Dedicated sa kanya. Kasi masaya siyang kausap. Hihihi ;)
*wala nang prologue. Tinatamad ako eh. :P
Chapter one:
Kezeiah’s POV
“Keiaaaaaaaah! Utang na loob! Bumangon ka naaaaa!” sigaw ng ate kong menopausal habang niyuyogyog ako.. tangna! Ang sarap lang sakalin. Ang aga aga nang bubulabog na.
“mmm… asdfghjkl..” sabi ko sabay talikod sa kanya.
“ano baaaaa! Bumangon ka na kung hindi ibubuhos ko itong kape kooooo!”
“ano ba! Ang aga aga sumisigaw kaaaa!” padabog akong bumangon at tiningnan ang aking ate na nakalagay ang isang kamay sa bewang at ang isang kamay naman ay nakahawak ng mug.
“at ako pa ang may kasalanan ngayon huh? Aba’t tumayo ka na PO jan at may klase ka.” Sabi niya tapos lumabas na sa kwarto ko.
O_O
Klase?
ako?!
Tumingin naman ako sa digital clock na nasa study table ko at..
Nako po. Apo ni Mang Juan! 6:30 naaaa! TOT dapat before 7 nasa school na ako..
Dali dali akong pumasok sa CR at naligo at nag toothbrush at nag bihis ng uniform.
BINABASA MO ANG
When A Stranger Calls
Teen Fiction“I fell in love with a stranger who keeps on calling me every night.”