Chapter Seventeen

1.1K 26 3
                                    

dedicated to @superabhie :))

Chapter Seventeen

GD’s POV

“W-WHAT?”

She then gave me a half smile.

“you heard it right. I have an amnesia..”

“you’re joking..” I said. Disbelief is really obvious in my face at yung paraan kung paano ko sinabi sa kanya. Sa totoo lang, ayoko talagang maniwala. I mean, seriously, may ganun pa ba? Hanggang ngayon?!

“I wish I was..” she gently turn her head sa left side. Huminga siya ng malalim and then yumuko. And then suddenly, I heard her sob, sabay ng paggalaw ng kanyang mga balikat. And then, I know. umiiyak siya.

Hinawakan ko ang kanyang balikat. First time. This is the very first time I touch her simula nung nawala siya. I really want to hug her. yung tipong gusto kong sabihin sa kanya ang totoo. Kung gaano ko siya na-miss. AT mahal na mahal ko parin siya hanggang ngayon.. PERO lahat ng ‘yon, di ko magawang sabihin sa kanya. Para saan pa? ni hindi nga niya ako kilala. For her, I’m just a stranger. At ang sakit sakit lang. PUTCHA eh!

“3 years. Tatlong taon akong namuhay sa isang lugar kasama ang mga taong hindi ko kilala. I suffered 5 months, kakatanong sa mga tao kung sino sila. It took time para makilala ko ng lubusan ang sarili kong ama, ina at ang sarili kong pamilya! Ni hindi ko nga kilala sarili ko eh. It just happen na nagising ako sa isang hospital and then wala na akong maalala..”

“sa tuwing may iisipin ako, sa tuwing pinipilit kong alalahanin ang nakaraan, every time I tried to bring back my memories, sumasakit ang ulo ko. minsan na nga akong na-hospital dahil lang sa gusto kong may maalala na. sa sobrang sakit ng ulo ko, nahihimatay ako.. my doctors adviced me not to force myself anymore. Sabi pa nga nila, kusa lang itong babalik.. I waited, alam mo ba yun? Naghintay ako! Pero anong nangyari?! 3 taon na! nakabalik na ako ng Pilipinas pero wala pa rin! Wala pa rin akong maalala!” this time, tiningnan niya na ako. And it pains me to see her crying. Nung kami pa, I will do anything for her not to cry because making her cry is the last thing I will do..

When A Stranger CallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon