Chapter Fifteen

1K 25 2
                                    

dedicated to @Kagura_Sen (^__^)

Chapter Fifteen

GD’s POV

Limang araw.

Limang araw na kong walang ginagawa.

Limang araw na akong parang tanga.

Limang araw nang di ako pumapasok.

At TANGNA lang! bumalik na ako sa dati.

Ito ako tatlong taon na ang nakalipas.

Ganitong ganito ako nang nalaman kong wala na sa Pilipinas ang taong minahal ko sa loob ng apat na taon. Ganitong ganito ako dati nung mawala siya sa buhay ko bigla bigla.

Ganito ako.

AT hindi ko matanggap dahil akala ko wala na. wala na yung sakit.

Wala na.

akala ko binaon ko na sa limot ang lahat. At TANGNA lang ulit, dahil nagkakamali lang pala ako ng akala. Andito parin oh! Damang dama ko parin!

Wala naman akong ginawa dati para saktan siya at umalis ng walang paalam. AT oo, nagagago ako sa tuwing iniisip ko ang mga posibleng dahilan kung bakit niya ako iniwan! Ginawa ko naman ang lahat ah. Kahit na ang bata bata pa namin noon, alam kong naging masaya siya sa piling ko. Kahit na ang ginagawa namin ay patago.

OO, patagong pagmamahalan ang ginagawa namin noon.

Mahal ko siya, pare. Mahal na mahal. Handa akong ibigay sa kanya ang lahat, mapasaya lang siya.

Nag bago ako para sa kanya. Naging masayahin akong tao nang dahil sa kanya. Lahat kaya ko nang gawin dahil tinulungan niya ako. Tinulungan niya akong mag bago. Wala na yung GD na basagulero, palaging na sususpended at naga-guidance. Lahat ng iyon nag bago nang nakilala ko siya.

At dahil sa kanya, nakilala ko yung mga kaibigan ko ngayon.

Ngayon, hindi ko lubos maisip kung bakit niya ako iniwan.

At dahil sa Sabado ngayon, andito ako sa park ng village namin. Dito ako tumatambay sa tuwing magulo ang isip ko. dito kasi ako nakakakuha ng lakas at katahimikan.

Naka-upo lang ako sa swing nang may biglang nag salita.

“pa-upo ako ah?”

Pagtingin ko, agad na lumaki ang aking mga mata sabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko. hindi ako nakapag salita.

‘’ikaw si GD, diba?” tanong niya sa akin nang umupo na siya sa kabilang swing.

“kilala mo na ako?!” di makapaniwalang tanong ko.

“ah, oo.. ikaw yung nakita ko sa supermarket last week, ata yun diba? Kasama mo pa nga yung tatlong lalaking makukulit..” sabi niya habang tinitingnan yung mga paa niya.

Hinding hindi pa rin siya nagbabago. Sa tuwing kinakausap ko siya … dati, palagi niyang tinitingnan yung mga paa niya. I know it’s weird but that’s her. Hindi siya si Winona Ysabelle kung hindi niya tinitingnan ang mga paa niya habang kinakausap ka.

Dahan dahan naman akong tumango. Oo, ako nga iyon.

Pinagmasdan ko siya. Masyado ba talagang mahaba ang tatlong taon para makalimutan niya ako? Marami bang nangyari sa kanya kaya hindi na niya ako maalala ngayon? Bakit ako? Bakit hanggang ngayon, hindi parin ako makalimot? Bakit hanggang ngayon, siya parin yung tinitibok nitong puso ko?

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon. Halo-halo na nga ang nararamdaman ko eh. galit at tuwa. Siguro sa sitwasyon kong ito, may karapatan naman akong magalit diba? Gusto ko siyang pagalitan. Gusto ko siyang sigawan at itanong sa harap ng pagmumukha niya kung bakit niya ako nagawang iwan?! Kung bakit niya ako ginawang tanga. Hinanap ko siya eh. Ginawa ko ang lahat para makita siya. Pero anong nangyari? WALA. Walang Ysabelle ang nagpakita.

Tuwa? Kasi sa loob ng tatlong taon, nagawa ko na siyang tingnan at kausapin ngayon. Tuwa kasi ngayon, alam ko nang nasa mabuting kalagayan pala siya. Na walang nangyari sa kanyang masama. Na hanggang ngayon, buhay parin ang taong mahal ko, na ang akala ko ay patay na.

Bigla siyang tumingin sa langit, at agad akong nakaramdam ng lungkot nang nakita ko ang malungkot niyang mga mata. Isang mabigat na buntong hininga ang ginawa niya and she look at me with a half smile.

“may gusto akong sabihin sa’yo.. hindi naman kita kilala kaya alam kong hindi mo ipagsasabi sa kahit kanino ang mga sasabihin ko..” biglang sumikip ang dibdib ko at napatingin sa ibang direksyon. Oo, hindi mo nga talaga ako kilala.  Napabuntong hininga rin ako at bigla ko siyang tiningnan. “ano yun?” tanong ko.

At nang nasabi na niya ang gusto niyang sabihin, parang sa isang iglap lang, naguho ang mundo ko. doble ang sakit na nararamdaman ko nang sabihin niya sa akin ang mga katagang ayaw na ayaw kong sabihin niya. Na kahit nang sinabi sa amin ni Yori iyon ay hinding hindi ko tinanggap at sa loob loob ko ay tinawanan ko lang ang sinabi niya.

“may amnesia ako..”

xxx

AT DAHIL SA BROKEN HEARTED AKO NGAYON, IDADAMAY KO SI GIAN DANIEL! AYAN, GD, FEEL THE PAIIIIIIIINNNNNN! XD

osya, caps lock para INTENSE! x))))

VOTE, Sweethearts! READ lang kayo ng READ okaayyy? :">

K.BYE~ may pasok pa ako bukas! kekeke ;)

ADIOS!

P.S si GD sa side - - - - > awww IREALLYKNOWHOWITFEELS, DUDE.

SimplyIrresistable. GOODBYE, CRUEL WORLD! >.> TATALON NA AKO SA 6TH FLOOR. XP

When A Stranger CallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon