Shara's POV
Masaya ako, sobrang saya.
Pero kapag nakikita ko si Hendrix ngayon, naalala ko yung sinabe ni John saken. Selfish ba ko?
Masaya naman si Hendrix ah, nginitian pa nya ko kanina habang naglalakad papuntang altar.
Masaya nga ba sya?
Bakit parang nawawalan ako ng gana?
Di ba dapat masigla ako ngayon kasi ikinakasal ako sa taong mahal ko?
Kahit na nasaktan ako sa tanong ni Tita Rina, hinanap nya si Lyn kahit ako ang kaharap nya.
Bago ako ikasal, ubos naman ang luha ko kakaiyak. Nasasaktan lang siguro ako eh.
Nitong mga nakaraang araw kasi, iba kumilos si Hendrix.
*flashback
"Manang fe, nasan po si Hendrix?"- ako
"Nasa kwarto nya"
Iisang bahay na kami tumira pero magkaiba ng kwarto.
Kakarating ko lang eh, nag-usap lang kami ni John sa bar.
Papasok sana ako sa kwarto nya kaso..narinig kong tumutugtog sya ng gitara. Tumulo yung luha ko, alam ko kasi. Alam ko kasing hindi para saken yung kantang kinakanta nya ngayon.
Humawak ako sa dibdib ko, ako naman ang mahal nya di ba?
Ako.
Nakarinig ako ng hikbi na nanggagaling sa loob ng kwarto nya. Nagulat ako, minsan ko lang marinig o makita umiyak yan eh, pero totoo.
Naalala ko tuloy yung pag-uusap namin kanina ni John.
Masaya nga ba sya?
*end
Tinignan ko si Hendrix sa tabi ko na nakikinig sa Pari na nagsasalita sa unahan.
Kanina ko pa pinipigilan na wag tumulo yung luha ko, ayoko kasing makita nyang naiyak ako.
Baka itanong nya pa kung bakit.
Ngumiti ako ng pilit saka ibinalik ulit ang tingin kay Father.
*flashback
Kanina ko pa pinipilit matulog pero di ko magawa. Hayz! Magkaka-eye bags na naman ako nito!
Eh kung pumunta kaya ako sa kwarto ni Hendrix?
Papanuorin ko nalang sya matulog?
HeheTumayo ako para pumunta sa kwarto niya. Bukas ang pinto kaya malaya akong nakapasok.
Sobrang himbing nyang natutulog. Umupo ako sa tabi nya at tinititigan ang mukha.
Ang gwapo talaga ng magiging asawa ko.
Sobrang laki ng ngiti ko habang pinapanuod sya.
"Shara"
Napangiti ako lalo, ang sweet kasi kapag nababanggit ng taong mahal mo yung pangalan mo habang tulog sila."I do love her Shara" unti-unting nawawala ang ngiti sa labi ko.
Di ko alam pero natameme lang ako.
*end
"I do." Sagot ni Hendrix.
Di ko na napigilan, tumulo na talaga ang luha ko.
Tumingin saken si Father at saka ako tinanong. Anong isasagot ko?
"I.."
Ano ba dapat isagot?
BINABASA MO ANG
Don't Give Up It's Pag-Ibig
Ficção AdolescenteI love the boy who can't love me back.. WHAT SHOULD I DO? HOW CAN I GET HIM? o(╯□╰)o