NICOLE'S POV
Maagang umalis si Angelo kaya hindi ko sya naabutan kasi 7:00 na ako nagising at dahil nga wala kaming pasok dahil may bagyo, nandito pa din ako sa kwarto at nakahilata. Nakakatamad bumangon. Feeling ko ang bigat bigat ng pakiramdam at nilalamig pa ako.
*tok* *tok*
"TAMARA NICOLE LINCOLN, BABANGON KA O BABANGON?" Umagang umaga nambubulabog na naman ang mga bwiset.
Pumunta ako sa pinto at binuksan ang pintuan.
"Anong kailangan nyo?" Walang gana kong tanong. Wala ako sa mood ngayon kaya hayaan nyo na ako.
"Ano yung nabalitaan ko ha?" Mataray nyang tanong habang naglalakad papuntang kama ko, sumunod naman sa kanya sila Therine. Napakabossy talaga neto ni Vera.
Feel at home talaga tong mga to.
"Aba'y malay ko sayo. Ikaw nga ang nakabalita diba? Bakit ako tinatanong mo?" Pabalang kong sagot sa kanya.
"Wag kang pilosopo Nicole ha? Tinatanong ka ng maayos." Sabi naman ni Therine.
"Nasagot ko naman ng maayos eh." Sabi ko sabay pout.
"Yuck Nics. Wag mo ng uulitin ha? Sagwa aba!" Sabi naman netong Sapphire na to.
"Eh kung sapakin kita dyan? May kasalanan ka pa sakin." Sabi ko sa kanya sabay tingin ng masama.
"Sorry na nga eh. Nasa akin yung box. Thanks pala ha?" Sabi nya sabay ngiti.
"Walang ano man." Sabi ko naman.
"Oh, ayaw mo ba talagang sagutin ng maayos ang tanong ko?" Sabat ni Vera.
"Oo na. Sasagot na ng maayos. Break na nga kami. Bwiset sya! Bwiset sila! Bahala silang dalawa sa buhay nila. Hayy! Wag na natin silang pag usapan. Nasisira ang umaga ko." Sabi ko ng nakasimangot.
"Osige. Basta pakain kami." Sabat naman ni Becca. Teka saan galing to?
"Kakadating ko lang." Sabi nya na parang nabasa nya yung nasa isip ko.
"Ah okay. Tara, breakfast na tayo." Sabi ko naman.
"Ah Nics, andyan ba si kuya Troy?" Tanong ni Becca.
"Wala umalis. Bakit?" Tanong ko pabalik.
"May naghahanap sa kanya." Sabi nya.
"Huh? Sino naman?" Tanong ko ulit.
"Basta." Sabi nya at ngingisi ngisi.
"Bahala ka nga dyan. Oh Tara na." Sabi ko at bumaba na kami ng hagdan.
"Nics." Sabi ni Vera at hinawakan ako.
"Oh?"
"Tae, bakit ang init mo?" Sabi nya na halos pasigaw na.
"Grabe ka naman makasigaw. Oh, malamang buhay ako." Sabi ko naman at tumawa.
"Baliw! May lagnat ka. Teka nga lang at, maghahanap ako ng gamot." Sabi naman ni Therine.
"Wala lang to. Tara kain na tayo." Sabi ko.
"Wala ka dyan. Nasaan sila tita?" Tanong ni Sapphire.
"Si mommy nasa, coffee shop. Si dad naman nasa office. Urgent meeting daw. Bakit mo natanong?" Tanong ko sa kanya.
"Syempre. Wala kang kasama dito mamaya." Sabi naman ni Becca.
"Okay lang ako." Sabi ko nalang.
"Hindi ka okay. Teka, may tatawagan ako." Sabi ni Vera.
BINABASA MO ANG
Loving you can hurt
AcakThis story will remind you how much love can affect your entire life. How it will change you from being broken. It will teach us how to fight for the one we love. It will remind us how happy to live in this world. And teach us how to love someone. I...