Lyn's POV
Yes! Kakatapos lang namin kumanta't sumayaw ng bongga haha
Pumunta na ulit kaming back stage para magbihis bago pumunta kung saan nakapwesto sila HendrixMahal ^_____^
"Grabe! Ang galing pala sumayaw ng mahal ko"-Kian. Kiniliti nya sa may gilid ng bewang si Ate Ana. Nahiya naman at namula si Ate dun haha
Wag nyo ng itanong kung ano din ginagawa ng dalawa pang couple -_____- inggit na ko eh ! Huhu
Puro lambingan lang naman ang ginawa. Wait.
Bakit ayaw nga pala ako pansinin nitong mahal ko?
(A/N: kailan ka ba pinansin nyan?)
ay!
Tong otor na'to panira!
Mamaya ko na lang sya kukulitin . May gagawin pa din ako eh wahehe
"Nag enjoy ba kayo sa dalawa nating performers?"- MC
Hindi -____-
"Walangya! Ikaw lang atang ulol ka yung nag-enjoy eh!"- Marvin
Problema nito?
"Well well well.. May lumapit saken kanina na babae. Nagrequest sya na kahit sa huling pagkakataon daw eh makantahan nya ang isa sa pinaka-importanteng tao sa buhay nya"- MC
Ahehe napangiti naman ako dun.
"Dahil naawa ako.. Pinagbigyan namin sya"
Aba! Dapat lang huhu naalala ko tuloy yung kanina
*Flashback
Pagkatapos kong magbihis dali dali akong lumapit dun sa MC.. Tutal nasa CR pa naman sila Besty. Nauna kasi akong matapos magbihis kaya di na nila mapapansing aalis ako saglit.
"Hmm excuse me"
Lumingon saken yung MC. Actually gwapo sya pero syempre MAS GWAPO ang mahal ko.
"Please please" lumuhod ako sa harap nya at nagmakaawa pa lalo. Napansin ko lang ah, hobby ko na ata ang magmakaawa -____-
"M-miss di ba ikaw yung isa sa mga nagperform kanina?" Di ko sya pinansin kasi halos halikan ko na paa nya "M-miss a-anong ginagawa mo" gulat na tanong nya sabay tingin sa paligid.
"Gusto ko sanang *sniff* pasayahin ang..ang boyfriend kong may sakit *sniff* may *sniff* cancer sya" kunyare hahalikan ko na yung sahig .. Grabe ah! Todo iyak na ko dito!
"M-miss hindi kasi pwede--"
"Pleaaaaaaaase *sniff* eto nalang kasi ang magagawa ko para sa kanya eh *sniff* andito kasi kami ngayon para mag-bonding. Gusto nya daw kasi ako makasama dito sa Palawan ng kami lang dalawa pero hindi pumayag yung parents nya kaya pati mga magulang nya nandito din. Hindi ko na kayang nakikita syang nahihirapan. Sabe nya saken kapag kinantahan ko sya ngayon sign daw yun na pinapalaya ko na sya. Na pumapayag na kong magpahinga sya. Kaya eto buo na desisyon ko. Ayoko na din kasi syang mahirapan pa. Ayoko na din nakikitang.. Nakikitang ganun ang itsura araw-araw. Namumutla *sniff* h-hindi ko na kaya" tumitig ako sa mata nya na paawa epec.
BINABASA MO ANG
Don't Give Up It's Pag-Ibig
JugendliteraturI love the boy who can't love me back.. WHAT SHOULD I DO? HOW CAN I GET HIM? o(╯□╰)o