Lyn's POV
Pagkadating ko dito sa Pinas, dumiretso agad akong bahay nila Hendrix. Dito nya ko pinatira di ba?
Ng pansamantala.
Pagkabukas ko palang ng pinto, tumingin ako sa paligid. Nanlalabo na naman ang paningin ko.
May mga luha nanamang umiipon sa mata ko. Bakit nanaman ba ako naluluha?
Sinarado ko muna ang pinto bago magpatuloy pumasok ng bahay saka binuksan ang ilaw.
Umakyat ako para sana dumiretso na sa kwarto kung san ako natutulog kaso tong mata ko nahagip ang kwarto ni H-Hendrix.
Lumapit ako sa kwarto nya, iniwan ko muna ang isang maleta na dala ko pero di ko na binaba ang pack bag na dala ko.
Pinihit ko ang doorknob para bumukas at pumasok. Kinapa ko ang switch ng ilaw ng kwarto.
Tumingin ako sa paligid. Namumuo nanaman ang luha sa mata ko dahilan ng panlalabo nito.
Naglakad ako palapit sa kama at umupo.
Umiyak lang ako ng umiyak, ewan ko ba.. Ugali ko na sigurong umiyak eh.
Kinapa ko ang unan, naalala ko nung mahimbing syang natutulog at kinantahan ko ng mga kantang kung anu-ano.
Tumulo ng tumulo ang luha ko kaya pinunasan ko to ng mga kamay ko. Pero parang walang epekto kasi tulo pa rin ng tulo kaya hinayaan ko nalang.
Tumingin ulit ako sa paligid, pati sa may likod ko at nakita ko ang kabinet nya.
Tumayo ako at lumapit dun, tinitigan ko muna yun bago binuksan.
Tinignan ko isa-isa ang damit nya, napangiti ako ng pilit at pinunasan ang pisngi ko, basang basa na kasi eh.
Isasara ko na sana yung kabinet nya nung may nakita akong box.
Pamilyar sya kaya kinuha ko para matignan ng mabuti. Napangiti ako ng maalala kong ito yung pinaglagyan kong box ng cookies na bibigay ko sana sa kanya kaso di nya tinanggap.
Eh panong nandito to?
Umupo ako at pinunasan ulit ang luha ko sa pisngi. Badtrip tong matang to! Parang gripo lang kung maglabas ng tubig!
Binuksan ko yun at tumawa ng mahina dahil sa nakita ko pero lalong tumulo ang tubig sa mata ko.
Nakita ko kasi ang maliit na box na binigay ko sa kanya dati, binasa ko naman ang note "equals nine" .
19-1-18-1-14-7-8-1-5
Tumulo ulit ang tubig sa mata ko dahil naalala ko ibig sabihin nyan.
S-A-R-A-N-G-H-A-E
Bakit equals nine?
Haha kasi ang salitang SARANGHAE ay may NINE letters lang. Kaya equals nine.
Halatang di pa nya nabubuksan to, halata naman.
Di pa nya nakikita ang laman.
Eh kung itapon ko na kaya lahat to?
Wala namang kwenta to kasi galing lang naman saken eh. Halata din namang ayaw ni Hendrix ng mga ganito.
Pero baka magalit sya saken kaya ibinalik ko na yun sa kung saan sya kanina nakalagay at saka isinara ang kabinet.
Pagkasara ko, bigla kong naalala yung mga oras na nandun ako sa London.

BINABASA MO ANG
Don't Give Up It's Pag-Ibig
Novela JuvenilI love the boy who can't love me back.. WHAT SHOULD I DO? HOW CAN I GET HIM? o(╯□╰)o