Chapter Thirteen

1.1K 29 9
                                    

dedicated to @ImaKPadAddict ",) maraming salamat sa pag follow and sa paglagay ng WASC sa RL mo. hihi :DD

Chapter Thirteen

Kezeiah's POV

"Ate Dria, is everything ready na?" nakangiting tanong ko kay ate na ngayon ay kinukuha ang cupcakes sa oven.

"yes baby, everything is ready na. your kuya's friends nalang ang kulang.."

tinulungan ko si ate maglagay ng icing sa mga cupcakes. ito ang hilig niya ... ang mag bake. =)

enjoy na enjoy kami ni ate sa pag lalagay ng icing nang may nag doorbell.

"ate baka sila na 'yon.." sabi ko tapos nilagay ko sa sink yung mga ginamit namin.

"baka nga.. 'lika na.." nakangiting sabi ni ate habang tinatanggal yung suot niyang apron.

Deep inside, kinakabahan ako and at the same time excited. kinakabahan kasi .. EWAN. 'di ko alam. =____= feel ko kasi may mangyayaring hindi maganda. excited kasi gusto ko nang makita si Miguel. yep, alam ko na ang totoong pangalan ni Miggy. habang naglalagay kasi kami ng icing ni ate, bigla niya itong na mention. that's why I was able to ask for his complete name. Miggy was one of ate Dria's schoolmate nung elementary. kaya sa lahat ng mga friends ni kuya, si Miggy ang close niya.

nauna nang lumabas si ate sa kitchen. inaayos ko pa kasi yung dress ko. dapat I will look beautiful sa harap ng mga friends ni kuya. bukod kasi na it's my first time to meet them, balita ko rin kay ate Dria na they are all handsome. not to mention that they have lots and lots of money. ang iba nga raw sa kanila ay may-ari ng mga sikat na hotels and restaurants here in the Philippines. ang iba naman ay mga tagapag-mana ng mga group of companies. while the rest ay mga professionals na. sa katunayan nga, yung lima sa kanila including kuya Kriston ay kasali sa top 10 most eligible bachelors sa bansa. see? saan ka pa, diba? gwapo na nga, mayaman pa! XD

AND TAKE NOTE, all of them are SINGLES! NO COMMITMENTS. NO GIRLFRIENDS! well, maliban nalang kay kuya Kriston ko.

When A Stranger CallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon