Lyn's POVPagkalabas ko ng gate nila Chaddy.. Agad kong kinuha yung phone sa may pack bag ko..
Hayz! Pang benteng dial na to sa phone ni HendrixMahal
Pero wala talagang nasagot..Ano pa bang aasahan ko di ba? Tsk asan na ba kasi yun!
Tumawag pa ulit ako..
*ring ..ring.. ring ---*
Nagulat ako kasi may sumagot O____O eto na.. Eto na ba ang umpisa ng love story ko with mahal? KYAAAAA!!
Omy! Omy! Wait relax relax lang *^_____^*
"H-hello" utal kong sabi
"Hello? Girlfriend ka ba ng may-ari ng phone na to? Hmmm d na ko magpapaligoy-ligoy"- boses lalake yung nasa kabilang linya pero alam kong hindi si HendrixMahal mahal yun!
Kinabahan ako..wait! Bakit nasa kanya phone ng mahal ko?! At..at girlfriend ? Ahehe osige na nga OO na ^____^
"Dito sa **** Bar .. Lasing na sya kaya pakisundo nalang para kasing wala na sa sarili yung may-ari ng phone na'to eh"
Di ko na sya sinagot ..agad na kong pumunta ..
***
Hingal na hingal akong nakarating sa bar kung nasan andun si HendrixMahal
Hinanap ko sya agad sa paligid.. Nakita ko sya mag-isang nainom .. Lumapit ako
"H-hendrix" tawag ko
Lumingon sya..ngumisi na parang wala na sa sarili.. Napakunot noo ako kasi amoy na amoy ko na sya..
Amoy alak"What are you doing here?"- HendrixMahal
"Ah miss ikaw ba yung kausap ko kanina? Pasensya ka na ah.. Kanina pa kasi yan eh kaya kinuha ko na phone nya sa bulsa"
Di ko sya pinansin sa halip narinig kong nagsalita ulit si HendrixMahal
"I missed her.. So much" sabay inom nya ng alak
"I loved her" dugtong pa nya sabay inom ulit.Napansin kong nailang yung lalakeng kausap ko kanina sa phone kaya umalis sya.
Habang naririnig kong paulit-ulit nyang sinasabi yan, nasasaktan ako.. Nakatayo pa rin akong nasa likod nya at ano pa ba.. Pinapanuod sya..
Inom pa rin sya ng inom.. Ilang bote na ba na sa may table nya? Lima na, pang-anim na tong tinutungga nya ngayon.
"Know what? All my life.. Sya lang ang babaeng minahal ko.. She's the reason why I've always act like this.. Like crazy.."
Namumula na mata nya.. Konti nalang iiyak na.
"And until fcking now! Sya pa rin.. Sya pa rin! Ayz!" Sabay sabunot nya sa buhok nya..
Di ko alam pero naunahan ko pa syang umiyak .. Masakit kasi.. Ang sakit marinig .. Dali-dali kong pinunasan ng kamay ko yung luha sa pisngi ko.
Pero nagulat ako nung.. U-umiiyak din sya..
"How to unlove her? *sniff* pano?! FCKING HOW?!"
Di ako makasagot.. Wala.. Wala din akong masabi.
"Mahal ko sya.. Mahal na mahal! I'll do everything just for her" para syang tanga na kinakausap yung bote.
"Bakit? Sa tingin mo masasagot yan ng boteng kinakausap mo?" Pilit kong inaayos yung tono ng pagsasalita ko..wag lang nya mahalatang umiiyak din ako..

BINABASA MO ANG
Don't Give Up It's Pag-Ibig
Teen FictionI love the boy who can't love me back.. WHAT SHOULD I DO? HOW CAN I GET HIM? o(╯□╰)o