Lhia's POV:
Ang sakit ng ulo ko. Ano bang nangyari?
Nagising ako bigla. Bumangon na ako.6:40PM na pala.
Hindi na ako nakapasok sa school.
Ano ba talagang---
"SI PAPA!!!!" sigaw ko.
Dali dali akong lumabas sa room ko at saka pumunta sa Room kung saan nakita ko yung Diary ni papa.
Ano ba talagang kinalaman ni papa sa pamilya na to?
Hinanap ko yung Diary kung saan saan pero hindi ko nakita.
Wala ako nagawa kaya lumabas na ako sa room.
Naiinis ako ano ba talaga connection nila kay papa?! >_<
Para lumamig yung ulo ko pumunta ako sa kusina at tumingin sa napakalaking ref nila kung may ice cream sila.
Hay Salamat at meron akong nakita.
Kumain ako at nag isip isip.
Naiinis talaga ako.Nagdabog ako. Hindi ko na kaya pigilan sarili ko eh.
"Nakakainis kayo! Ano ba talaga kinalam---"
"What are you doing?"
Nagulat ako sa nag salita at tumingin sa kaniya.
Si Dan pala."A-anong ginagawa mo dito? Diba dapat nasa school ka?"
"Nag absent ako para bantayan ka." Bakit parang bumilis tibok ng puso ko ? >_<
"Dan asan Diary ng papa ko?"
"I don't know"
"Asan?!"
"Ewan ko."
"WHERE?!"
"haist! Ang kulit mo! Nasa drawer mo lang!"
Tapos umalis ako sa kusina agad para kunin yung Diary.
"Lhia! Ice cream mo!"
Rinig ko pa na sabi niya. Hmmpfff! I don't care about sa ice cream na yan! Diary ang habol ko.
Nang makarating ako sa room, sa wakas nakita ko rin.
Binuklat ko yung Diary.
"I-imposible to! Paanong---"
Pero puno ng sulat tong Diary ni papa paano nangyaring walang sulat?!
Blank lahat ng pages.
Nakita ko na nandun pa rin yung picture namin ni papa.
"This picture is the only clue that I've left" bulong ko sa sarili ko.
"Kita mo?" -Dan
Lumapit ako sa kaniya. Nakasandal lang siya sa pintuan.
"Paano nangyaring walang sulat tong Diary ni papa?"
"Aba malay ko. Ikaw nakakita niyan. Wala ako kinalaman diyan"
"Dan!"
"Wag ka nga makulit!"
"Dan plea----"
Nagulat ako sa ginawa niya ng isinandal niya ako sa pader.
Tinitigan lang niya ako sa mata.
Wag mo ako tignan Dan namumula ako >////<Palapit ng palapit yung mukha niya sakin.
Tapos huminto siya.
"Matulog ka nalang" sabi niya saka umalis na.
Natulala ako sa ginawa niya.
BINABASA MO ANG
The Vampire's Maiden (part 1)
VampireSi Marlhia Serene Tiala (Lhia). isang mapagmahal at napakagandang dalaga ngunit medyo kapos sa budget. dahil sa kahirapan, nagtrabaho siya sa isang napakalaking mansion upang maging maid doon at maiinlove sa Bad Boy Vampire na si Alexander John Ri...