Chapter 4:

35 4 0
                                    

NICOLE'S POV

Pagkatapos ng aming kadramahan session kanina sa school garden, dumiretso na kami sa sunod naming klase.

"Guys, nagugutom ako." Litantya ni Becca. 'Tong babae talagang 'to. Ang takaw kahit kelan.

"Becca, kakakain pa lang talaga natin. Alam mo yun?" Sabi naman sa kanya ni Catherine.

"Talagang di pa ako nakakain, dahil sa naganap na walk-out ni Nicole." Nanlulumong sabi nya.

"Sorry Becca. Hehehe!" Sabi ko at nag-peace sign kay Becca.

"Okay lang. Daan nalang tayong cafeteria." Sabi nya.

"Sure. Let's go!" Sabi ko at hinila sya papuntang cafe.

"Hoy, antay!" Rinig kong sigaw ng mga kasama naming baliw.

~~

Nakapila kami ngayon ni Becca para umorder ng pagkain habang yung iba nasa labas, ayaw daw nilang umorder.

"Nics, what's yours?" Tanong ni Becca.

"Burger and coke nalang siguro ang akin." Sabi ko sa kanya.

"Ah, okay."

Pagkatapos naming umorder ay lumabas na kami na cafe.

"Oy, oy, oy! Ba't di nyo ko binili?" Salubong samin ni Carey.

"Nagsabi ka ba?" Tanong ni Becca.

"Oo nga tsaka sabi nyo ayaw nyong umorder eh." Hirit ko din.

"Sila lang yun, gutom din kaya ako." Maktol nya pa.

"Bahala ka bumili ng iyo."

"Becca, pahingi nalang ako ng iyo!" Habol ni Carey sa papaalis na si Becca.

"Tse! Bumili kang iyo."

Hayy, naku! Mga baliw po yung mga yun!

"Hi, Nics!" Huh? Sino yun?

Paglingon ko...

"Oh, Paul! Hi." Si Paul lang pala. Kaibigan ko. Or should I say bestfriend ko. Hahaha!

"Nasan sila Vera? Di mo ata kasama." Takang tanong nya sakin.

"Ayun, nauna na. Alam mo naman yung mga yun." Sabi ko.

"Hahaha. Sabay na tayo, anong next class mo?" Tanong nya.

"Calculus. Ikaw?"

"Edi sabay na talaga tayo! Parehas tayo ng next class eh. Ay, akin na yang hawak mo. Ba't ngayon ka lang kakain?"

"Nawalan ako ng gana kanina eh." Sabi ko nalang.

"Hahaha. Bakit naman?"

"Wag mo ng alamin."

"Ah, mukhang alam ko na. Si Angelo at si Michaela noh?" Tong isang to talaga!

"How did you know?" Takang tanong ko.

"Sino pa ba ang makakapagpa-bad mood sayo kundi yung dalawang yun lang." Naku, kilalang kilala talaga ako neto.

"Di mo naman ako masyadong kilala nyan?"

"Hahaha. Kilalang kilala na talaga kita Nicole. Kaya nga alam ko lahat na sikreto mo eh." Sabi nya na ikinatawa namin pareho.

"Excuse me, harang kayo!" Nagulat ako sa boses na yun. Kilalang kilala ko kung kanino yun!

"Sorry pre. Sige, pwede ka ng dumaan." Sabi ni Paul at nag-give way pa.

"Sorry Angelo." Sabi ko nalang. Yes, si Angelo po yun.

"Sa susunod kasi kung maglalandian kayo wag sa pintuan!" Inis na sabi nya.

"Aba't loko ka pala eh. Humihingi na nga ng sorry ikaw pa tong galit!" Inis ko ding bulyaw sa kanya.

"Wag kasi kayong humarang sa pinto. Alam nyong daanan dun pa kayo maglalandian. Sa susunod, maghanap kayo ng private room para dun nyo ipagpatuloy yang kalandian nyo!" Sira pala ulo neto eh.

"Eh, gago ka pala pare eh!" Sigaw ni Paul at sinuntok si Angelo na nagpatumba sa kanya.

"Ikaw ang gago! Ba't ka nanununtok?" Inis na tumayo si Angelo at akmang susuntukin nya si Paul pero pinigil ko at humarang kay Paul.

"Sige, suntukin mo ko. Kaya mo? Ha? Napakatapang mo ah. Kala mo kung sino ka! Baka wala kang binatbat sakin. Ano laban ka? Palag ka? Sige, sugurin mo ako! Sapakin mo. Bugbugin mo! Tutal matapang ka eh. Magaling ka! Sige, sakin mo ibuhos yang galit mo! Sakin mo ibuntong lahat! Malandi kami diba? Ayaw mo sa malandi? Sige, bugbugin mo ang malanding tulad ko. Pagkatapos mo akong mabugbog sino sunod? Si Paul? Kala mo kung sino kang magaling! You're getting on my nerves, Lewis!" Galit na sabi ko sa kanya. First time kong magalit sa kanya ng ganito. Bakit ikaw? Di ka ba magagalit pag sinabihan ka ng malandi? Of course, magagalit ka diba? Tataas talaga ang dugo mo pag narinig mong sinabihan ka ng malandi. Aba! Pinalaki ako ng maayos ng mga magulang ko hindi para sabihan ng malandi ng isang lalaking gag*!

"Umalis ka dyan, hindi ikaw ang kalaban ko!" Sabi nya habang hinahatak ako.

"Bitawan mo ako! Ano bang problema mo ha?!" Inis kong tinabig ang kamay nya.

"Yang gag*ng yan eh! Nanununtok kaagad! Akala mo kung sino!" Sabi nya habang dinuduro duro si Paul.

"Tanga ka pala eh. Pagkatapos mo kaming sabihan ng hindi magagandang salita, dapat lang sayo yan! Gag*!" Galit ding dinuro ni Paul si Angelo.

"I'm just stating the truth!" Sabi nya at ngumisi.

"Eh, tarantado ka pala talaga eh!" Ngayon, ako naman ang sumugod. Buti nalang at pinigil ako ni Paul dahil nandyan na ang mga guards.

"Anong kaguluhan to?" Tanong kaagad ng isa sa mga guard.

"Wala po kuya. Nag-aasaran lang po kami." Palusot ni Paul.

"Opo, totoo po yun." Dugtong ko din.

"Sigurado kayong walang kaguluhang nagaganap dito?" Paninigurado ng isa sa guards.

"Opo!" Sabay naming sabing tatlo.

"O, sige. Ireport nyo sakin pag may gulo dito." Sabi nito.

"Yes po. Sisiguraduhin po namin na walang gulong mangyayari dito." Sabi ni Paul.

"Mabuti kung ganun. O paaano, aalis na ako. Sabihin nyo kaagad kapag may nanggulo dito ha?" Paalala nya ulit sa amin.

"Yes po."

"Tara na Nics, siraulo ang kasama natin dito." Aya sakin ni Paul.

"Tara na nga. Late na tayo!" Sabi ko at kumapit sa braso ni Paul.

Nilingon ko muna si Angelo at bumelat sa kanya. Ngumisi lang ang sira ulo! Bwiset na araw to!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sorry sa super tagal na update. Madami lang pong ginagawa sa school. Sorry sorry sorry po talaga!

Please always support and vote! Thank you and Love ko kayo.

Loving you can hurtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon