Lyn's POV
Pagkahatid nya saken sa gate bumaba na'ko.
Nagpasalamat na din ako sa kanya.
"Ingat ka ah. Pag may problema tawagan mo lang ako okay?"- JianSumilip ako sa bintana para makita sya.
"Yes Sir!!"
Sumaludo pa ko sa kanya.
Saka sya umalis.Habang tinitignan kong palayo ang sasakyan nya ngumiti ako.. Kahit di nya ko tunay na anak pinaparamdam nya saken na may tatay pa ko.
Buti nalang tatay-tatayan ko yun. Kahit palaging abnormal este baliw na parang nakawala sa mental di pa rin nya ko napapabayaan.
Yun nga lang, mukhang napabayaan ko sarili ko.
Pero wala naman akong pinagsisisihan eh.
"Besty!"
May yumakap saken bigla, di ko nakita yung itsura pero amoy palang ng buhok nya kilala ko na kung sino.
"Sorry talaga Besty sorry!!"- Besty
"Wala yun"
Kumalas sya sa yakap at tumingin saken, ngumiti naman ako.
"Di ka galit? Pwede mo kong sampalin, sabu-- ARAY!!"
O_____o sya
Napahawak naman sya sa kaliwang pisngi nya pfft
"Oh ayan na"
Aba! Sabe nya sampalin ko sya.
"Nagbibiro lang ako! Tinotoo naman -_____-"- Besty
"Gusto mo isa pa?"
"Ayaw! Kamusta pala?"- Besty
"Alin?"
"Nasabe mo na ba kay Hendrix?"- Besty
"Haha oo, pero tumanggi sya. Cge ah pasok na ko"
***
Jeeann's POV
Pumasok na sya sa room nya.. Wala akong pasok ngayon rest day ko kasi.
Naghintay lang talaga ako sa kanya dito kanina pa para lang makausap at makitang okay sya.
Pero mukhang hindi sya okay.. Ano kayang nangyare?
Hihintayin ko nalang sya sa canteen. Tinxt ko na din sya na dun sya pumunta para makapag-usap kami ng maayos.
Di kasi sya nakauwi kagabe, dun sya natulog kala Jian.
Basang basa nga si Besty kagabe kaya di ko maiwasan isipin kung ano nangyare.
Di ko naman itinanong kay Jian kasi halatang wala na din sya sa mood kagabe.
***
Malapit na mag 10 .. Vacant nya kasi 10 to 1 pm.
Haba ng oras noh? Two subjects lang kasi meron sya ngayon.
Nakita ko namang papunta na si Besty sa canteen kung saan nakapwesto ako.
"Bat di ka pa nauwi?"- Besty
Umupo sya sa tabi ko.
"Mag-uusap pa tayo eh!"
"Ah"- Besty
Baliw ata to! Wala kasi sa sarili.
"Oh ano ngang nangyare?"
"Nahihilo ako Besty! Wag mo kong kinukulit! Pag ako nakunan dahil sa'yo ipapasalvage kita!"- Besty

BINABASA MO ANG
Don't Give Up It's Pag-Ibig
Teen FictionI love the boy who can't love me back.. WHAT SHOULD I DO? HOW CAN I GET HIM? o(╯□╰)o