Chapter Three

2K 38 6
                                    

Dedicated sa mare ko. :) siya ang naging dahilan kung bakit nakapag-update ako today. Hihi ^____^

New characters  for this chapter. *u* enjoy!

Chapter Three:

Keiah’s POV

“kyaaaa- makikita ko na siya mamaya bunsooooooo!”

‘wag na kayong magtaka kung sino yung sumigaw. -___- nakakahiya na dito sa Starbucks. Nasisira ang beauty ko nang dahil sa ate kong menopausal.

“ano ba! Ang lapit lang natin ate oh! Di naman ako bingi para sumigaw ka. Ano bang paki ko kung makikita mo na mamaya yung textmate mo?!” asar na tanong ko.

Oo. Tama kayo ng basa. Pumapatol ate ko sa mga lalaking textmate niya. Ready siyang makipag kita or makipag eyeball sa kanila. Oo, ganyan kadesperada si Krizza Amethese Sia. Sa araw araw na ginawa ng Diyos, hinihiling niya na makita na yung “prince charming” niya. Gusto niya ng makapag asawa. Atat much siya. Hahaha! Takot maubusan ng lalaki. XD

“yeee- sinasabi ko lang naman sayo eh. Haay~ ano kayang itsura niya?”

Itsura ng ate kong baliw. - - -> *Q*

“hah! If I know, pangit siya. Bakulaaaaaaw..” nakangiting aso ako niyan. Haha gusto kong mapikon ate ko!. ^___^ tinitingnan niya lang ako habang umiinom ako ng favorite kong latte.

“che! Gusto ko lang naman magka-baby eh. Kahit hindi na niya ako pakasalan. Tumatanda na ako. Kahit walang asawa. Anak lang, ok na ako..”

O_O

Pagkatapos niyang sabihin yun, agad kong nilabas yung iniinom kong latte. In short, natapon ko. Natapon ko sa mukha ng ate kong.. baliw. (_ _ “) ay teka, hindi lng siya baliw. DESPERADA din. Nakoooo, magpapabuntis siya sa textmate niya?! Ang babaw lang -____-

“waaaaaaaa- Keiah ano ba! Mukha bang toilet bowl yung mukha ko?! Psh.” Sabi niya sabay kuha ng panyo sa bag tapos pinunasan niya yung mukha niya.

“sorry ate. Eh kasi naman. Nabigla ako sa sinabi mo. Nag jojoke ka lang ba ate?”

“mukha ba akong nagjojoke?! Nagsasabi ako ng totoo. At ikaw lang ang sinabihan ko sa mga gagawin ko sa buhay KO.” Sabi niya. Binigyan niya talaga ng diin yung salitang KO sa huli.

“ate, pwede ka naman magpakasal kay kuya Luke eh. Hindi ko alam kung anong nasa utak mo. Si Kuya Luke matagal mo nang manliligaw na hanggang ngayon eh hinihintay ka pa rin. Siya nalang kaya..” sabi ko. Si kuya Luke, siya yung kaibigan ni Kuya Alex. Isa din siyang doctor.

“ayoko sa kanya. Gusto niya yung mga bagay na ayaw ko..”

“kung ayaw mo sa kanya, di wag kang magpakasal. Magpabuntis ka nalang sa kanya. At least, sigurado akong magiging maganda o gwapo ang anak mo. Ang gwapo kaya ni kuya Luke.” Oo, crush ko si kuya Luke dati yung hindi ko pa nakita si Kiel baby ko. Hihi >///<

“eh sa susunod nalang . kapag nakita ko yung textmate ko mamaya tapos pangit pala siya, kay Luke nalang ako magpapabuntis.”

“teka ate, atat ka masyado.. bakit ba gusto mo nang magka anak?”

“eh kasi Keiah, I’m already 26 years old. Konti nalang at mawawala na ang edad ko sa kalendaryo. Pati isa pa, yung mga kasama ko sa boutique halos may mga anak na. ako nalang at si Mika yung hindi pa buntis pero next month ikakasal na si Mika. So that means, ako nalang talaga ang wala nang pag-asa.” Sabi niya sabay tingin sa lamesa.

Aww. :|naawa ako sa ate ko. Desperada na talaga siya. Tsk. (-_- )( -_-)

Ewan ko ba bakit wala talaga siyang manliligaw. Si kuya Luke lang talaga yung naglakas ng loob na ligawan siya. Maganda naman ate ko eh, syempre mas maganda lang talaga ako. HAHAHA de joke. (^_^)v

When A Stranger CallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon