ANGELO'S POV
Ang sakit! Ang sakit makitang yakap ng iba yung taong mahal mo. Ang sakit makitang nandyan yung iba para mahalin yung babaeng mahal mo. Ang sakit ding marinig na may mahal ng iba yung taong sobra mong mahal. Ang sakit! Ang sakit sakit pala yun talaga. Parang sinaksak yung puso ko ng ilang libong kutsilyo. Nakakabakla mang sabihin pero totoong ang sakit.
"Iiyak mo lang yan. Kasi kapag nalabas mo na lahat ng nasa loob mo, mababawasan yung sakit na dinadala mo." Sabi ni Trixie. Kanina pa ako nandito sa ilalim ng puno sa likod ng school. Masarap dito, presko ang hangin at walang tao.
"Trix, ang sakit pala talagang makita sya na nasa piling ng iba." Sabi ko kay Trixie habang pinipigilan ko yung luhang kanina pa gustong lumabas.
"Tanga mo kasi eh. Una pa lang sinabihan na kita. Sabi ko sayo ipaglaban mo. Anong ginawa mo? Wala! Nagpadala ka kela papa. Sinunod mo yung gusto nilang pakasalan yung babaeng di mo naman talaga mahal. Una pa lang sinabihan na kita na hiwalayan mo na yang si Michaela. Di mo naman sinunod. Kasalanan mo yan! Bahala ka sa buhay mo. Shunga shunga ka talaga!" Inis nyang sabi sa akin.
"Alam ko lahat yan pero wala akong magagawa. Gustuhin ko mang suwayin sila papa, alam mong hindi pwede Trix. Alam mo din na kapag hindi ko sinunod si papa, may hindi magandang mangyayari. Mahirap suwayin si papa Trix. Kaya kahit anong gawin ko, hindi din naman magiging maayos." Sabi habang nakatungo.
"Yun na nga eh. Alam mong kayang kaya mo silang suwayin, bakit di mo ginawa? Duwag ka kasi. At dahil dyan sa kaduwagan mo, kaya ka nasasaktan. Kaya kayo parehong nasasaktan! Madaming panahon na ang nasayang kambal! Madami na. Kaya please naman, tigilan na ang kaduwagan mong yan. " May point si Trixie. Masyado akong sunod-sunuran sa papa ko kaya ako ngayon nasasaktan. Kaya ako ngayon nahihirapan.
"Oo, duwag na ako. Wala akong kwentang lalaki. Napakawalang kwentang lalaki. Hindi ko sya kayang ipaglaban. Hindi ko manlang masabi sa kanya na mahal ko sya. Kaya hindi ako karapat dapat sa pagmamahal nya." sabi ko at tuluyang tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Talagang hindi ka karapat dapat sa kanya Angelo. Wala syang mapapala sa pagmamahal mo. Duwag ka kasi. Di mo sya kayang ipaglaban kahit na alam mo sa sarili mo na kaya mo, hindi mo pa rin nagawang ipaglaban sya. Hayaan mo na lang sya sa piling ko." Nagulat ako ng makita ko sa harapan ko si Paul. Hinanap ko si Trixie pero hindi ko na sya nakita. Iniwan ako sa gag*ng to. Tsk.
"Wag kang mag-alala Paul, hindi ko sya aagawin sayo. Hindi naman ako karapat dapat sa kanya diba? Wala naman na akong magagawa eh. Masaya na sya sayo at alam kong sayo lang sya parating sasaya. Kaya iyong iyo na sya." Sabi ko at umalis na dun. Ayokong marinig pa ang sasabihin nya.
~~
Umuwi ako sa bahay at dumiretso sa kwarto ko. Nahiga ako sa kama at tumingin sa kisame. Bigla nalang ulit tumulo ang luha ko. Hindi parin maalis sa isip ko yung nga nakita at narinig ko. Ang sakit kapag inaalala ko. Nakakatanga talaga ang pag-ibig. Masyadong makapangyarihan. Lahat kaya nyang masaktan.
*tok* *tok*
Agad kong pinunasan ang luha ko at pumunta sa pinto para pag buksan kung sino man ang nandun.
Nagulat ako ng malaman kong si mama pala yun.
"Ano pong kailangan nyo ma?" Tanong ko sa kanya.
"Nak, pwede ba kitang makausap?" Tanong nya sakin.
"Tungkol saan ma? Pasok po muna kayo." Sabi ko at pumasok kami ni mama sa loob.
"Nak, sa susunod na buwan kasal nyo na. Handa ka na ba?" Tanong nya sakin.
"Alam ko yun ma. Sa ayaw ko man o sa gusto, alam ko namang matutuloy yun eh. Di na magbabago yun ma. Wala akong magagawa. Desisyon ko yun." Sabi ko.
"Nak, pasensya na kung pati ikaw nadamay. Kung hindi lang sana nalugi ang kompanya ng lolo mo, hindi ka na sana nahihirapan ngayon. Hindi ka na sana nasasaktan ng ganito ngayon." Sabi ni mama.
"Okay lang ma. Para naman yun sa inyo eh. Kahit mahirap ako, ayos lang. Wag lang kayo ang mahirapan. Alam nyo naman na mas importante kayo sakin mama." Sabi ko habang pinipigilan kong wag maiyak ulit. Nakakabakla na umiyak.
"Angelo, alam kong nasasaktan ka ngayon. Alam ko lahat lahat, anak. Kaya sana mapatawad mo kami. Dahil sa amin, hindi mo maasikaso ang sarili mong buhay. Hindi mo magawang maging masaya. Kaya nak, kahit ano ang maging desisyon mo, nandito ako at susuportahan kita. Tandaan mo yan anak." Hindi ko na mapigilang umiyak. Tangna! Ang sakit pa rin talaga.
"Salamat ma. Pero handa akong i-sakripisyo ang kaligayahan ko para sa kaligayahan nyo. Mahal ko kayo mama at mas pipiliin ko muna ang pamilya ko kaysa sa kaligayahan ko." Sabi ko at niyakap si mama.
"Salamat anak. Mahal ka din namin. Sana maging masaya ka sa desisyong gagawin mo. Sana wag kang magsisi. Dahil laging nasa huli ang pag sisi." Sabi niya at ngumiti sakin.
"Magiging masaya ako ma kapag nakita kong masaya ang pamilya ko. Ang makitang masaya kayo. Kaya hindi na po magbabago ang desisyon ko ma. Handa na ako." Masaya ako dun pero mas masaya kung magiging okay na ang lahat.
"Sige anak. Basta tandaan mo nandito lang ako para sayo. Nandito lang si mama para sayo Gelo." Sabi niya at niyakap ulit ako ng mahigpit.
"Salamat mama." Sabi ko.
"O sige na. Tawagin mo nalang ako kapag may kailangan ka. Bababa muna ako para makapagluto ng hapunan." Sabi nya at lumabas ng kwarto ko.
"Sige ma. Magpapahinga po muna ako." Sabi ko.
Nang makaalis si mama sa kwarto ko, nahiga agad ako sa kama. Nag isip ng mga bagay na gumugulo sa akin. Mga bagay na bumabagabag sakin.
Panahon na siguro para tanggapin na wala na. Wala nang pag asa na maging kami. Wala nang pag asang sumaya ako. Wala na. Panahon na para tanggapin ang lahat.
Wala nang Nicole sa buhay ko, simula ngayon. Kakalimutan na kita ng lubusan. Tatanggapin ko na na may iba ng pumalit sa puso nya. Maging masaya ka sana sa kanya, Nicole.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Last 7 chapters. Just enjoy and always vote. Lovelotss!
BINABASA MO ANG
Loving you can hurt
RandomThis story will remind you how much love can affect your entire life. How it will change you from being broken. It will teach us how to fight for the one we love. It will remind us how happy to live in this world. And teach us how to love someone. I...