Chapter 19:

5 1 0
                                    

NICOLE'S POV

Bukas na pala. Bukas na. Pero bakit ba ako apektado? Apat na buwan na ang nakalipas, di pa din ako nakaka-move on? Nakamove on na ako noh.

Tsaka bakit ko ba sya iniisip. Ikakasal na yun bukas at may boyfriend na din ako. Bakit ko pa pinoproblema yun? Teka, si Paul ba yun? At bakit kasama nya si,

Michaela? Anong ginagawa nilang dalawa dun at bakit magkahawak pa ang kamay nila? Dafuq! Malandi talaga ang bruha.

Lumapit ako sa kanina at hinila sa buhok si Michaela.

"Aba't napaka kapal din talaga ng pagmumukha mong babaita ka noh? Ano't nilalandi mo tong boyfriend ko?!" Gigil na gigil kong sabi habang hawak pa din ang buhok nya.

"A-aray ko! Masakit ha?" Sabi nya habang pilit na tinatanggal ang kamay ko sa pagkakasabunot sa kanya.

"Alam ko. Kaya nga ginagawa ko to diba? Tanga ka ba o tanga ka lang?" Sabi ko sa kanya.

"Ano ba Nicole? Stop it! Nasasaktan na sya!" Saway sakin ni Paul.

"Eh isa ka pa palang malandi ka eh. Alam mong may girlfriend ka, tapos kasama mo pala tong ahas na to?" Sabi ko naman kay Paul sabay sampal.

"Ano bang paki mo? Tsaka hindi naman ikaw ang mahal ko eh. Sya! Si Michaela." Sabi nya na ikinagulat ko.

"A-ano? N-nagbibiro ka lang d-diba? Di t-totoo yang mga s-sinasabi mo Paul." Sabi ko habang pinipigil ang luha kong bumagsak.

"I'm serious Nicole. Kaya lang naman kita naging bestfriend, niligawan at naging girlfriend para pagselosin si Michaela eh. Your just nothing to me." Sabi nya at tuluyan ng bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigil.

"Wow ha? Just wow, Paul! Tangina mo! Fvck you ka! Napakawala mong kwenta. At ikaw naman." Sabi ko sabay turo kay Michaela.

"Malandi kang tarantado ko! Lahat nalang inagaw mo. Para kang sawa! Kung makalingkis ka, parang wala ng bukas! Masyado kong makating hayop ka. Mga fvck sh*t kayo!" Sabi ko at tumakbo.

Kahit sino ang nabubunggo ko, wala akong pakialam. Nasaktan ako. Niloko. Pinaglaruan. Mga tangina nila! Hindi ko na alam kung saan ako umabot basta ang alam ko lang ay nasa isang park ako at nakaupo sa bench.

Iyak lang ako ng iyak ng maramdaman kong may bumabagsak ng tubig. Uulan pa ata. Nakisabay pa sa akin ang ulan. Lumakas ang ulan pero nandito pa rin ako sa bench. Wala akong paki kong basang basa na ako.

Naramdaman ko nalang na parang tumila na ang ulan at tumingala ako. Hindi pala tumila, may payong lang na nagtakip sakin.

"Malakas ang ulan pero nandito ka pa din. Magkakasakit ka nyan." Sabi nya.

"Wala kang paki." Mataray kong sabi sa kanya.

"Kung magkakasakit ka, edi sabay tayong magkasakit." Sabi nya sabay tawa.

"Wag mo nga akong pinagtitripan Angelo! Pag nagkasakit ka, paano na ang kasal mo? Baka di yan matuloy." Sabi ko.

"Di naman talaga yun tuloy eh." Sabi nya na ikinatingin ko sa kanya.

"What do you mean?" Takang tanong ko.

"Hindi na gustong matuloy ni papa ang kasal dahil nalaman nyang ang pamilya pala ni Michaela ang may kagagawan kung bakit nalugi ang kompanya namin." Sabi nya na mas lalong ikinagulat ko.

"Eh diba mahal mo yun? Bakit di mo ipaglaban?" Tanong ko. Di ko alam kung bakit may biglang kumirot sa puso ko ng itanong ko yun.

"Sinong may sabing mahal ko sya? Hindi na. May mahal akong iba at ikaw yun." sabi nya. Mahina yung huling sinabi nya pero sakto lang para marinig ko.

"Ah ok." Sabi ko nalang dahil medyo awkward.

"Tumayo ka na dyan at ihahatid na kita sa inyo. Masyado ng madilim at basang basa ka pa." Sabi nya at inalalayan akong tumayo.

"Salamat." Yun nalang ang nasabi ko at tuluyan na kaming umalis.

~~

Pagkarating namin sa bahay ay lalong lumakas ang ulan.

"Timothy, pasok ka muna at magpatila ng ulan." Sabi ko na kinatulala nya. Bakit? May nasabi ba akong hindi maganda?

"Hoy, ano't tulala ka dyan?" Sabi ko at mukha namang bumalik sya sa kanyang katinuan.

"Ah. Sorry. Ikaw lang kasi ang tumawag sakin ng Timothy." Sabi nya at napatango nalang ako.

"Ah ok. Tara na, pasok na muna tayo at baka magkasakit pa tayong dalawa." Sabi ko at tumawa ng mahina.

"Oo nga. Tara na." Sabi nya at pumasok kami sa bahay.

"Oh anak, sino itong gwapong binata na ito?" Tanong ng papa ko.

"Ay, Dad. This is Timothy Angelo my---"

"Boyfriend mo ba itong gwapong bata na ito anak?" Di pa tapos ang sasabihin ko ng biglang sumulpot si mommy.

"Ma! Hindi ah. He's my classmate. Hinatid nya lang ako kasi nga gabi na at mag isa lang ako uuwi. Ah, wait lang magbibihis lang ako." Paliwanag ko.

Agad akong nagbihis sa kwarto bumaba din agad.

"Ah. Oh hijo, halika at makapagdinner na tayo. Sumabay ka na samin." Sabi ni dad.

"Naku, wag na po. Nakakahiya naman sa inyo." Sagot naman nya.

"Wag ka ng mahiya. From now on, part ka na ng family namin. Tsaka mukhang di ka na makakauwi, may bagyo daw sabi sa balita at baha ang ilan sa mga main road dito." Sabi naman ni mama. Ano ba naman yan. Imbis na nakapagpahinga na to si Angelo, pina-stay pa nila. Pero tama naman si mama, malakas ang ulan at mukhang hindi na makakadaan ang sasakyan na dahil sa baha.

"Oo nga. Tama si mommy. Dito ka nalang muna matulog. Dun sa may guest room." Sabi ko naman.

"Ah, eh. Sige po. Tatawagan ko nalang sila papa sa bahay mamaya." Sabi nya at ngumiti. Naku po! Mukhang mahuhulog na naman ako, doon ulit sa parehong tao.

"Oh, tara na. Handa na ang mga pagkain. Kumain na tayo. Anak, tawagin mo na ang kuya mo. Andun sa kwarto nya natutulog." Sabi ni mama.

"Yes ma." Sabi ko at pumunta sa kwarto ni kuya.

Saktong pababa na sya kaya sinabi ko na sa kanya.

"Hi, my handsome brother. Kakain na daw." Sabi ko at ngumiti.

"Wag ka ng mangbola pa. Tara na. Narinig ko ang boses ni Angelo ah. Nandito ba sya?" Tanong nya bigla.

"Oo. Hinatid nya ako. Tsaka dito sya matutulog." Sabi ko habang pababa kami ng hagdan.

"Yes! May kasama akong maglalaro." tuwang tuwa nyang sabi. Isip bata talaga kahit kelan.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Last 4 chapters. Huwee! Malapit ng matapos ang first story ko kaya, guys! Support me and my story.

Loving you can hurtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon