Chapter 39

4.2K 97 17
                                    

Alexis' POV

Tumakbo ko palabas ng kwarto. Nagmadaling bumaba sa hagdan.

"Alexis!" rinig kong tawag ni Gabby. I don't want to make a scene. May party sa labas at maraming tao. Kaya hinarap ko na lang so Gabby.

"What?" Cold na sabi ko sakanya. Nakita ko rin na sumunod si Sasha sakanya.

Bakit ganon? Dapat hindi ko to nararamdaman eh. She's dating my brother. Pero bakit nagseselos ako sa nakita ko? Ganito yung naramdaman ko nung nakita ko si Gabby dati sa bar na may hinalikan siya. It seems like it was yesterday.

"It's not what it looks like love."

"Can we talk outside?" at naglakad ako palabas ng bahay at palabas ng gate.

"Look Alexis, tinutulungan lang niya ko. She's my best friend. You know that."

"I know! But I can't help it. Hindi ko alam kung bakit ako nagseselos Gabby!" Medyo napalakas ata yung boses ko dahil nagulat siya. Magkatinginan lang kami. Parang may gusto siyang sabihin.

"Naalala mo ba yung nangyari dati? Yung sa bar. Yung.. Yung naabutan mo ko."

"I do remember! Parang natrigger ako kanina Gabby. I do not know why!" Fck. Naiinis talaga ako.

"It's her. Sasha."

"WHAT?!! ARE YOU SERIOUS?!!!" Hindi ko na napigil yung boses ko. Galit ako. Nagseselos ako. Alam kong matagal na yon, pero bumalik yung sakit eh.

"Hindi ko naman alam na anak siya ng boss ko eh. I wanted to tell you noon, but naunahan yun ng iba pang naging problema natin." humarap siya sakin at hinawakan niya yung kamay ko. "I want to be honest with you this time Alexis. Kaya ikkwento ko sayo lahat ng nangyari kung hahayaan mo ko." Nakita ko yung sincerity sa mga mata niya. Medyo nag cool down na yung nararamdaman ko kaya hinayaan ko siyang magsalita.

"After you left me, I was a mess. Silang dalawa lang ni Telle yung nandiyan para sakin. Sa tuwing malalasing ako at makakatulog sa bar, siya pla yung naghahatid sakin pauwi. Kaya minsan nagugulat ako kung pano ako nakabalik ng condo ko ng lasing." Ngayon ko lang nalaman to. Yung nangyari sakanya after I left her.

"Wala na nga sakin yung hinalikan ko siya. It was a drunken mistake. Muntik na kong masagasaan noon. Yun yung pangyayari na gumising sakin sa katotohanan. After ng incident na yon ay nag move on ako sayo in a good way. Walang alak or kahit ano. Naging magkaibigan kami ni Sasha dahil sa unang project ko sa company nila. Si Tito ang nag assign sakin kaya wala naman akong magagawa don."

Nakaupo na kami sa tapat ng gate nila at nag patuloy mag usap.

"Simula noon naging best friends na kaming dalawa. Lalo na after magkapamilya ni Telle, siya na lang ang naging kasama ko palagi. Inaamin ko na medyo natignan ko siya ng more than friends, but my feelings for you were so strong. Akala ko naka move on na ko sayo, pero hindi eh. Pinilit kong mahulog sakanya pero hindi ko magawa kasi mahal na mahal pa rin pla kita Alexis. Never nawala yung pagmamahal ko sayo after all these years. It's you. Always been you."

Naguguilty ako ngayon dahil sa attitude ko kanina. Ngayong sinabi niya sakin lahat, biglang nawala yung galit ko. Hindi ko napigilan yung luha ko.

"I'm sorry Gabby." I didn't realize that I was sobbing. "I'm sorry"

"Hey, stop. It's not your fault Alexis. Ako ang dapat magsorry sayo. Dahil hindi ko man lang nasabi sayo ito noon." naramdaman kong niyakap niya ko. I buried my face on her shoulder. "Tahan na." humarap na ko ulit sakanya. Bigla naman siyang natawa.

"What's funny?"

"Ang ganda mo pa rin kahit kalat kalat na yung make up mo sa mata!"

Binatukan ko nga. "Dumbass!"

You and Me? Seryoso?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon