Special Chapter: Artchie Nathaniel Lewis & Aishaya Nathalie Lewis

2 1 0
                                    

NICOLE'S POV

"Babe! Asan ka na ba? Gutom na ako!" Sabi ko sa kanya. Kausap ko ngayon si Angelo sa cellphone dahil nga nasa farm sya. Bakit? Pinakuha ko ng fresh mango at alamang.

"Wait lang naman, babe. Mahirap kayang akyatin tong puno. Buti kung mababa lang to, eh napakataas ng mga puno dito eh." Sabi nya na halata mong nahihirapan talaga sya. Tingin ko nasa taas pa to ng puno.

"Nagrereklamo ka na ngayon? Ha? Gusto mong wala ka ng maabutan dito sa bahay? Ha? Sumagot ka!" Sigaw ko sa kanya dahil sa inis. Ewan ko ba? Nabubwiset na ako dito kay Angelo. Lagi kasing may angal. Ang hirap din kasi ng naglilihi eh.

"Pasalamat ka mahal kita. At si baby, kundi hindi ko to gagawin." rinig kong sabi nya sa kabilang linya.

"Hoy lalaki! Narinig ko lahat ng sinabi mo ha? Gusto mo talagang wala ka ng maabutan dito." Sigaw ko ulit sa kanya.

"Wag kang sumigaw. Baka mapano ka. Bawal ka nga ma-stress diba? Magpahinga ka na nga dyan at paalis na ako dito. Hayy! Hirap ng buntis." Rinig kong ko pang sabi nya kaya natawa ako.

Tama kayo ng basa. Buntis ako. Halata naman sa kilos ko diba? Halatang halata. Actually kabuwanan ko ngayon at ewan ko kung bakit naglilihi pa rin ako. Ang hirap ng naglilihi, dahil pati mister ko nahihirapan na din sakin. Napakamapili kasi ni baby eh.

*ding, dong*

Halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ko ang doorbell.

Pumunta agad ako sa pintuan at pinagbuksan ang magaling kong mister. Alam ko namang sya yun eh. Wala kasi syang susi ng bahay kasi, kung umuwi yan hatinggabi na lagi kaya kinuha ko sa kanya ang susi para di na sya makauwi ng gabi.

"Napakatagal mong dumating ah! Gutom na kami ni baby!" Sabi ko sa kanya ng makaharap ko sya.

"Sorry na. Mahirap kayang akyatin yung puno dun babe." Sabi nya at inakbayan ako.

"Bitawan mo nga ako. Madami ka bang kinuha? May alamang ba?" Pasigaw kong tanong sa kanya.

"Oo, meron na lahat ng kailangan mo." Sabi nya at pumasok sa loob ng bahay. Hala! Nagalit ata.

"Babe, saan ka pupunta?" Tanong ko habang hinahabol ko sya.

"Kwarto." Sagot nya pero hindi manlang tumitigil.

Hinahayaan ko nalang at pumunta ako ng kusina. Nilantakan ko yung dala nya. Nagalit talaga yun. Ganun yun kapag nagagalit. Hindi namamansin at nagiging cold. Gusto lang ng lambing nun. Hayaan mo mamaya, lalambingin ko sya.

~~

Naubos ko yung limang pirasong mangga na dala nya. Agad akong uminom ng tubig at nag-toothbrush.

Dumiretso ako sa kwarto namin. Buti nalang at bukas kaya nakapasok ako agad.

Nakita ko syang nakahiga habang nakataklob ng kumot ang buo nyang katawan. Anong trip netong lalaking to?

"Babe?" Tawag ko sa kanya

"Babe? Babe? Sorry na oh. Alam ko namang nahihirapan ka na eh kaya nga humihingin na ako ng sorry eh." Sabi ko habang pinipilit kong tanggalin ang kumot. Nang matanggal ko lalo akong nabwiset ng makita ko ang pagmumukha nya.

"Walangya ka talagang lalaki ka! Lakas ng trip mo! Bwiset ka! Ahhhh!" Sabi ko habang sunod sunod ang paghampas ko sa kanya.

"Babe, tama na. Masakit eh." Sabi naman nya habang sinasalag ang mga hampas ko.

"Pisti kang hayop ka! Todo hingi ako ng tawad pero nakangisi ka na pala? Pinagtitripan mo talaga ako eh!" Inis na inis kong singhal sa kanya.

"Sorry na po. Tinry ko lang naman kung susuyuin mo din ako eh." Sabi nya habang nagpa-pout.

"Wag mong gawing matulis yang nguso mo at baka hiwain ko yan." Inis ko pa ding sabi.

"Sorry na babe. Sorry na kasi." Sabi nya at niyakap ako.

"A-aray ko! A-aray!" Sigaw ko sa sakit.

"Sorry. Hindi ko sinasadya." Sabi nya habang hinihimas ang tyan ko

"T-tanga ka! Ma-manganganak na ako! Timothy! Manganganak na ako! Aray!!" Sigaw ko ulit dahil nga sa sakit ng tyan ko.

"Ha? Ano? Manganganak ka na? Ha? Anong gagawin ko?" Taranta nya sabi.

"Tae Angelo! Manganganak na ako! Dalhin mo ko sa ospital! Pisti ka talaga!" Sinabunutan ko sya dahil sa inis ko. Napakamorma kasi!

"Oo! Saglit. Sa ospital kita dadalhin. Pigilan mo muna babe. Wait lang." Tarantang taranta na sya at yung mukha nya. Pfffft! Hahaha. Ang epic.

"Tara na babe. Wait lang." Sabi nya saka inalalayan akong lumabas.

Sumakay kaming kotse at pinaharurot nya ito.

"Walangya Angelo! Masakit na! Aray!!" Ang sakit na talaga nya!

"Saglit lang naman. Oh, binibilisan ko na babe." Sabi nya.

~~

Nakarating agad kami ng ospital ng wala pang 15 minutes.

"Dok! Dok! Yung asawa ko manganganak na! Bilisan nyo!" Sigaw nya sa labas ng ospital at agad namang may lumabas ng stretcher.

Inihiga nila ako dun at dinala sa may operating room.

Ni-ready ng doktor ang mga gamit at sinimulan na nila. Kasama ko sa kwarto si Angelo. Pwede naman daw kaya nandito sya.

"Okay, misis. Inhale, exhale." Sabi ni doktora

"Babe, relax okay?" Sabi nya kaya tumango ako.

"Pag kabilang ko ng tatlo, umire ka, okay?" Sabi nya sa akin kaya tumango nalang ulit ako.

"Okay, 1, 2, 3!"

"Ahhhhhhh!" Sigaw ko.

"Isa pa misis. 1, 2, 3!"

"Ahhhhhhhhhh! Walangya ka Angelo! Kung alam ko lang na ganito kasakit ang magbuntis, edi sana hindi nalang ako pumayag! Bwiset ka! Hindi ka na makakaulit! Tandaan mo yan." Sigaw ko sa kanya habang kinukurot ko sya.

Narinig kong may umiyak na bata kaya napangiti ako. Anak ko. Napakasarap pakinggan ang iyak nya. Nagmistulang musika sa mga tenga ko ang iyak nyang iyun.

"Misis, isa pa. 1, 2, 3!" Sigaw ni dok. Teka? Kambal ang anak ko? Omyghad! Yan ang napapala ng hindi nagpapacheck up.

Umire ulit ako. At may isang bata na naman ang narinig kong umiyak. Mga anghel ko.

At nagdilim bigla ang paligid ko.

~~

Unti unti kong minulat ang mga mata ko at sa pag mulat ko, nakita ko agad ang mag-aama ko.

"Hi mommy." Sabi ni Angelo habang nakangiti tinitignan ako.

"Loko ka." Sabi ko at tumawa.

"How are you babe?" Tanong nya.

"I'm okay." Sabi ko at biglang bumukas ang pinto.

"Hello babies! Hello Nics! Hello Gelo!" Bati nila sa amin. Sino pa ba? Edi ang mga baliw naming mga kaibigan.

"Anong ipapangalan natin sa kanila babe?" Tanong nya sakin.

"Gusto kong pangalan nila, kasunod ng initials ng pangalan natin. Angelo and Nicole kaya para sa boy baby natin, Artchie Nathaniel while kay baby girl naman Aishaya Nathalie." Nakangiti kong sabi habang tinitignan ang dalawang munting anghel na nasa tabi ko.

"Very beautiful names for them." Sabi nya naman at hinalikan ako sa pisngi.

Artchie Nathaniel & Aishaya Nathalie Lewis are our lovely children. Manang mana si Nathan kay Angelo habang sakin naman nagmana si Aisha.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Morma po ibig sabihin nun ay bobo. -©Sid Johan Añonuevo

Loving you can hurtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon