Ch.49(DGUIP)

43 6 0
                                    

John's POV

Niyaya kong magsayaw si Lyn, eto na siguro ang pinakahuli na mahahawakan ko ang kamay nya.

Pwede bang ako nalang ulit
Ang ngalang lagi mong nasasambit
Baka sakaling magbago takbo ng isip mo

Ngumiti ako habang nakatingin sa kanya.

"Ang ganda nung kanta"- ako

"Anong kinaganda dun?"

"Pwede bang ako nalang ulit--AWW!!"- ako

"Tumigil ka! Kuya kita remember?!"

Tumawa nalang kami. Wala na talaga eh. Abnormal kasi ako.

Kaya't tinatanong ko na
Baka kasi pwede ako na lang

Pwede bang subukan pang isa
Baka naman ako'y mahal mo pa

"May tanong ako"- ako

"Ano yun?"

"Pano pag pumunta dito si Hendrix, tapos sabihan ka ng 'I love you' anong gagawin mo?"- ako

"Hahampasin kita para matauhan ka! May asawa na yung tao kaya mag tigil tigil ka dyan"

At kung wala nang damdamin sa aki'y ayos lang
Hindi ako magagalit

Pero baka pwede ako nalang ulit

Hayaan mong ika'y tulungan ko
Hanapin ang lugar sa puso mo

Siguro kahit konti pa
Ako'y may daratnan
Buhayin ang nakaraan
Ako sana ay pakinggan

"Hahaha"

Dinggin mo ang hiling ko sa'yo
Araw gabi wala akong ibang hinihiling

Magbalik na sa'king piling
Baka kasi pwedeng ako na lang ulit

Hayaan mong ika'y tulungan ko
Hanapin ang lugar sa puso mo

*Flashback

"Lyn, alis lang ako saglit ah" paalam ko sa kanya. May tumatawag kasi. Kanina kausap ko yung Mommy ko, sabe nya miss nya na daw ako. Hahaha kahit kailan talaga si Mommy napaka-isip bata.

Pumunta ako sa may likod ng stage para di masyado maingay.

"Bakit daw di natuloy?" Kausap ko ngayon sa phone si Jeeann.

Hinanap nya kasi si Lyn, di naman daw nya makontak kaya ako nalang tinawagan nya.

"Ah basta! Long story! Bantayan mo si Besty dyan ah! Papunta palang kami"

"Cge" binaba ko na ang tawag saka binulsa ang phone.

"Hey"

Maglalakad palang sana ako pabalik kay Lyn ng may tumawag saken sa likod. Lumingon ako at nakita sya.

Si Hendrix.

"Oh bakit?"- ako

"I-I love her"

Tumalikod ulit ako sa kanya ng nakapamulsa.
"Alam ko. Wag kang pabulol-bulol mukha kang tanga! Tsk"- ako

Don't Give Up It's Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon