Lyn's POV
"I'm getting married"
Naiyak ako lalo, bat kailangan pa sabihin?
Nananadya ata to eh. Pasalamat to mahal ko to.. Mahal ko pa rin to."Ah h-haha congrats"- ako
Tumayo ako para sana umalis na dito. Kaso nung nakita ko sya, para akong naging tuod. Tinignan ko mukha nya, yung ilong, mata, noo, buhok, tenga, pisngi, kilay, pilik mata at labi nya.
Walang nagbago, ganun pa din. Nakatingin lang din sya saken. Bakit di ko magawang umalis?
Parang napako ang paa ko dito.
"H-happy 18th Birthday"Ngumiti lang ako sa kanya, siguro madaling araw na kaya, birthday ko na. Di ko din napansin na birthday ko na. Walang masaya sa birthday ko. Wala.
"Salamat"- ako
Nakatingin lang sya saken. Tumulo yung luha ko kaya tumungo ako para punasan.
"H-haha ikaw unang bumati saken, nakakatuwa naman"- ako
"Do you still love me?"
Natahimik ako sa tanong nya. Bakit nya ba naitanong yan?
Nahalata naman siguro nya na wala akong balak sumagot kaya nagsalita ulit sya.
"A-are you giving up?"
Lumakad ako at nilagpasan sya. Naglakad ako pero hinawakan nya ko sa braso
"Answer me..please"
Inalis ko yung kamay nya sa braso ko saka tumango. Humahagulgol na ko sa iyak pero pinipigilan kong walang boses na lumabas sa bibig ko.
Narinig ko syang tumawa na naaasar.
"Tsk!! Bakit ngayon pa Lyn?"
Hindi ko alam kung nag-iimagine lang ako o ano. Pero, narinig ko syang humikbi.
"I give up, hindi dahil di na kita mahal kundi dahil ayaw na kitang makitang malungkot, gusto kitang makitang masaya. Gusto ko lagi makita yung taong ngumingiti ng totoo. Yung galing sa puso."
Ang sama ko ba para ipahiwatig sa kanya na mahal ko pa rin sya?
Ang sama ko ba kasi inaamin ko yun kahit magpapakasal na sya?
Sobrang sama ko ba?
"Aalis na ko."- ako
Nagmadali akong umalis, di na kasi ako makahinga dahil sa pagpigil ko sa boses kong naiyak.
Sumakay ako ng jeep para makauwi agad. May mga tumitingin saken dahil naiyak ako. Ewan ko kung pano ako nakarating kanina sa park ng naglakad lang. Medyo malayo din yung park sa apartment namin eh.
Pagkarating ko sa bahay, pumasok ako at sinara ang pinto. Tinakpan ko yung bibig ko para di maingay ang pag-iyak ko.
Baka kasi nandito na si Besty, sermunan na naman ako nun.
Bakit ang sakit parin?
Ang tanga tanga ko talaga! Nakakainis!
"Besty, andyan ka na ba?"
Tanong ni Besty na galing sa CR. Inayos ko ang sarili ko saka nagsalita.
BINABASA MO ANG
Don't Give Up It's Pag-Ibig
Novela JuvenilI love the boy who can't love me back.. WHAT SHOULD I DO? HOW CAN I GET HIM? o(╯□╰)o