Chapter 13:

29 2 0
                                    

ANGELO'S POV

Tangna! Anong ginawa ko? What the fvck! Sabi ko titigilan ko na eh pero ano yun ginawa ko? Hinalikan ko sya. Hindi lang isa, dalawa pa! Tangna talaga! Hoooo! Pero, lambot pala ng labi nya. Shet na malagkit! Hoy Angelo tumigil ka nga! Kalalaki mong tao, nababakla ka na naman.

Pero buti nalang talaga at walang tao nung time na yun sa room. Buti nalang at nag-cr nung time na yun si Paul, buti nalang talaga.

"Honey, are you okay?" Tanong ni Mics. Kanina ko pa sya kasama. Nasa bahay kami ngayon at kanina ko pa iniisip yung pangyayaring yun kanina.

"Yeah, I'm fine." sabi ko nalang.

"Are you sure? Kanina ka pa kasi walang kibo dyan eh." Sabi nya.

"Oo nga. Okay lang ako, masyado lang akong stress sa mga paper works sa school."

"Kawawa naman ang honey ko. Do you want me to help you sa paper works nyo?" Paglalambing nya sakin. Nagsisisi ako sa ginagawa ko kay Michaela, ang labas nito sa iba na niloloko ko lang sya.

"Wag na Mics. Alam kong marami ka ring gagawin sa school. I'm fine. Tara, hatid na kita sa inyo." Sabi ko at tumayo sa sofa.

"Okay. Tara." Sabi nya at kumapit sa braso ko.

~~

Nakarating kami sa bahay nila at dumiretso sa sala.

"Gelo, dito ka na kumain nagpaluto ako kay Manang ng paborito nyo ni Michaela." Sabi ni tita, mommy ni Michaela.

"Sige po tita. Salamat po." Sabi ko at umupo sa sofa.

"Pasensya ka na kay mommy ha? Alam ko namang pagod ka na at gusto mo ng magpahinga eh pero si mama alam mo naman yan, ayaw nyang umuwi ka ng di man lang kayo nag uusap." Sabi ni Mics.

"It's okay. Namiss ko na rin naman sila tita at tito eh. Tsaka namiss ko na rin ang luto ni Manang Lydia." Sabi ko ng nakangiti.

"Namiss na rin kita Gelo. Yung dating Angelo na minahal ko, sobrang namimiss ko na. Gusto kong bumalik yung dating Angelo na yun. Yung sobra kung magmahal. Yung ayaw nyang mawala sa kanya yung taong mahal nya. Yung Angelo na kahit madaming ginagawa, ikaw pa rin yung mas inuuna. Angelo, namimiss ko na yung dating ikaw na sobra akong mahal. Yung ako lang yung mahal at wala ng iba, yung ako lang at walang kahati dyan sa puso mo. Gusto ko ako lang Gelo." Sabi nya at niyakap ako.

"Ano ka ba naman Mics, syempre ikaw lang ang mahal ko. Ikaw lang at wala ng iba pa." Sorry Mics. I'm really sorry.

~~

Gusto ko ng magpahinga, nakakapagod masyado tong araw na to.

Habang nagda-drive, hindi ko na napansin na nakarating na agad ako sa bahay namin at sinalubong ng isa sa katulong namin.

"Sir, may bisita po kayo." Sabi nya na ikinataka ko.

"Bisita? Sino naman?" tanong ko sa kanya.

"Si Ma'am Vera po." Sabi nya at pumasok na sa loob ng bahay. Anong ginagawa dito ni Vera?

Pumasok ako sa bahay at nakita ko nga si Vera.

"Oh, Vera. What brings you here?" Tanong ko sa kanya ng makalapit ako.

"Anong what brings you here ka dyan? May kailangan kang sabihin sakin." Deretso nyang pagkakasabi.

"Anong sasabihin ko sayo?" ano nga bang sasabihin ko sa kanya? Wala naman akong sinabi sa kanya na mag uusap kami ah.

"Wag ka na ngang magbulaan Lewis! Bakit mo hinalikan si Nicole?" Tanong nya. Teka? Paano nya nalaman?

"How did---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla syang nagsalita.

"Tangna ka! Nakita ni Michaela! At alam mo ba? Pinagkalat nya na nilandi ka daw ni Nicole! Tangina ka diba? Si Nicole ang lumabas na masama dito! Sya na nga yung agrabiyado, sya pa yung nqgmukhang masama sa mata ng mga tao! Wala ka ba talagang pakialam sa nararamdaman nya? Manhid ka ba Angelo o makasarili lang talaga? Gusto mo kasi ikaw lang yung nakikinabang eh. Gusto mo ikaw lang yung nagpapakasarap sa buhay. Wala kang pakiramdam sa mga taong nasasaktan mo! Masyado kang selfish! Gag*!" Gigil na gigil nyang sabi. Teka, paanong nakita yun ni Michaela? Tsaka bakit hindi manlang sya nagalit sakin kanina?

"H-ha? Eh, kasama ko kanina si Michaela, ang sweet nya pa nga sakin eh." Sabi ko. Totoo naman diba?

"Syempre, kay Nicole nya binuntong yung galit nya. Sobrang napahiya si Nicole, Angelo! Alam mo kong paanong pagpapahiya ang ginawa nya kay Nicole? Ha? Alam mo? Pinagkalat nya yung picture nyong magkahalikan tapos sinampal at sinabunutan nya yung kaibigan ko. Binuhusan ng tubig at tinulak. Kawawa yung kaibigan ko sa leche mong girlfriend na akala mo kagandahan! Mukha namang palaka! Palibhasa may pera kaya nagagawan ng paraan yung mga negative sa katawan nya." Sabi nya na ikinagulat ko. Paano magagawa ni Michaela yun, ang kilala kong Michaela ay mabait at hindi warfreak.

"Paano yun magagawa ni Michaela eh sya ang isa sa mga taong kilala ko na sobrang bait."

"Paano magagawa eh ginawa na nga nya! Tanga mo Angelo! Ang tanga tanga mo! Sobra sobra na yung kagaguhang ginagawa mo sa kaibigan ko. Please tigilan mo na yung pagpapahirap sa kanya pwede?" Sabi nya.

"Sorry." Yan nalang ang nasabi ko.

"Hindi mabubura ng sorry ang lahat ng sakit na dinulot mo sa kanya. Sobrang sakit na ang nararanasan ni Nicole sayo. Kaya pakiusap lang, lumayo ka na sa kanya. Layuan mo na sya pwede?" Sabi nya habang umiiyak. Ngayon ko lang nakita si Vera na umiyak. Kilalang kilala ko na sya. Napakabait talaga. Proud ako sayo pinsan! Yes, pinsan ko sya. Actually, second cousin ko.

"Hayaan mo Vera, simula ngayon hindi ko na sya gagambalain pa. Malaya na sya." Sabi ko at umakyat na sa kwarto ko.

Titigilan ko na talaga. Ayaw ko ng masaktan yung taong mahal ko. At ako na ang gagawa ng paraan para hindi sya masaktan. Sorry Nicole. I love you.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sinipag si Otor (Author). Wag kayong magsasawang basahin ito. Salamat sa votes nyo at sana dumami pa ang votes.

Vote and support!

Vera at the right side ---->

Loving you can hurtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon