ANGELO'S POV
Ang daldal talaga ng bunganga ko! Fvck! Fvck! Fvck! Pero baka hindi nya naman narinig noh? Tama, hindi nya narinig.
Pero paano naman pag narinig nya? Hindi naman siguro.
Ay, bwiset! Nababaliw na ako kakaisip dun sa sinabi ko.
*tok,tok,tok*
"Sino yan?" Tanong ko at bumangon sa kama ko.
"Si Trixie to." Ang kambal ko lang pala na pasaway.
"What do you what?" Tanong ko ng mabuksan ko ang pintuan.
"Pa-facebook lang. Nawalan ako ng internet eh." Sabi nya at bumasok dire-diretso sa kwarto ko. Tamo tong taong to! Naku! Kung di ko lang to kambal, kinutusan ko na to.
"Bwiset ka talaga sa buhay ko noh? Lagi ka nalang epal." Sabi ko at tumalon sa kama ko.
"Alam ko. Hahaha! At alam ko ring di mo ko matitiis." Sabi nya.
"Mukha mo." Yan nalang ang nasabi ko.
"Maganda." Talaga namang nang-iinis to eh.
"Bahala ka nga sa buhay mo! Matutulog muna ako. Wag kang magkakalat ha?" Paalala ko sa kanya.
"K fine." Sagot naman nya.
Dumapa ako at nagkumot. Papikit na sana ako ng....
"GELO! GELO! GELO!" Sigaw nya habang inuuga ako.
"ANO?! DIBA SABI KO WAG MO KONG KUKULITIN?! ANO BANG KAILANGAN MO NG MAKATULOG NA AKO!" Sigaw ko ng makabangon ako sa kama.
"Ang ingay mo naman! May itatanong lang ako." Sabi nya.
"ANO NA NAMAN YUN?!" Inis ko pa ring sabi.
"Hinaan mo lang muna ang boses. Itatanong ko lang kung kilala mo ba yung lalaking kasama ni Nicole." Sabi nya na ikinagulat ko.
"Saan? Sino? Ituro mo kung saan! Nasaan?" Sunod-sunod kong tanong.
"Easy! Hahaha. Nahahalata ka masyado kambal!" Natatawang sabi nya.
"SABING SAAN MO NAKITA EH!?" Inis kong tanong ulit sa kanya.
"Buksan mo fb mo." Pagkasabi nya nun ay dali dali kong binuksan ang fb ko.
Nang mabuksan ko ang account ko...
Tamara Nicole Lincoln added a new photo.
With this handsome guy, Paul Lawrence B. Castro. ❤❤
Yan ang caption ng picture nilang dalawa, nakaakbay sa kanya si Paul habang nakahawak naman sya sa bewang ni Paul. Todo ngiti pa silang dalawa. Tsk! Kaya pala atat na atat akong paalisin, may date pala sila.
"Kambal, baka naman matunaw na yang dalawang nasa picture kakatitig mo." Biglang sabi ni Trixie.
"Tss! Ano namang pakialam ko sa kanila?" Patay malisya kong sabi.
"Nangangamoy selos sa kwarto mo Gelo." Pang-aasar nya pa.
"Di ko maamoy. May sipon kasi ako." Kunwari pinupunasan ko ang ilong ko.
"Gelo, si Nicole nai-message ka." Sabi nya habang tinuturo ang screen ng laptop ko.
"Talaga ba? Edi wow, Trix!" Sabi ko at nahiga ulit sa kama.
"Gelo, totoo nga!" Pangungulit nya pa rin sakin.
"Bahala ka sa buhay mo. Wag ka malikot matutulog na ako!" Inis kong sabi sa kanya.
"Bahala ka rin." Sabi nya.
~~
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.
Bumangon ako ng kama at dumiretso sa banyo para maghilamos. Pagkatapos kong maghilamos ay dumiretso na ako ng kusina para kumain.
Pagkababa ko ng hagdan narinig ko sila mama na pinag-uusapan na naman ang tungkol dun.
"Hon, kailangan ng makasal nila Angelo at Michaela sa lalong madaling panahon." -Papa
"Hindi ba muna natin ipapaalam sa mga bata. Baka mabigla sila." -Mama
"Nakapagdesisyon na naman diba si Angelo? Nauunawaan na naman nya ang mga nangyayari. Pinangako nya yun sa lolo nya." -Papa
"Oo, alam ko yun. Pero sana dalawa sila ang kausapin natin." -Mama
"Paano ang negosyong pinundar ni Papa? Ano yun, basta-basta nalang mawawala na parang bula. Ang pamilya lang ni Michaela ang makakatulong satin. Tutal, sila namang dalawa diba? Edi mas maganda yun. Hindi na tayo mahihirapan." -Papa
"Oo nga pero masyado pang maaga para pagplanuhan yang bagay na iyan." -Mama
"Ma, Pa, okay lang po sakin na magpakasal dahil yan po ang sinabi ko kay lolo. Pero sana po, wag muna natin pag-usapan yan ngayon. Masyado pa po kaming bata at masyado pang maaga para sa bagay na yan." Singit ko sa usapan nila.
"Anak, mas mabuting maaga natin planuhin lahat para na rin sa kumpanya natin." Sabi ni Papa.
"Pa naman, wala na bang mas importante sa inyo kundi yang kumpanya? Ako ba inisip nyo muna, Pa? Hindi diba? Tignan nyo, ayaw nyo ngang ipaalam muna sakin na nagpaplano na pala kayo ng kasal eh." Galit kong sabi.
"Para din naman sa inyo to. Iniisip lang namin ng Mama nyo ang kinabukasan nyong dalawa. Intindihin mo na lang tutal pinangako mo naman sa lolo mo na magpapakasal ka kay Michaela. Ang pamilya nya lang ang makakalutas ng problema natin sa kumpanya. Kapag nag-merge na ang company ng pamilya natin at pamilya nya, maso-solve na ang problema natin anak. Kaya sana naman makinig ka samin." Paliwanag naman ni Papa.
"Oo nga anak. Intindihin mo nalang ang mga nagyayari please? Ginagawa naming dalawa ng papa mo para gumanda ang bujay nyong magkapatid. Kaya kami naman ngayon ang humihingi ng pang-unawa. Sundin mo nalang kung anong gusto ng Papa mo, sundin mo rin ang huling kahilingan sayo ng lolo mo. Alam naming hindi madali ang pagpapakasal kaya pagpaplanuhan natin yan ng mabuti, kung kailangang kasama ang pamilya ni Michaela isama natin para kung ano talaga ang date ng kasal ay mapag-usapan na." Sabi naman ni Mama.
"Kayo pong bahala Ma, Pa. Basta po pagkagraduate ko nalang ganapin ang kasal. Ayaw ko pong masira ang pag-aaral ko kaya kung pwede lang after ng graduation namin ng college ako magpapakasal. Wag po kayong mag-alala, tutuparin ko ang pinangako ko kay lolo. Sige po, punta lang akong kusina." Sabi ko at tumango sila.
Dumiretso akong kusina para kumain. Ughh! Wtf.
Lord, guide me please?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Alam nyo na ang dahilan kung bakit hindi pwedeng maging si Angelo ni Nicole.
Sana patuloy nyo pa ring basahin tong story ko kahit mabagal ang update. :)
BINABASA MO ANG
Loving you can hurt
RandomThis story will remind you how much love can affect your entire life. How it will change you from being broken. It will teach us how to fight for the one we love. It will remind us how happy to live in this world. And teach us how to love someone. I...