NICOLE'S POV
After naming kumain sa resto ay umuwi na agad kami.
Nasa kwarto ako ngayon at gumagawa ng assignment ng biglang tumunog ang cellphone ko.
Tinignan ko pero text lang at number lang ang nakalagay.
From: +63935*******
Anong assignment natin
-Angelo gwapo :)
Biglang kumabog ng napakalas ang dibdib ko ng mabasa ko kung sino ang nagtext. Hindi ko namamalayan na nakangiti na pala ako pero agad din namang nabura yun ng maalala ko yung kasalanan nya.
To: +63935*******
Who's this??
Reply ko sa kanya kunwari'y hindi ko sya kilala.
Agad din namang nagreply ang kumag.
From: +63935*******
Didn't you read it? It's Angelo!
Alam kong asar na to.
To: +63935*******
There are lot of Angelo in the whole world, jerk! So, who's Angelo are you?!
Reply ko sa kanya.
From: +63935*******
It's Timothy Angelo M. Lewis! Arrggh! So, please answer my question now!
Pustahan tayo, umuusok na ilong neto sa inis. Hahaha! Buti nga sa kanya.
To: +63935*******
Why would I answer your question?
Reply ko sa kanya. Tignan natin kung di pa sya magalit ng tuluyan.
From: +63935*******
Oh, please Nicole! Just answer it! God dammit!
Pikon talaga to kahit kelan.
To: +63935*******
It's not my problem anymore if you don't know our assignment! :P
At mas mabilis pa ata sa kidlat to kung magreply.
From: +63935*******
Tss! Di mo ba talaga sasabihin?
Nanghahamon pa ata tong isang to.
To: +63935*******
Hindi. Manigas ka!
Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi pa rin nagrereply ang kumag. Anyare?
*tok, tok, tok,*
"Who's that?" Tanong ko ng marinig ko ang katok sa pinto.
"Ma'am Nicole, may naghahanap po sa inyo doon sa baba." Sabi ni Manang Gina, kasambahay namin.
"Okay po Manang, pakisabi baba na po." Sabi ko nalang at nag-ayos ng sarili bago bumaba.
~~
Pagkababa ko ay dumiretso ako sa sala para alamin kong sino ang nasabing bisita ko daw.
Nang makarating ako sa sala laking gulat ko nalang ng makita ang nakatalikod na isang lalaki na kilalang kilala ko ang tindig.
"A-anong g-ginagawa m-mo dito?" Kabadong tanong ko sa kanya.
"I'm here to personally ask to you what are our assignments." Nakangiting tugon ng kumag.
"I said, it's not my problem anymore if you don't know our assignments." Nakangising sabi ko sa kanya.
"Don't be like that Tamara. Be kind to me." Sabi nya ng may nagpapaawang tingin. Kala siguro ng isang to maaawa ako sa kanya. Nevah! (Never)
"Wag ka ngang OA. Don't be like that ka pang nalalaman. Tse!" Sabi ko sabay irap.
"Oh, kita mo na. Ba't ba ang init init ng ulo mo? Dahil ba dun sa nasabi ko sayo kanina?" Tanong nya.
"Sa tingin mo?" Sarkastikong wika ko.
"Okay, I'm sorry if I said that. Talagang bad mood lang ako nun at sa inyo ko nabuntong ang galit ko." Paliwanag nya.
"Ba't sakin mo lang sinasabi yan? Kay Paul, hindi ka manghihingi ng sorry? Manghingi ka din sa kanya ng sorry bago kita patawarin." Sabi ko at naglakad papuntang kusina. Nagugutom ako kaya wag kayong mangialam.
"Sige, manghihingi ako ng tawad sa kanya kung yan ang gusto mo." Sabi nya habang nakabuntot sakin.
"K fine. Umalis ka na, makita ka pa nila mommy mapagkamalan ka pang boyfriend ko." Sabi ko habang kumukuha ng makakain sa ref.
"Edi, mabuti. Para makilala ko na rin ang future mother-in-law and father-in-law ko." May sinabi sya pero hindi ko marinig dahil alam kong bulong yun at sinadya nya talaga.
"Anong binubulong bulong mo dyan?" Tanong ko.
"Wala. Penge kako ng pagkain. Kanina pa ako di kumakain eh." Sabi nya habang nagbubukas ng ref namin. Kapal ng mukha neto oh!
"Hoy, kumag! Sayo tong bahay? Nakakahiya naman sayo Timothy!" Inis kong sabi sa kanya.
"What did you call me? T-timothy?" Tanong nya.
"Oo, yun naman talaga ang pangalan mo diba? Timothy!" Sabi ko.
"Tamara, please say it again." Nakangising sabi nya.
"Don't call me Tamara, We're not close. Tsaka bakit ko naman sasabihin ulit yun? Para kang t*nga." Sabi ko habang kumakain ng sandwich.
"We're too close, don't you know? Tignan mo oh, mqgkadikit na nga tayo halos eh." Sabi nya at tawa pa ang loko.
"Siraulo! Lumayo layo ka nga sakin at baka kung ano pa ang magawa ko sayong kumag ka!" Sabi ko habang tinutulak ko sya.
"Ang hard mo naman sakin. Sabihin mo na kasi sakin yung assigent natin ng di na kita kulitin. Please Tamara?" Sabi nya.
"Di ko na kasalanan kung di ka nakinig sa Prof. natin. Tulog ka kasi ng tulog, yan ang napapala mo!" Sabi ko pero sa pagkain parin ako nakatingin.
"Di ako natutulog. Boring lang talaga sila magturo kaya ako nakatungo sa desk." Depensa nya pa.
"Mukha mo! Dapat kasi nakikinig ka lagi ng malaman mo lahat ng mga gagawin natin. Tss!" Sabi ko at inirapan sya.
"Oo na. Makikinig na ako pero ngayon pakopya ng assignment ha?" Sabi nya ng nakangiti.
"NO! BAWAL! DI PWEDE!" Sigaw ko sa kanya.
"Aray naman! Nakalunok ka ba ng microphone at ganyan ka lakas ang bunganga mo? Pwedeng pakihinaan ang volume? Ang sakin sa eardrums eh." Sunod sunod na reklamo nya.
"WALA KANG PAKIALAM DAHIL BAHAY KO TO AT PWEDE KONG GAWIN KAHIT ANO! KAYA KUNG AKO SAYO, TUMAHIMIK KA NA LANG, UMALIS KA NA DITO AT SIMULAN MO NG GUMAWA NG ASSIGNMENT PARA BUKAS DI KA NA PATANONG TANONG! BWISET KA TALAGA! UGHH!" Sigaw ko ulit. Sakit sa esophagus! Leche! Ba't pa kasi ako sumigaw.
"Sh*t! Pwedeng hinaan mo naman yang boses mo? Alam kong bahay nyo to kaya aalis na ako! Bye!" Nakangiting aso na sabi nya.
"Ay, teka! Bago ako umalis, may sasabihin ako." Pahabol pa nya.
"ANO?!" Sigaw ko ulit.
"I love you!" Sabi nya at tumakbo na palabas. Teka, ano daw? I love you? Tama ba ang narinig ko?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Tama nga ba ang narinig ni Nicole? At ano ang mangyayari kay Angelo at Michaela?
Malalaman natin sa mga susunod na chapters!
Sorry sa tagal ng update.
BINABASA MO ANG
Loving you can hurt
RandomThis story will remind you how much love can affect your entire life. How it will change you from being broken. It will teach us how to fight for the one we love. It will remind us how happy to live in this world. And teach us how to love someone. I...