Chapter 22:

2 1 0
                                    

NICOLE'S POV

Matapos ang araw na pinagbantaan ako ng nalanding babae na yun, mas lalong naging hindi maganda ang mga araw na nagdaan. Buti nalang at nandyan sila Vera at si Angelo. Palagi nila akong sinasamahan kahit saan ako magpunta. Lalo na si Timothy. Akala mo bodyguard ko kung makabantay sa akin.

"Oh, saan ka na naman pupunta?" Tanong nya. Sino pa ba? Edi si Angelo.

"Ano ba naman yan Timothy! Pati ba naman pagpunta ko sa garden para magpahangin, kokontrahin mo? OA nyo na masyado." Sabi ko at padabog na lumabas. Naiinis na rin ako sa kanilan minsan. Lalo namang kinukunsinti nila mommy yang lalaking yan na samahan ako lagi. Baka daw bumalik na naman yung Michaela na yun. Ewan ko nalang sa kanila. Actually, aalis talaga ako. Pupunta akong mall, bibili ng pagkain ko. Wala na kaming stock sa ref kaya ako nalang bibili pero dahil nga nandito yung lalaking yun, hindi ako makaalis.

Tumingin muna ako sa likod ko kung sumusunod sya pero wala kaya umalis ako. Kinuha ko yung kotse sa garahe at tuluyan ng umalis.

~~

Pagkarating ko ng mall, nag ikot ikot muna ako. Nagbabakasakaling may mapiling damit. Pumunta ako sa isang boutique store para tumingin sana ng damit pero bigla nalang may nagtakip ng mukha ko. Nahihilo ako.

Naramdaman kong yung may hawak sakin ay nawala. Pinilit kong wag pumikit at nakita kong nakahandusay sa sahig yung taong nagtakip ng panyo sakin. Tapos bigla nalang may humila ng kamay ko.

"What the fvck?!" Napasigaw ako dahil sa gulat kaya napatingin sakin yung ibang tao.

"Bakit napakakulit mo? Ha? Diba pinagsabihan na kita na kapag lalabas ka ng bahay magsabi ka sakin? O di kaya magpasama ka. Alam mo naman na baka totohanin ni Michaela yung binanta nya sayo eh. Tamara, makinig ka naman sakin pwede? Paano kung hindi ko nalaman na wala ka na pala sa bahay? Paano kung hindi ko narinig yung tunog nung kotse? Paano kong tuluyan kang nakuha nyang lalaking yan? Paano ka nalang? Paano ka namin mahahanap? Alam mo bang pinag alala mo ako? Ha? Alam mo ba yun?" Sabi nya at halata mo sa mukha nya na sobra nga sya nag alala.

"Sorry." Yan lang ang salitang lumabas sa bibig ko at yumuko.

"Tamara, tumingin ka nga sa akin." Sabi nya kaya napatingin ako sa kanya.

"Alam mong sobra yung kaba ko nang nalaman kong umalis ka mag isa? At sobra din yung kaba ko ng makita kong hawak ka ng lalaking yun? Buti nalang at dumating ako kung hindi baka kung ano nang nangyari sayo. Wag mo ng uulitin yun ha?" Sabi nya kaya tumango nalang ako.

"Timothy, sorry talaga. Eh kasi ayaw ko ng abalahin ka kaya umalis nalang ako mag isa." Sabi ko at tumungo ulit

"Kahit kelan hindi ka naging abala sakin." Sabi nya tsaka nya ako hinawakan sa mukha.

"Pero seriously, I'm sorry. Sorry kung napag alala kita. Sorry kong nagpasaway ako sayo. Sorry kong matigas ulo ko. Sorry talaga." Sabi ko.

"Okay lang. Basta wag na wag mo nang uulitin." Sabi nya at niyakap nya ako.

"Oy teka nga lang! Bakit ba naging mabait ka sakin?" Takang tanong ko.

"Bakit? Mabait naman ako sayo dati ah." Sabi nya at tumawa pa sya.

"Tae ka! Bakit nga? Tsaka bakit ka din nag aalala sakin? May gusto ka siguro sakin." Pabiro kong sabi kaya naging seryoso ang mukha nya.

"Mapapaamin pa ako ng di oras aba." Bulong nya pero rinig ko naman kaya natawa ako ng bahagya.

"Tamara, matagal ko na sanang gustong sabihin sayo to eh. Kaso nahihiya ako." Sabi nya. Ano ba yun?

"Ano bang gusto mong sabihin Timothy Angelo?" Tanong ko sa kanya habang nakangiti ng nakakaloko.

"Ah bago yun. May itatanong muna ako." Sabi nya

"Ano na naman? Daming alam aba." Sabi ko.

"Malamang nag aaral. De joke lang. Itatanong ko lang sana kong may gusto ka pa sakin?" Sabi nya na ikinatigil ko.

"May gusto? Wala." Sabi ko at nakita kong lumungkot ang mukha nya. Totoo naman eh, hindi ko sya gusto kasi mahal ko pa rin sya. Hindi naman nagbago yun eh. Kahit na nagkaroon sya nang kahati sa puso ko ng sandaling panahon, nanatili pa rin sya doon. Hindi sya nawala, pati na din sa isip ko. Kaya siguro hindi masyadong masakit nung niloko ako ni Paul kasi hindi lahat ng pagmamahal ko napunta sa kanya.

"Ganun ba? Mahal mo pa din si Paul?" Malungkot nyang tanong.

"Timothy, hindi ko na sya mahal. Hindi din kita gusto,

kasi mahal pa din kita hanggang ngayon." Sabi ko na sya namang ikinagulat nya.

"H-huh? T-totoo yung narinig ko? Hindi ba ako nananaginip?" Sunod sunod nyang tanong kaya hinampas ko sya.

"Aray naman!" Reklamo nya.

"Ayaw mo pang maniwala eh." Kunwari'y nagtatampo kong sabi.

"Joke lang. Syempre naniniwala ako. So?" Sabi nga habang nakangiti.

"So ano?" Ulit ko sa huling sinabi nya.

"Uhmm, pwede na ba akong manligaw?" Diretso nyang tanong. Napaka prangka naman ng isang to.

"Ang panliligaw, hindi yan tinatanong lang, sinasamahan yan ng effort." Sabi ko sa kanya.

"Masusunod po Madam." Sabi nya at tumawa.

"Baliw ka talaga." Sabi ko at sinampal sya ng mahina.

"Baliw sayo." Sabi nya pa.

"Ako nga ay tigilan mo Timothy. Teka, paano na yung sinapak mong lalaki?" Tanong ko sa kanya.

"Nagpatawag na ako ng pulis para hulihin yan. Hayaan mo at malalaman natin kung sino ang may pakana neto." Sabi nya sabay hawak sa kamay ko.

"Oy, masyado kang breezy. Hahaha! Easyhan mo lang." Sabi ko sa kanya.

"Edi easyhan." Sabi nya at inakbayan naman ako.

"Tae ka talaga. Ang bigat bigat kaya ng braso mo. Tanggalin mo nga yan." Reklamo ko. Ang bigat talaga ng braso nya. As in.

"Sige na nga. Kain nalang tayo. Nagutom ako sa pag bugbog dun sa hayop na yun eh." Sabi nya at hinila ako papuntang.....

Jollibee? Dafuq.

"Seriously Timothy? Jollibee talaga? Wala ng iba?" Tanong ko sa kanya.

"Wag ka ng umayaw. Masarap dito lalo na ang chicken nila. Don't worry, lilibre kita." Sabi nya at ngumiti na naman.

"Sana lagi ka nalang ngumiti. Mas lalo kang gumagwapo." Sabi ko at pinisil ang pisngi nya.

"O-ouch! Mashaket!" Sabi nya habang hawak hawak ang pisngi nya na kinurot ko.

"Hahaha! Ang cute mo talaga!" Sabi ko at kinurot ulit ang kabila.

"A-aray! Mashaket sabi eh. Isa pa, hahalikan kita." Ow! Eto na naman sya sa pananakot nya. Wala aking nagawa kundi tumigil. Alam na alam nga talaga ang kinatatakutan ko. Yun ang labi nya.

"Tititgil din pala. Buti naman at takot ka pa rin dun." Sabi nya at tumawa na naman.

Sana lagi nalang ganito.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Last 1 chapter left. Malapit na syang matapos. Kaya need ko ang support nyo guys. May epilouge pa to.

Loving you can hurtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon