Chapter 3:

48 4 0
                                    

ANGELO'S POV

(The same day)

*kriiing* *kriinng*

Bwiset naman yung alarm clock na yun oh! Alam na natutulog eh.

Pinatay ko nalang at bumangon na.

Anyway. Papakilala lang ako. I'm Timothy Angelo Lewis. Half-american ako. Halata naman siguro sa apilyedo ko diba? Gwapo ako, tapos!

First day ng class namin kaya no choice ako kundi pumasok. Mapapagalitan pa ako ni mommy pag hindi ako papasok.

"ANGELO!! BUMANGON KA NA DYAN AT TANGHALI NA!" speaking of the devil! Joke lang.

"Yes Ma! Babangon na nga po diba?" Sigaw ko pabalik sa kanya.

Agad akong bumaba ng hagdan namin at dumiretso sa kusina.

"Goodmorning Ma." Sabi ko kay mama ng makarating ako sa kusina.

"Goodmorning din 'nak. Kumain ka na at pababa na rin yung kapatid mo." Sabi nya at kumuha ng tatlong plato.

"Ma, where's Papa?" Tanong ko sa kanya.

"Maagang umalis. May urgent meeting sila."

"Ah. Okay!"

"Good morning, kambal!" Bati sakin ng kakagising ko lang na kambal. Yeah, sa kasamaang palad may kambal ako. She's Trixie Angela Lewis.

"Goodmorning too." Walang gana kong sagot.

"Pasabay pag pasok ha?" Sabi nya.

"Bawal. Kasabay ko si Michaela."

"Edi pasabay pa rin!" Hayy! Kulit din ng isang to eh.

"I said no!"

"Damot!"

"Mukha mo!"

"Mame!! Si Angelo nangangaway!" Parang batang nagsusumbong kay mommy.

"Ma, di po totoo yun! Sya tong makulit eh!" Inis na paliwanag ko kay mommy.

"Naku! Kayo talagang dalawa! Kumain na nga kayo."

"Mame, peram ng kotse mo. Ayaw ako isabay ng panget na yan eh."

"Kung panget ako, panget ka rin. Kambal nga tayo diba?"

"Tumigil na kayo. Sige 'nak, pwede mong gamitin ang kotse ko, wala naman akong pupuntahan ngayon eh." Sabi ni Mommy.

"Sige, Ma. Ligo na po ako." Paalam ko kay mommy at umakyat na sa kwarto ko.

Naligo agad ako. Pagkatapos nun ay nagbihis na ako.

Pababa na ako ng biglang sumulpot ang makulit kong kambal.

"Gelo, can I ask something?" Seryosong tanong nya. Problema neto?

"What is it?"

"Bakit nagtitiis ka pa rin kay Michaela?" Tanong nya.

"'Coz I love her." Diretso kong sagot.

"Oh, c'mon Gelo. Alam kong you hindi mo na sya mahal. Dati pa!" She's correct. Ewan ko ba bakit ako nagtitiis kay Michaela. Siguro nasanay lang akong sya ang mahal ko. Pero iba pala talaga.

"Walang basagan ng trip, sis." Sabi ko at umalis na.

Pero bago pa ako makalayo sa kanya, may sinabi muna sya na sobrang tagos sakin.

"Wag mong sanayin ang sarili mo Angelo. Alam kong mahal mo si Nicole at hindi si Michaela. Kambal, kung ako sayo hihiwalayan ko na si Michaela dahil baka mawala yung totoong mahal mo talaga. Walang permanente sa mundo kaya kung ako sayo, I'll make a move before it's too late." Sabi nya at dumiretso sa garahe.

Napatunganga ako. Alam kong tama si Trixie at hindi ko alam ang gagawin ko. Arghh!

Bago pa masira ang ulo ko ay umalis na ako at sinundo si Mics.

~~

Nakarating ako sa bahay nila at pumasok agad ako. Kilala na ako dito sa kanila kaya kahit lumabas pasok ako, pwede.

"Manang, san po si Michaela?" Tanong ko kay Manang, sya ang yaya/katulong nila Mics.

"Pababa na yun, hijo." Sabi nya saktong pagbaba ng hagdan ni Michaela.

"Hi, honey." Bati nya sakin at hinalikan ako sa pisngi.

"Hi. Tara na, baka ma-late pa tayo." Sabi ko at kinuha ang bag nya.

"Okay. Let's go." Sabi nya at kumapit sa kamay ko.

Umalis agad kami at dumiretso na sa school.

Pagkababa namin ay sakto din namang dating nya at ng kuya nya. Siguro nagtataka na kayo kung sinong sya? Si Nicole po yun.

Wala pa ring kupas ang ganda nya. She's always like a goddess.

"Honey, let's go." Bumalik ako sa realidad ng hilain ako ni Michaela.

"Sorry, tara na." Sabi ko.

Habang naglalakad kami may mga naririnig akong nagchi-chismisan.

"Sila pa rin noh?"

"Oo nga eh. Ang tatag!"

"Tss! Magbe-break din sila."

"Oo nga. Mas bet ko si Miss Nicole para kay fafa Angelo."

"Kaso manhid si Angelo eh.

So kami pala topic nila. At anong ibig nilang sabihin na manhid ako? Nilingon ko si Michaela na sasabog na ata sa inis.

"Mics." I said in a warning tone.

Tinignan nya ako.

"Don't mind them." Sabi ko at inakbayan sya.

"Okay, fine!"

Naglakad ulit kami at hinatid ko sya sa classroom nya.

"Sabay tayo mag-break time honey ha?" Sabi nya at tumango nalang ako.

Dumiretso na ako agad sa classroom namin. Late ako! Wag na kayong magtaka.

"Sorry Ma'am, I'm late." Sabi ko at umupo na sa upuan sa likod.

"It's okay Mr?"

"Lewis po." sabi ko.

"Okay. Class before we start, introduce first." Sabi ni Ma'am.

Nagpakilala ang mga kaklase ko. Last ako kasi nga nasa likuran ako. Si Vera na ngayon ang nagpapakilala. Bestfriend ni Nicole. Close ko rin sya simula dati.

Matapos ni Vera, si Nicole na pala.

"Hi. I'm Tamara Nicole Lincoln. I know that you know me. So, di ko na pahahabain. Thank you!" Pagkasabi nya nun ay ngumiti sya. Shettt! Ganda nya talaga! Hooo! Angelo, magtigil ka. May girlfriend ka! Tandaan mo yan.

Habang nagpapakilala ang mga iba kong kaklase, lutang ang isip ko. Iniisip ko pa rin kasi ang sinabi sakin kanina nung bwiset kong kambal.

"Pre, kaw na." Tapik sakin ng isa kong kaklase.

"Alam ko." Sabi ko nalang.

Pumunta ako sa harapan at nagpakilala na.

"Hello to all of you! I'm Timothy Angelo Lewis. Nice to meet you all. Hope we become friends."

"Syempre naman Angelo! More than friends pa gusto mo?"

"I love you Angelo!"

"Tayo nalang Angelo!"

Rinig kong sabi ng mga kaklase ko.

Hay! Iba talaga pag gwapo.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Vote and support!

Loving you can hurtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon