Hendrix POV
"Bakit ka umalis ng walang paalam?"- ako
"K-kasi.."
"Bakit *sniff* bakit hindi kita mahanap?"- ako
Narinig kong humikbi sya.
"B-bakit pa? Eh di ba masaya ka naman nung engagement party nyo? A-ayoko lang na manggulo pa"Kumalas ako sa yakap at hinawakan sya sa pisngi.
"Alam mo kung bakit?" Pinunasan ko yung pisngi nya na basa.
"Kasi habang kasayaw ko si Shara, iniisip kita. Iniisip ko na ikaw yun. A-akala ko tuloy ikaw na yung kasayaw ko k-kaya hinalikan ko sya. *sniff*"Pinunasan ko yung pisngi ko.
"You hurt me a lot, you know that? But everytime I remember what I've done to you..Inis na inis ako sa sarili ko *sniff* tinatanong ko sarili ko b-bakit ko nagawang sabihin yung mga masasakit na salita? Wala kang ginawa kundi..intindihin ako"*flashback
"Bukas na kasal mo, magpahinga ka na"- Dad
Umalis na sila Dad after nya kong kausapin, It's just all about my wedding tomorrow. Ilang oras nalang madaling araw na pero naisip kong pumunta sa park. Bukas na nga ang kasal ko, bukas na din ang birthday ng taong.. Mahal ko.
Dito daw palaging nagpupunta si Lyn kaya nagbabasakali ako na sana..makita ko sya dito. Maski sa school kasi..di ko sya makita.
Siguro nga iniiwasan nya ko.
May nakita akong babae na naka-upo di kalayuan sa punong lagi ko ding inuupuan kapag gusto kong mag-isa.
Lumapit ako sa kanya. I heard her sobbing. Bakit..bakit hikbi palang nya kilala ko na na sya yun?
Ganun ko na ba sya kakilala?
"Lyn" tawag ko.
"John told me that you're always here."I want to hug her, I want to hear her voice while laughing and I want to see her beautiful smile.
"I'm getting married"- ako
"Ah h-haha congrats"
Bakit nasaktan ako sa sinabe nya?
"H-happy 18th Birthday" di ko alam kung madaling araw na ba o hindi. Basta ang gusto ko, ako unang bumati sa kanya."Salamat haha ikaw unang bumati saken, nakakatuwa naman"
"Do you still love me?" Di ko na napigilanng itanong yan. Gusto kong bawiin yung tanong ko pero, gusto ko talaga malaman.
Please say..yes.
Sabihin nya lang na mahal nya ko. Di ko na itutuloy ang kasal. Pero kung hindi na, hindi ko alam kung ano mararamdaman ko.
Ilang minuto na ang nakalipas, wala pa rin syang sagot. Konti nalang, tutulo na luha ko.
"A-are you giving up?" Please say..no.
Aalis na sana sya pero hinawakan ko yung braso nya.
"Answer me..please" tinapik nya ang kamay ko saka tumango. Naaasar ako ng naiinis."Tsk!! Bakit ngayon pa Lyn?"
I can't help it.. I can't help but cry.. Ang bakla tignan pero, di ko na mapigilan.

BINABASA MO ANG
Don't Give Up It's Pag-Ibig
Teen FictionI love the boy who can't love me back.. WHAT SHOULD I DO? HOW CAN I GET HIM? o(╯□╰)o