Lyn's POV
"Ano?!! Eh bat di mo pa kasi sinasabe?!"
Sigaw saken nitong si Besty. Andito kami ngayon sa canteen. Lunch namin. Naluluha nanaman ako, sa totoo lang..naduduwag akong sabihin kay Hendrix yung totoo.
Baka kasi lalo syang magalit saken eh.
3 tatlong araw na din nakalipas mula nung sabihin saken ni Hendrix na darating ang mga magulang nya.
"Besty naman! Tama na! Wag ka na ngang umasa sa taong yun!"
"P-pero kasi *sniff* n-natatakot ako b-baka lalo syang magalit saken *sniff*"- ako
"Wala naman tayong magagawa eh. Ano nang gagawin mo? Dadating na parents nya bukas ng gabi. May family dinner daw."
Kumunot yung noo ko, at pano nya nalamang may family dinner?
Ako nga di ko pa alam yun."Wag mo kong tignan ng masama! Invited ako eh! Pati sila Jian saka Kian. Di nga lang daw makakasama si Cris tsaka Ana kasi may pupuntahan bukas"
***
Eto na yung araw na ayaw kong mangyare. Nagluto na kanina sila Chaddy at Iancle, hinihintay nalang namin ang pagdating ng parents ni Hendrix at Amiel.
Etong si Besty naman kanina pa aligaga. Kinakabahan daw kasi sya baka di daw sya matanggap ng parents ni Amiel.
Baliw! Malamang tatanggapin sya kasi girlfriend sya. Napaka-nega kasi.
*door bells*
Sabay sabay kaming napatingin sa may pinto. Nagprisinta naman si Amiel na sya na daw ang magbubukas.
Sa punto ngayon, ako naman ang kinabahan. Lumingon saken si Hendrix kaya agad akong umiwas ng tingin sa kanya.
"Mom! Dad! How are you?" Lumapit si Hendrix sa Mama't Papa nya at yumakap.
"We're doing good son" Kung di ako nagkakamali, sya si Zack Woo.
Naalala ko lang yung sinabe saken ni Manong Driver. Di ba nabanggit nya saken yung pangalan ng mga magulang ni Hendrix?
"Tita Rina, you're still beautiful" si Chaddy saka hinalikan si ..si Ms.Rina sa pisngi.
"Hahaha bolero ka pa rin!" Marunong naman pala sila magtagalog, pwede bang tagalog nalang?
Baka manosebleed ako dito.
Nakatayo lang ako dito malapit sa hagdan at nanunuod lang sa kanila. Ganun din si Besty.
"Kailan pa po kayo dumating dito Tito?"- Kian
"Just now, your Tita was so excited to see my twin son kaya dumiretso na agad kami dito."-
Mr. Zack
BINABASA MO ANG
Don't Give Up It's Pag-Ibig
Roman pour AdolescentsI love the boy who can't love me back.. WHAT SHOULD I DO? HOW CAN I GET HIM? o(╯□╰)o