Chapter 1: THE BEGINNING

1.4K 44 18
                                    

Lhia's POV:


*Kriing ! Kriing ! Kriing!*

hay... bwisit na alarm clock na yan.. ay mali kung hindi dahil sa bwisit na buhay kong to hindi ko na kailangan gumising. tssk.

Ako si Marlhia Serene Tiala. 16 years old. 4th year high school student at graduate na sana ako ngayon kaso natigil ako sa pag-aaral. I don't have a mother anymore but I have a useless father. Kasi naman imbis na ako ang buhayin niya yung babae pa niya ang binubuhay niya! How Bad ! pero kahit ganun siya mahal ko parin si papa ^___^ (siguro)

Naligo na ako at nag bihis dahil pupunta ako sa pagtatrabahuan ko. lumabas na ako sa boarding house ko at nag abang na ng masasakyan.




"Lhia! ^______^" si Fern pala.





Eto ang bestfriend ko, si Fern Mendoza Maganda, pure black ang kulay ng buhok, may lahing amerikano kaya maputi. Magkababata kaming dalawa. Sabi nila para daw kaming magkapatid.

Maputi din kasi ako, 5'1 ang height ko. Brown ang buhok ko. Sabi nga nila hindi daw nila alam kung sino samin ang mas maganda.

Minsan yung mga naging kaklase ko dati, nagtatalo pa sila at nagpupustahan kung sino saming dalawa ang mas maganda. Haha ! Oo feeling na ako ! :D

Ang masasabi ko kay Fern, medyo LALAKERO siya. Ang astig nga niya dahil Mahigit 30+ na ang naging ex niya. Oh Diba astig no ! >:D talo pa niya ako. NBFSB. Basted nalang lagi ginagawa ko sa mga Boys.

Hindi ko pa kasi nararamdaman kung paano ma-fall In love sa isang guy eh. Natatakot ako na masaktan. :)




"Sis, Ingat ka palagi ah. Magparamdam ka sakin. Pag may time ako bibisitahin kita kung saan ka mag tatrabaho. Alam mo naman sila mama at papa, todo Ingat sakin. ^______^" pagpapaalala niya sakin.





"Oo palagi ako magpaparamdam sayo Sis. Hayaan mo babalik din naman ako dito eh." Sabi ko naman.




"Sure ka na ba talaga sa trabahong to? Walang mag aalaga sayo dun Sis :"( paano kung magkasakit ka ? Sino mag aalaga sayo dun wala naman ako sa tabi mo wala din ako dun pag umiyak o malungkot ka." - Fern. Wow ! Best actress talaga to ! :D





"Wag ka na ngang mag drama diyan! Kailangan ko to Fern. Hintayin mo nalang ako babalik ako. ^_______^"




"Mamimiss kita... Sis *sub*" -Fern. Ayan at lumuha na siya.




"I'M GONNA MISS YOU TOO SIS. ^_____^ oh stop that. Just be happy for me okay?" - ako



Nag nod siya. Nag para na ako ng masasakyan.

Sumakay na ako ng Taxi. At nagwave siya. Halla hanggang ngayon umiiyak pa rin siya. :") thank you for all your support Fern.

Nakita ko na tumingin sakin yung driver ng taxi, at nakita ko na may tattoo siya sa kanang leeg. Parang paniki ang design. I don't know >_<

Natulog nalang ako at hindi na pinansin. Gumising. Natulog nagising. Tulog ulit gising nanaman. Yung totoo, gaano ba kalayo tong pupunta ko. nyemas naman nahihilo na ako >_<

Labas sa Taxi. Hay Salamat. Sa wakas, Now I'm here.

Napanganga na lang ako ng makita ko ang Mansion. It's so big just like a castle. pero bakit ganun? parang may mali dito sa Mansion na to. May nakita akong two letters sa gitna ng gate. VM. hmm.. ano kaya yun? Hindi ko na pinansin at nagdoorbell na ako.

Biglang nagbukas ang gate at ganun na din ang Pintuan papasok sa Mansion. high-tech na ba ang gate door ngayon? nagbubukas/Sara to mag-isa eh.
ng makapasok ako...




The Vampire's Maiden (part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon