Lyn's POV
Habang nakasakay ako sa taxi nakatingin lang ako sa labas ng bintana.
Inabot ko yung address ng pupuntahan ko at tumango lang naman yung driver.
Mukhang alam na nya kung saan.
"Dito na po ba?"
Huminto kasi kami sa isang malaki yung bahay at napaka-ganda.
Kulay Maroon yung gate.
"Hahaha pinay ka pala, akala ko naman hindi"
Napatingin ako kay kuya manong driver.
Ngumiti lang ako sa kanya. "Kilala ko kasi ang may-ari ng bahay na yan. Dati nila akong driver."
Pagpapatuloy nya.
"Si Mr. Zack Woo and Mrs. Rina Woo ang may-ari nyan, may dalawa silang anak. Haha kambal pa nga eh kaso suplado yung isa samantalang yung isa naman napaka-bait. Pero mula nung mag-high school ang mga anak nila, sa Pilipinas pina-aral ng amo ko ang mga anak nila"Tumingin ulit ako dun sa bahay na sinasabe nya, eto nga yung bahay nila HendrixMahal?!
Napangiti ako sa sinabe nya, si HendrixMahal ata yung sinasabe nyang suplado.
Waaaaaah!!
"Pero pagkakaalam ko, ilang buwan palang din mula nung umalis ang mag-asawa dito"
Tumingin ulit ako kay Kuya Manong Driver.
P-pano yun?
Anong isasagot ko?
Speechless lang ako."Ikaw na ba ang bagong titira jan?"
Umiling ako bilang sagot.
"Sa tingin nyo po san lumipat ang mag-asawang Woo?"
"Sa Barcelona ata iha"
Nalungkot ako sa nalaman ko.
"Manong dalhin nyo po ako kung san may hotel dito na matutuluyan ko"
***
Shara's POV
Shara Lee is my fullname . Andito ako ngayon sa London..
Almost 2 yrs na kong nandito.. Dito na kasi ako nag aral ng college.. At kinuha ko is Tourism, 2nd year college.
Half korean ako.
Lumaki kasi ako sa Pilipinas.. Dun ako grumaduate ng High School.. Maraming nangyare nung high school life ko ..
*flashback
May best friend akong lalake, bata palang kami close na talaga kami. Sabe nga nila, pag ang best friend daw ng isang babae ay lalake malaki ang posibilidad na magkagusto ang isa sa kanila.
At ganun nga ang nangyare saken, ang best friend ko ay ang.. First love ko.
Ang kaso.. May girlfriend na sya nun. 2nd year high school palang kami sila na. Kahit masakit tinago ko pa rin ang feelings ko sa kanya.
Kita ko kasing masaya sya sa piling ng girlfriend nya, iba yung ngiti na nakikita ko sa kanya pag yung girlfriend nya ang kasama nya.
At halata ding mahal na mahal sya ng girlfriend nya. Ang saya nilang tignan, minsan naiisip ko panget ba ko? Para maghanap pa ng iba tong best friend ko? Hayz
"Mag hanap ka na kaya ng boyfriend mo"
"Tigil tigilan mo ko ah"- ako
BINABASA MO ANG
Don't Give Up It's Pag-Ibig
Novela JuvenilI love the boy who can't love me back.. WHAT SHOULD I DO? HOW CAN I GET HIM? o(╯□╰)o