Chapter 23:

3 1 0
                                    

4 years later.....

NICOLE'S POV

Apat na taon na pala ang nakalipas. Apat na taon na at ngayon, graduate na ako. May mga project na mga dumadating. Apat na taon na walang Angelo na nagparamdam. Apat na taon akong naghanap, nag antay at umasa. Pero putangina nya! Pare-parehas lang sila.

"Architect Lincoln, are you still with us?" Tanong sakin ng isa sa mga kasama ko sa project. Siya Engineer Blake Asher Lauren. Ang gwapo ng pangalan diba? Gwapo din kasi ang nagmamay ari ng pangalan. Kaso napakasungit.

"I'm sorry. Just go on." Sabi ko at nakinig sa meeting namin.

~~

Matapos naming mapag usapan ang gagawin namin sa project ay agad kaming nagligpit.

"Nicole." Tawag sakin ni Blake.

"Yes Engineer?" tanong ko pero hindi pa ako nakaharap sa kanya kasi nag aayos pa ako ng mga gamit ko.

"Uhmm, sorry sa inaasal ko sayo tuwing meeting." Sabi nya. Hala? Bago to ah. Si Blake Asher, umamo at humihingi pa ng sorry.

"Huh? Ah, okay lang. Sanay na ako." Sabi ko nalang.

"Sanay na sanay ka na talaga sakin? Sorry talaga." Sabi nya ulit.

"Okay lang talaga. Oh, paano una na ako Mr. Sungit!" Pang aasar ko sa kanya.

"Wait! Hatid na kita." Sabi nya habang hinawakan ang kamay ko pero may biglang umalis ng kamay nya sa pagkakahawak sa akin.

"Pre, ako na." Sabi nya.

"Oh, hello Mr. Lewis!" Sarcastic mong sabi sa pangalan nya.

"Tamara." Sabi nya at tumingin sa mga mata ko.

"What brings you here Mr. Lewis?" Sarcastic ko pa ding sabi. Siguro nagtataka na si Blake sa inaasta ko kaya tinignan ko sya at pinakilala ang lalaking ito.

"Uhmm, Blake eto si Timothy Angelo Lewis, classmate ko noong college. Angelo, this is Blake Asher Lauren, kasama ko sa project namin." Pakilala ko sa kanilang dalawa.

"Nice to meet you, Blake." Sabi nya at nakipag-shakehands kay Blake.

"Oh, paano ba yan Mr. Lewis, mauuna na kami ni Blake. Bye." Sabi ko at ipinakita sa kanya ang sweetest smile ko.

Agad kaming sumakay sa kotse ni Blake at pinaandar nya na.

Habang nasa kotse kami, walang nagtangkang magsalita kahit isa sa amin. Pero binasag ko kaagad ang katahimikan na yun.

"Blake, sorry kung inaya kita agad." Sabi ko.

"It's okay. Parang gets ko na ang nangyari sa inyo sa past." Sabi nya kaya nailang ako.

"Pasensya na talaga. Kasi, ah basta inis ako sa taong yun." Sabi ko na halatang bwiset.

"It's okay kung ayaw mong sabihin. I respect your decision." Sabi nya sya sakin at ngumiti. Teka? Ngumiti sya? Shet ampogi nya lalo kapag ngumingiti sya.

"Mapagkakatiwalaan naman kita diba? Kaya sasabihin ko sayo. Pero sa isang kondisyon." Sabi ko. Kaya napa "Huh?" Sya.

"Just always smile. 'Coz it gives you more appeal. Mas lalo kang gumagwapo." May naalala ako dito. Sya. Ang lalaking niloko ako.

"Oh bakit bigla naman ikaw lumungkot? Mag-i-smile na ako para sumaya ka." Sabi nya at ngumiti na naman. Kahit sino sigurong babae ang makakakita sa lalaking to na nakangiti, maiinlove.

Loving you can hurtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon