gray sa buhok niya. Halong halo emosyon yung nararamdaman ko ngayon kahit wala pa ako sa tabi niya. Honestly, I missed him so much.

"This way ma'am." pag guide sakin ng waitress.

As we were approaching dad's table, agad niya kaming napansin at napatayo siya sa kinauupuan niya.

"Maurine." He used to call me that simula pa nung bata ako. Napansin ko yung galaw ng kamay niya na para bang gusto niya kong yakapin but he chose not to.

"Dad."

Umupo naman ako at tinitiigan lang si dad. Mas lalo ko nakita na tumanda na nga ang itsura niya. Napansin ko rin yung malalim niyang mata ang ang wrinkles niya sa noo.

"I ordered your favorite." sabi niya ng nakangiti. Andito kasi kami sa restaurant kung saan kami madalas kumain noon, nung buhay pa si mommy. Lagi kami dito tuwing may special occassions at kahit simpleng araw lang. Kumpleto kaming kumakain noon at nagkkwentuhan about sa nangyayari sa buhay namin. Pinigilan ko pumatak ung luha ko dahil sa mga alaala na sumagi sa isipan ko.

"Thanks." Yun na lang yung nasabi ko. I looked away para hindi niya mahalata yung luha na unti unting naiipon sa mga mata ko.

"I'm sorry, Maurine. For everything. Sa lahat ng ginawa ko sainyo ni Gabby noon. Patawarin mo sana ako." napayuko siya at tila nagpunas ng luha.

"I know I'm not the perfect father like I used to be. When your mom passed away, I was a total wrecked. Walang gabi na hindi ko siya naisip at nangulila sakanya. Hindi ko lang pinapakita sainyo ng kuya mo dahil alam kong dapat makita niyo kong matatag kasi ako na lang yung natitira sainyo." hindi ko na rin kinaya at tumulo na yung luha na kanina ko pa pinipigilan.

"Your mom battled with cancer for 8 years. Alam mo ba she always joke about na kapag mawala man siya, gusto niyang makahanap ako ng magmamahal sakin at aalagaan ako. Palagi niyang sinasabi yun dahil ayaw niya akong magiisa. Everyday she's nagging me about it. It hurts kasi ayokong gawin yun. No one can ever replace her. She's my one true love for god's sake. But I never showed it to her. Ayoko ng madagdagan pa ung nararamdaman niya. I want her to feel that I'm okay and I don't want you to see me na mahina." ngayon ko lang nalaman na ganon pla si mommy. Mas lalo kong namimiss ang mommy ko. The way ikwento ni daddy, ramdam ko ung pagmamahalan nilang dalawa.

"Remember when you caught me? Ang dating sayo na I was cheating. But the truth is, your mom set me on a date. It was the 7th year of the battle with cancer. Sabi niya sakin na malapit na daw siyang mawala so I just went with what she wants. Nagpapakwento pa nga siya about what happened kaya nagkwento ako ung gusto niyang marinig. But the truth is I told that woman na my wife set us up and told her that I love your mom so much and no one or nothing will change that then I left her there. I never left your mom's side after that. Sobrang mahal na mahal ko ang mommy mo na kahit hanggang ngayon gabi gabi pa rin akong umiiyak at nangungulila sakanya. I promised her na aalagaan ko kayo mabuti. I just wanted the best for you Alexis that's why siguro hindi ko kayo natanggap ni Gabby noon. And then you left. Mas lalo gumuho yung mundo ko anak. I feel like sobrang nadisappoint ko ang mommy mo kasi hindi ko nagampanan lahat ng pangako ko sakanya. You are our princess. I love you so much anak. I'm really sorry for everything."

Walang lumalabas sa bibig ko. I'm speechless right now. Ngayon ko lang nalaman lahat lahat ng ito. I can see it in his eyes na totoo lahat ni sinasabi ni daddy. At ngayon ko lang nakita na ganyan siya. I grew up with the thought na he's a strong man. Never nagpakita sa amin ng kahinaan si dad. Kahit nung nawala si mommy, hindi namin siya nakita umiyak ni kuya. Kaya naramdaman ko noon na wala siyang paki at hindi niya mahal si mommy. But the truth is, sobrang mahal na mahal niya si mom. Alam ko rin na ayaw ni mommy na masira ang pamilya namin ng basta basta.

You and Me? Seryoso?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon