Lyn's POV
"Hoy babae! Bakit bigla ka nalang nawala kagabi ha?!"
"Antok na ko eh"- ako
Eto na naman kami, nagtatalo na naman. Baliw kasi to eh! Dati ayaw na ayaw kay Hendrix tapos ano ngayon?!
Parang pinupush pa ko."Hahaha may tanong ako"
"Ano nanaman!"- ako
"Suko ka na ba?"
Natigilan ako sa pagkain ko, nandito kami ngayon sa canteen, kumakain. Medyo matagal bago ako sumagot sa tanong nya.
Di ko kayang magsalita kaya tumango lang ako.
"Weh?! Di nga?!"
Di ko nalang sya pinansin. Abno kasi kausap.
Napapansin ko ding di ko masyado nakikita si Marvin. San naman kaya yung taong yun?
Parang ang busy lagi. Haha wala tuloy akong maasar.
"Kumain ka na pala" tumingin ako sa taong tumabi saken at nakita si John.
"Tsk! Aalis na ko!! May demonyo kasi"- Besty
Natawa lang kami ni John sa kanya. Di pa rin nya kasi matanggap na kaibigan ko na si John.
Hinayaan ko nalang, ang pride kasi nun.
Si John naman lagi kong kasama kesa kay Besty, lagi kasi silang nagdedate ni Amiel eh, nakakahiya naman kung mang-iistorbo pa ko di ba? Tsk
***
Isang taon na din yung nakalipas, ganun at ganun pa din. Second year college na ko at Besty, third year college na sina Marvin, Amiel, John, Shara and H-Hendrix.
Antagal na din magmula nang di ako nakikita ni Hendrix. Nakikita ko sya, kaso di nya ko nakikita. Umiiwas ako eh haha.
"Tulala ka nanaman! Hahaha kurap kurap ah!"
Kahit kailan tong Besty ko ang sarap batukan!
"Tumigil ka nga!"- ako
"Hahaha Kim! Tamo oh! Bitter talaga to sa kapatid mo"- Besty
Nakita ko namang nagpipigil ng tawa si Amiel. Lagi ko tong nakikita eh, alam ko naman pagkakaiba nila Hendrix kaya nakakaiwas ako.
"Pfft nga pala, bukas na yung kasal di ba?"- Besty
Tama bang pag-usapan nila yan sa harap ko?!
Tsk!
"Yes, and both of you are invited"- Amiel
"Patayin ko man ngayon si Besty, di talaga yan pupunta. Kahit ako, kung yung taong mahal ko ikakasal sa iba at inimbita ako..sa tingin mo matutuwa ako?"- Besty
May puso din pala to.
"Pero dahil kay Besty yan sitwasyon, matutuwa pa ko kung pupunta sya"
Binabawi ko na sinabe ko -_____-
"Hahahaha"- Amiel
Umalis na lang ako, wala talagang araw na di nya ko iniinis. Tsk
***
Kakatapos lang ng klase namin, nandito naman ako ngayon sa part time ko. Napapagod na nga ako eh.
Pagkatapos ko sa trabaho ko, naglakad lakad lang ako di ko napansin nasa park na pala ako.

BINABASA MO ANG
Don't Give Up It's Pag-Ibig
Teen FictionI love the boy who can't love me back.. WHAT SHOULD I DO? HOW CAN I GET HIM? o(╯□╰)o