Gabby
"Tangina. Fuck. Shit. Tangina!"
Anong kashungaan ang nagawa ko? Urgh. Kainis!!! Napatayo ako sa kama ko at napaupo na lang. Tangina. Anong gagawin ko? Pag in-unlike ko ba may mangyayari? Fuck. Pano na to? Mag deactivate kaya ko? Hayop. Baka isipin niya inii-stalk ko siya! Hindi naman eh!
Inner self: eh ano pla yung ginawa mo kanina? Shunga mo kasi!
Shhhhhhh! Anong oras na ba? Hayop na yan mag 4am na. Buti na lang walang pasok. Pucha!!!!! Kainis ka @self. Pakamatay ka na.
Inner self: I-add mo na lang kaya?
Please. Baka. Baka i-add. Add mo to! Kainis.
Kausap ko nanaman sarili ko. Anong gagawin ko? Gisingin ko ba si Sasha? Kaso baka batukan ako nun lasing pa naman. What to do? Pilitin ko na lang kaya matulog? Sige matutulog na lang ako. Game.
1..2..3 pikit.
"Wake up. Heeeeey."
"Gabby." Kainis wag mo ko gisingin. Patuloy pa rin siya sa pangangalabit sakin.
"Antok pa ko."
"Dad called me. I need to go home now. Wake up!!!!" Nakaramdam ako ng may dumagan sakin.
"Sasha get off!" Pilit ko siyang tinutulak. Urghh ano ba naman yan. Gusto ko pang matulog eh.
As usual wala akong nagawa. Nagddrive na ko para ihatid siya sa kanila. Buti na lang at hindi masyadong traffic dahil sunday! Family day! Uuwi pla ko sa amin mamaya. Namimiss ko rin si mama at tatay. Bumukod na rin kasi ako sakanila. Sa condo na ko tumira simula nung sineryoso ko yung trabaho ko at madalang na lang ako makauwi.
Pagkahatid ko kay Sasha ay dumaan muna kong Mcdo para kumain ng breakfast. Bigla ko na lang naalala yung nagawa kong kashungaan kagabi. Ang bobo ko. Naiinis nanaman ako. Ayoko na ngang mag facebook. Simula kagabi eh hindi ko na chineck ulit yung facebook ko.
Sigh.
Habang kumakain ako ay napansin ko yung batang babae sa kabilang table. Naglalaro siya ng rubik's cube. Nakakatuwa naman siyang tignan. Yung itsura niya eh nakakunot yung noo at iniikot ikot ung cube. Ang cute niya. Parang may kamukha siya.
Nasan kaya magulang neto at iniwan dito.
"Gusto mo tulungan kita?" Sabi ko sa kanya tumingin naman siya sakin at inayos niya yung nakaharang na buhok sa mukha niya. Nakatingin lang talaga siya. Naintindihan niya ba yung sinabi ko?
"Do you want me to fix it?" Agad niya namang inabot sakin ito. Ay wow. Englishera. Okay. Kinuha ko yung cube at sinimulang buuin. Inabot ko na sakanya ito agad at ang laki ng ngiti niya.
"Woah." :O "How did you do that?"
"Magic." Sabay wink sakanya. Kita pa rin yung pagkagulat sa mukha niya.
"Can you teach me?"
"If we see each other again, I will teach you. Alright?"
"Hmmkay." At ang laki laki ng ngiti niya habang ginugulo ulit yung cube. Cute. "Pinky Promise?"
"Pinky Promise."
Kinain ko na ang huling fries at naghanda na para umalis.
"See you later little girl. What's your name?" Aga aga inuubos english ko.
"My name is Eunice." Medyo bulol pa niyang sinabi. Nagulat ako dahil kapangalan ko pa siya. Napangiti na lang ako sakanya.
"We have the same name! That's cute." Nakangiti lang siya na hawak yung laruan niya. Nagpaalam naman na ko sakanya dahil kailangan ko ng umuwi.
BINABASA MO ANG
You and Me? Seryoso?
Storie d'amoreHighest Rank: #4 - #LGBT #2 - #gxg #206- #Humor Nang dahil sa nasukahan ni Alexis si Gabby ay magbabago ang kanilang buhay. Handa kaya silang dalawa sa laro ng tadhana? Kung gaano kabilis sila nagkagusto sa isa't isa, ganun din kaya kabilis sila mag...